bc

Primer Amor

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
second chance
goodgirl
self-improved
bxg
serious
campus
highschool
first love
school
passionate
like
intro-logo
Blurb

Nagkaroon ka na ba ng first love? Yun bang tao na una mong minahal? Yung tao na binigyan mo ng importansya. Yung tao na pinahalagahan mo ng sobra. Yung tao na binago ang lahat sa buhay mo. Yung tao na nagturo sayo ng maraming leksyon. Yung tao na iniyakan mo ng sobra. Yung matagal bago mo natanggap na wala na kayong dalawa. Yun bang parang imposible na makalimutan mo sya? Yung parang sya na ang naging mundo mo. Ang naging buhay mo.

Isa si Jen sa ilang dalagang maagang nagmahal.

Pero tulad ng ibang kabataan, humarap din siya sa ilang hamon, pagsubok at laban.

Ito ay isang kwento tungkol sa unang pag-ibig. May saya, ligaya at sorpresa. May sakit, hinanakit at galit. May pagkamuhi, pagtalikod at pang-iiwan. May pagtanggap, pagpapatawad at pagbabago.

chap-preview
Free preview
Ang Unang Pagtatagpo
Ako si Zen. 4th year high school. Graduating. Pero kahit ganun, aaminin kong wala pa akong masyadong alam sa takbo ng oras, ikot ng mundo, iba't-ibang karanasan, at sa kaisipang pangkalahatan. Isang musmos pa lamang. Transferee ako. Kinailangan kong lumipat nang eskwelahan dahil lumipat kami ng bahay. Maraming nagbago. Bagong eskwelahan, bagong classroom, bagong mga kaklase. May mga bagong gamit, bagong kaibigan, at alam ko, marami ring bagong karanasan ang naghihintay lang na aking matuklasan at masubukan. Public school kaya maraming estudyante ang pagala-gala kahit class hours na. Yung iba naghahanap pa ng kaniya-kaniyang classroom. May mga naghahanap ng c.r, may mga naglilinis at may mga late enrollees. Ako naman, pagkatapos ng labing limang taon, nahanap ko rin ang classroom ko. Ang lugar na magiging kulungan ko sa loob ng sampung buwan. Fourth Year Section Rose. Ang galing. Parang private school lang. May mga classmates pa naman ako from grade school. Naging ka close ko naman agad. Masaya. Pero hindi naging madali ang buhay high school ko. Oo nandun yung sakripisyo ng paggising ng maaga, mga mahihirap na assignments, sandamakmak na projects, surprise quiz, nakakanginig na oral recitations at nakakakabang mga exams. Pero maliban doon, mahirap din pala ang magpakatotoo kapag napapaligiran ka ng mga mapanghusgang tao. Dahil kung ano ang tunay na pagkatao mo, yun ang lalaitin nila sayo. Kaya kinailangan kong magkunwari at itago ang totoong ako, magpakita ng naaayon sa kung ano ang inaasahan nila sakin. Mahirap. Napakahirap. Kaya nalaman kong iba pala ang kalakaran sa eskwelahang ito, dapat matuto kang mang-api. Kung hindi, ikaw ang aapihin. Dapat matuto kang lumaban. Pero ang problema kasi sa kanila, kapag lumaban ka, mas titindi ang pang-aapi nila. Ayaw nilang mahigitan. Kaya hindi mo alam kung saan ka lulugar. Marami akong nakilala. Kaklase, kaibigan, katanguan. Isa na roon si Leo. Si Leo ang pinakamagandang alaala ng high school days ko. Masaya na may halong pait. Nakilala ko sya ng hindi inaasahan. Nagkaroon ako ng maraming kaibigang lalaki noon. Halos lahat nga yata ay lalake. At isa sya sa mga yun. Isang araw, pumunta ako sa kabilang classroom. Hinanap ko si Jeter, isa sa mga kaibigan ko. Nakita ko syang kumakain, gusto ko sanang disturbuhin kaya lang mukhang nag-e-emote ang loko. Pinabayaan ko muna. Ang alam ko kasi nanliligaw siya kay Arna. Kaya lang sinagot na ni Arna ang kaibigan naming si Chance. Kaya siguro malungkot. Nabasted. Nanatili ako sa classroom nila, hinihintay kong dumating si Chance. Kakausapin ko tungkol kay Jeter. Habang naghihintay, nakuha ang atensyon ko ng isang lalakeng nasa harap ng blackboard. Karamihan sa mga classmates nila ay nakatingin sa kanya. Nakikinig, tumatawa. Kaya naman lumapit ako upang maki-usyoso. Tipikal na chismosa. Nag jo-jokes pala sya. Tipikal na joker. It wasn't love at first sight. Wala naman akong naramdaman na kahit na ano. Nag enjoy lang ako. Naalala kong kinausap nya ako nun. Natural. Yun ang aming unang tagpo. "Pinsan mo ba si Rain?" "Ahh hindi, wala akong pinsan dito" sabi ko "Ahh akala ko kasi nandito ka dahil sa kanya. Parang magkamukha kasi kayo." aniya "Naku hindi. Si Jeter pinunta ko dito. Kumakain pa kasi sya kaya naki chismis muna ako. Hinihintay ko rin si Chance" sagot ko. "Ahh ganon ba? May magic nga pala ako. Gusto mo makita?" tanong niya. "Ikaw bahala" "Isang tingin lang sa palad mo, makikita ko saan ang kiliti mo" "Go" sabay lahad sa palad ko. Tinignan nya pero hindi nya hinawakan. Mala gentleman ang loko. Yung nga lang di ko inexpect ang sunod na ginawa nya. "Alam ko na kung nasaan" sabi nya. "Sa tagiliran? Sa leeg? Haha kahit sino naman eh." Biglang lumipad ang kamay nya papunta sa ibabang bahagi ng hita ko, as in sa ibabaw lang ng tuhod ko, pinisil nya ng malakas na syang ikinasigaw ko. Anak ng loko! Nadiskubre nga nya ang kiliti ko. Akala ko pa naman gentleman, eh hinawakan ang hita ko, minus points yon! Tumawa ako. Tumawa rin sha. Paglabas ko, tinanog ko si Jeter. "Sino yung lalake kanina?" "Si Leo." "Ahh.. Leo.. " Mula nuon ay nakikita ko na sya kahit saan. Sa canteen, sa main building, sa grotto, sa gymnasium, sa gate at kahit sa labas. Hindi naman kami close kaya hanggang tingin lang ako. Nagsimula na akong makaramdam ng konting crush nun. There was one time na nakita ko sya malapit sa main building. Mag isa. Parang nag-iisip. "Hi Leo" bati ko sa kanya. Malayo-layo ako sa kanya nun kaya parang sigaw yung bati ko. Tumingin lang sya at ngumiti na hindi naman umabot sa mga mata niya. Para bang ang lungkot-lungkot nya. Umalis agad sya. Di ko alam saan sya papunta. Makalipas ang ilang araw, nagkita ulit kami sa tapat ng classroom ko. Nagkakwentuhan. Nagtatawanan. Mula noon naging malapit kani sa isa't-isa. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi na man pala nagkakalayo ang lugar namin. Ulila na siya sa ama at ang nanay na lang niya ang nagtataguyod sa kanila. May mga ate at kuya rin siya. Hindi mo siya kakikitaan nang lungkot kapag nagsasalita siya. Para kasing nangungusap ang kanyang mga mata. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko malilimutan. Isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay pag-ibig ko. Nasa classroom ako kasama si Seven. Wala kaming magawa kaya napagtrippan naming sumayaw. May nalalapit kasi na event sa school at isa ako sa mga sasayaw. May production number kami. Tinuruan ko sya kung paano sumayaw. Ang hirap nya turuan. Parang uod. At doon pumasok si Leo. Muli, nagkakwentuhan, nagkatuwaan, nagkaligawan, nagkasagutan. Naging magkasintahan. Oo, naging kasintahan ko sya. Nagtagal kami ng walong buwan, tatlong linggo, dalawang araw at labing siyam na oras. Maaring hindi ganoon kataas ang pinagsamahan naming dalawa kung ikukumpara sa iba na umabot ng taon, pero kasing lalim iyon ng pag-iisip ko tuwing naaalala ko siya. Simple lang naman yung panliligaw na ginawa nya. Harana, sayaw kasama ako, pagpapatawa, at mga kung anu-anong kwento, may tungkol sa kanya, may tungkol sa iba. Nang mahulog ako, sinagot ko agad sya. Masaya. Masaya ako sa piling nya. Tuwing natatapos ang klase, nagtutulungan kami sa kanya-kanyang assignments. Sabay sa paggawa ng mga projects. Pero hindi kami sabay sa lunch at recess. Binibigay namin ang oras na yun para sa mga kaibigan at kamag-aral. Hindi kasi kami magkaklase. Pero magkatabi lang ang mga classroom namin. Kaya tuwing uwian, hinihintay nya muna ako para maihatid sa pag-uwi pagkatapos naming tapusin ang mga assignments namin at mga nakabinbin na projects. Alam ng buong eskwelahan ang relasyon naming dalawa. Pero lingid sa kaalaman ng mga magulang namin dahil nga mga bata pa lang kami. Dalawang taon ang tanda nya sakin. Mataas din sya kaya hanggang balikat nya lang ako. Marami kaming mga pinagsaluhang ala-ala. Gaya noong nagkasakit ako sa kalagitnaan ng event sa school at isa ako sa mga dancers na sasayaw sana. Na cancel ang dance number ko dahil sa taas ng lagnat ko. Pauuwiin nya sana ako kaso hindi kaya ng katawan ko. Nag suggest sya na bubuhatin nya na lang ako. Bridal style. Umayaw ako dahil hanggang sa daan nya lang naman ako pwedeng maihatid, hindi pwede samin dahil nandon ang parents ko. Baka hindi kayanin ng katawan ko ang maglakad mag-isa. Lahat ng mga tao ay nasa event hall kaya bakante lahat ng mga classrooms. Dinala nya ako sa classroom nila dahil nakalock yung samin. Pinabantayan nya muna ako sa mga kaibigan nya para makabili sya ng gamot at tubig. Pagbalik nya ay may dala na syang kumot kasama ang tubig at gamot. Kasing sama ng pakiramdam ko ang sama ng panahon kaya medyo nabasa rin sya ng kaunti. Mabuti na lang at may dala syang jacket kaya hindi sya masyadong nabasa ng ulan. Pero alam ko na sinuong nya talaga yung baha sa labas para lang maibili ako ng mga kailangan ko. Hinubad nya yung jacket saka ako pinainum ng gamot. Pagkatapos ay kinumutan nya agad ako saka pinatulog. Pagkagising ko, humupa na ang lagnat ko, katulad ng panahon, humupa na rin ang ulan. Hinanap ko sya, nakatingin pala sya sakin. Mga paa nya ang pinang-unan nya sakin. Ngumiti ako. Okay na ang pakiramdam ko. Ngumiti rin sya. Hinatid nya na ako pauwi. Sabay naming sinuong ang baha, sabay naming hinarap ang hamon ng panahon. Marami syang mga naibigay sa akin. Maliit na stuffed toy, sandamakmak na love letters, singsing, kuwintas, bracelet, alaala, sakit, pait at kasiyahan. Tuwing hapon ay pumupunta kami ng simbahan bago umuwi. Nagdarasal, nag-uusap. At sa daan pauwi, naghaharutan, naglalambingan. Sinusulit ang mga natitirang oras na kasama pa namin ang isa't-isa. Minsan ay hinaharanahan pa rin nya ako sa eskwelahan. Marami ang naiingit sa relasyon namin noon. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya dahil may itsura talaga siya. Makisig ang pangangatawan nya kahit sa murang edad pa lang nya. May mukha na pwedeng ihanay sa mga gwapong binatang artista. At dahil uso sa high school ang siraan ang iba, dumaan rin kami sa ilang chismis at kontrobersiya. Pero dahil hindi nila kami matiwalag, ginamit na nila ang kahinaan ng lahat ng estudyante. Guidance Office. Nasa garden kami noon at nag-uusap. Snacks time kaya maraming estudyante sa paligid. Wala ang mga kaibigan ko dahil may lakad. Cutting classes yata. Busy rin ang mga kaibigan nya sa pagba-basketball sa school gymnasium. Nabigla na lang kami ng tinawag kami ng adviser ko at pinasunod sa guidance office. Ang rason? Public Display of Affection daw. Specifically, naghahalikan. Oo naghalikan na kami, sya nga yung first kiss ko eh. Pero hindi namin ginagawa yun in a public area. Siguro nga PDA kami that time, pero magka holding hands lang kami. Its already a public display of affection pero hindi kami naghalikan. Marami ang mga nagsinungaling na totoo raw ang nakuhang impormasyon na teacher ko. Marami ang nakialam. Pinatawag ang parents ko at pinag-usapan ang issue. Pero naging matatag kami. Marami akong naging kaaway. Natuto akong lumaban. Siya ang naging tagapagligtas ko sa tuwing nasasangkot ako sa g**o. Siya ang naging sandalan ko sa panahon ng kahinaan ko. Siya ang naging katuwang ko sa lahat. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng pag-aalinlangan, napagdesisyunan ko na hiwalayan na sya. Hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya, mahal ko pa rin naman sya. Naisip ko lang na mas makakabuti sa kanya ang mapalayo muna sakin at sa mga g**o ko para hindi na sya madamay pa. Pero ang hindi ko inaasahan, siya pala ang unang bibitaw. Nang tanghali na yun, sinabi nya sakin na tama na muna, sinabi ko na sang-ayon ako. Para lang kaming nag-uusap ng tungkol sa kung gaano kahirap ang assignment namin. Isang assignment na hindi namin nasagutan ng tamang sagot. Pero parang wala lang. Nasa church ground kami nung mga oras na yun. Pero nangako sya sakin na babalik sya, kapag tama na ang mali, dapat na ang hindi at pwede na ang bawal. Pagkatapos ng pag-uusap, nagyakapan kami at naghalikan. Wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid. Yun na ang huling sandali na makakasama namin ang isa't-isa kaya sinagad na namin. Sabay pa kaming bumalik sa eskuwelahan. Pero pagdating sa classroom, alam ko, may nagbago na. Wala ng Leo na maghihintay sakin mamaya sa labas kapag uwian na. Wala ng Leo na makakasama ko sa paggawa na mga assignments at projects. Wala ng Leo ang maghahatid sakin pauwi. Akala ko walang magbabago. Pero meron pala. Malaking pagbabago. Nasanay na kasi ako na nandiyan siya parati. Parang isang buhawi na mabilis dumating. Nasira lahat. Tiniis ko ang bigat ng pakiramdam. Umuwi ako ng maaga dahil gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng humagulhol at maglupasay sa pag-iyak. Nakaya ko. Nakauwi ako agad. Tahimik akong pumunta sa kwarto at walang ingay na umiyak. Kahit na sa kaloob-looban ko, gustong-gusto ko ng magsumigaw. Dumating ang pinsan ko at pinatahan ako. Paglubog ng araw, lumubog din ang puso ko sa sakit at pagsisisi. Nagsisisi ako na pinakawalan ko sya. Pinagsisisihan ko na hinayaan ko lang sya. Para akong bata na nawalan ng lobo. Kasi alam ko na hindi na yun babalik pa sakin. "Bata ka pa, marami ka pang makikilala. Makaka move on ka rin" sabi ng kapatid kong si Terrion. Isang linggo ang lumipas, nagdesisyon akong makipagbalikan na sa kanya. Pinuntahan ko sya sa classroom nila pero wala sya doon. Pero nandoon ang bag nya. Sinuyod ko ang buong school campus para mahanap sya. Canteen, grotto, parke, clinic, pero wala. Nagdesisyon akong pumunta sa school gymnasium. Naabutan ko roon si kuya Ryan. Isa sya sa mga malapit na kaibigan ni Leo. Isa sa mga taong alam kong mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Leo. Tinanong ko sya kung nakita nya ba si Leo. Pero parang may nagnakaw ng mga hininga ko ng marinig ko ang sagot nya. Nasa mall daw si Leo, kasama si Tanya. Nag-date daw sila. Hindi rin daw nya alam kung napagdesisyunan ni Leo na ligawan si Tanya. Isa lang din si Tanya sa mga kaibigan nila. Ngunit para pa ring isang sampal sa akin ang malaman na yung taong mahal ko ay may kasama ng iba. Yumuko ako at tinago ang luhang unti-unti ng namumuo sa mga mata ko. Niyakap ako ni Ryan. Pinatahan. Sinabi nya na magiging okay din ang lahat. Sinabi nya na baka may mas magandang rason kung bakit wala si Leo sa tabi ko. Sinabi nya baka may ibang tao pa na nakalaan para sakin. Pero pagkatapos nun ay umalis din sya. Naiwan akong mag-isa. Dalawang oras ang lumipas pero hinintay ko pa rin sya. Wala akong pakialam kung hindi man ako makapasok sa klase ko. Pero sa pagdating nya, pinagsisisihan ko na hinintay ko pa sya. Pumasok si Leo sa school gate na ka-holding hands si Tanya. Nagmadali agad akong lumabas ng gymnasium at bumalik sa classroom namin. May narinig akong tumawag sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Wala na akong pakialam kung naglelecture ang teacher namin sa English. Diretso akong pumasok at umupo sa upuan ko, pinunasan ko ang mukha ko dahil sa pawis pero hindi ko alam na humalo na pala iyon sa luha ko na kanina pa umaagos. Tumingin silang lahat sa akin. Yumuko lang ako sa mga tuhod ko at nagpatuloy sa pag-iyak. Hanggang sa nakatulog ako. Pagkagising ko, wala na silang lahat. Iniwan na nila ako. Hindi naman si Leo ang una kong naging kasintahan pero bakit matagal akong nakalimot. Natapos ang klase pero sya pa rin ang gusto ng puso ko. Umaasa pa rin ako na babalik sya. Kahit imposible, patuloy pa rin akong umaasa. Kahit posible man at matatagalan pa, patuloy pa rin akong aasa. Sa sumunod na school year, nag transfer ako sa isang kilalang unibersidad, kumuha ako nang kursong Education. Kinailangan kong lumayo kay Leo at sa lahat ng tao na magpapaalala sakin ng nakaraan namin. Akala ko makakalimot na ako. Pero hindi pa rin. Siya pa rin ang gusto ko. Hindi na ako nakapag boyfriend ulit mula noong hiwalayan namin. Kaya makalipas ang halos isang taon, nagtaka ako ng bigla syang nakipagkita sakin, sa simbahan kung saan kami madalas pumunta. Sa lugar kung saan nya ako hiniwalayan. Abot langit ang saya ko noon dahil muli na naman kaming magkakausap. Pero may halong pangamba at takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap nya. Malaki na ang pinagbago ko. Pero hindi buo ang pagbabagong iyon. Hindi na ako yung mapagkunwaring Zenaida Santillan. Totoo na ako sa sarili ko at maging sa harap ng ibang tao. Minsan nga lang ay nakukulong ako sa sarili kong salamin. Kaya siguro, dapat na rin akong magpakatotoo sa kanya. Una akong nakarating sa nasabing lugar. Hinintay ko siya. Hindi naman ako nainip dahil matagal na akong naghihintay sa kanya. Matagal ko nang inaasam ang sandaling makita sya, makasama sya at maka-usap ulit sya. Ilang sandali pa ay dumating na sya. Dala ang isang ngiti na palagi nyang ginagawad sa akin noon tuwing umaga, na para bang isa akong araw na hinahangad nyang masilayan buong magdamag. Hindi ko masasabing nabuhay muli ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil kahit kailan naman ay hindi iyon namatay. Inalagaan ko ang pagmamahal na yun mula ng makilala ko sya, yumabong noong naging kaming dalawa at mas tumindi noong iwan nya na akong mag-isa. Nagkumustahan kaming dalawa, nagkwento sya ng tungkol sa mga nangyari sa kanya sa nakalipas na isang taon mula noong hiwalayan naming dalawa. Marami na rin pala ang nagbago sa kanya. Marami pala syang naging girlfriend. Nakaka-inggit. Hindi. Nakakaselos. Panay na rin pala ang cutting classes nya. Panay na rin ang paninigarilyo at pag-inom nya. Sumali rin sya sa isang g**g. Gangster na rin ang dating nya ngayon. Para bang sirang-sira na ang buhay nya. Pero kahit ganun, sya pa rin ang Leo na minahal at hinintay ko. Kaya walang magbabago sa pagtingin ko sa kanya. Tulad ko, ikinuwento ko rin sa kanya ang mga nangyari sa akin. Siguro ay napagtanto nya na may mga pagbabago ring naganap sakin. Nag-aaral na ako sa isang kilalang private school. Complete uniform na ako hindi tulad ng dati. Natuto na akong maglagay ng make up at mahaba na rin ang buhok ko. Hindi na ako masyadong isip-bata. Masaya ang naging pag-uusap namin. Kaya ng makipagbalikan siya nung sandaling iyon, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumayag ako agad. Nang yakapin nya ako, para bang bumalik sa dati ang lahat. Parang bumalik sa normal ang lahat. Parang kaming bumalik sa panahon na okay pa ang lahat. Kaya sa muling pagbabalikan ng aming mga puso, pinangako ko na mas magiging matatag kami. Hindi na tulad ng dati. Ginawa ko lahat para sa kanya. Para mapasaya sya. Ginawa ko lahat para mabigyan sya ng oras, atensyon at pagkalinga. Walang kulang, pero labis. Pero hindi ko binigay lahat. Ginawa ko lang ang lahat. Magkaiba ang binigay at ginawa. Kaya sa labis-labis na nagawa ko, pakiramdam nya ay binigyan ko sya ng mabigat na responsibilidad na patungkol sa akin. Kahit na wala naman akong hinihinging kapalit. October 23, sa church ground. Habang nakatambay kami kasama ang mga kaibigan nya, bigla syang nagdesisyon ng isang bagay na tulad ng dati ay hindi ko inaasahan. "Break na tayo" ang tanging sinabi nya. Walang anumang paliwanag. Natigilan ang lahat, lalong-lalo na ako. Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay mabilis syang tumayo at naglakad palayo. Naiwan ako na nakatulala lang sa kanya habang sya ay unti-unti ng nawawala sa aking paningin. Para akong sinaksak sa likod at hindi ko alam kung saan banda nakatarak ang punyal. Pigil ko ang hininga ko, kung hindi ko kayang isalba ang relasyon ng mga sandaling yun, uunahin ko munang iligtas ang dangal ko. Tinanong ko ang mga kaibigan nya "Ano ulit ang sinabi nya?" Sari-saring sagot, tanong at pang-aasar ang natanggap ko. "Break na daw kayo?" "Bakit? May problema kayo?" "Kawawa naman tong si Jen" "Hiniwalayan na nga, pinahiya pa" "Gago talaga tong si Leo" At marami pang iba .. Nginitian ko lang sila at muli kong binuhay ang dating ako. Ang mapagkunwaring ako. "Its okay. Hindi sya kawalan" At dahil akala nga nila ay wala akong pakialam, inasar na nila ako. Mabuti na lang at malapit na ang oras ng pag-uwi ko kaya hindi na ako nagtagal. Pag-uwi sa bahay ay para akong robot na ginagawa ang mga kailangan kong gawin hindi dahil importante kundi dahil yun na ang mga naka program na dapat kong gawin. Umiyak ako buong magdamag. Mas masakit pala sa pangalawang pagkakataon. Lalo na dahil walang rason at eksplanasyon. Nalaman ng mga barkada nya ang nangyari, mga kaibigan namin mula 4th year high. Wala kasi sila noong iwan ako ni Leo sa ere. Ibang mga kaibigan ni Leo ang kasama namin noong panahong yun. Mga gangsters. Nagalit sila kay Leo. Sila ang parating nandyan para sakin. Lalo na sina Kuya Ryan, Miko, Daniel, Cyrus, at Chance. Pero isang araw, birthday ni Leo, hindi nakaya ni Cyrus na maglihim pa sakin dahil awang-awa na daw sya sa kalagayan ko. "Zen, magpapakatotoo na ako sayo. Lahat sila nagkukunwari lang eh. Ang totoo talaga nyan, matagal na naming alam na niloloko ka lang ni Leo. Hindi ka na talaga nya mahal. Matagal na syang naka move on sayo. In fact, tatlo kayong girlfriend nya ang pinagsabay nya. Pakitang-tao lang ang pinapakita nina Ryan, Mike, at Daniel sayo. Para mabawasan ang konsensya nila. Wala kang kakampi sa kanila Jen. Pero ako, pwede mo akong maging kakampi, nandon sila ngayon sa tambayan. Kung gusto mong makita, puntahan mo na sila" Para akong pinatay ng paulit-ulit. Ang daya. Bakit ganun? Ano bang naging kasalanan ko at pinahihirapan ako ng ganito? Pinuntahan ko sila sa tambayan. Nag-iinuman para sa kaarawan ni Leo. Pero wala si Leo doon. Sa sobrang galit ko, naghuramentado ako at tinapon lahat ng bote ng alak at wala akong pakialam kung sino man ang matamaan. Pinagsusuntok ko sila at kinompronta sa panggagagong ginawa nila sakin. Walang nagsalita kaya hindi ako tumigil hanggat wala akong nakikitang dugo na umaagos mula sa kanila. Dahil sobra pa doon ang nararamdaman ko. Tumigil ako ng awatin na ako ng kaibigan kong si Rhoda. Pag tingin ko sa kanila ay duguan ang labi nilang lahat. Umalis ako ng walang salita. May mga gasgas sila at pasa. Pero wala na akong pakialam. Hindi ko sila mapapatawad. Isang taon na naman ang lumipas. 2nd year college na ako. Pero nagdaramdam pa rin ako sa ginawa nilang lahat. Lalong-lalo na nang ginawa ni Leo. Pero hindi na ganoon katindi ang galit na meron ako para sa kanya. Sa loob ng isang taon ay marami akong mga naging karelasyon. Sinira ko ang buhay ko. Pero hindi ang sarili ko. Dahil hindi ko maaring sirain ang pagkatao na hinahanap ko pa. Hinanap ko ang sarili ko. Nakakulong pa rin pala ako sa sarili kong salamin. Kaya unti-unti, dahan-dahan, inayos ko ang buhay ko. Pinakawalan ko na sa rehas ng kahapon ang sarili ko. Isang taon ang lumipas, 3rd year na ako noon, ay naospital ako dahil sa sakit ko. Pancreatitis. Malala na pala. Gamot na lang ang nagpapagalaw sa sikmura ko. Binisita nya ako sa ospital. Wala ang parents ko noon dahil may importanteng lakad sila. Pinsan ko lang ang nandon at hindi ko inaasahan na magkaibigan pala sila. Nalaman ng pinsan ko ang tungkol sa aming dalawa pero hindi naman sya nagalit. Nabigla ako sa nakita kong pagbabago kay Leo. Bumalik na sya sa dating sya. Hindi na gangster ang dating nya. Pero hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o may nabanaag talaga akong lungkot sa mga mata nya. Ewan. Si Leo ang nag-asikaso sakin sa ospital. Parang tulad ng dati. Parang walang nangyari. Parang nung mga panahong okay pa kami. Nung mahal pa namin ang isa't-isa. Hinaharanahan nya ako. Kinukwentuhan. Pinagmamasdan tuwing natutulog o kapag nagkukunwari akong tulog. Sya rin ang nagpapaligo sakin habang nakadamit pa rin ako at nakapatong ang isa kong kamay sa balikat nya dahil may nakatarak na dextrose. Siya ang bumili ng napkin para sakin noong hindi ko inaasahang magkaka period ako. Siya ang nagsusubo sakin ng pagkain tuwing oras na ng pagkain. Inalagaan nya akong mabuti. "Leo, bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa kanya. "Alam ko na nasaktan kita. Bumabawi lang ako." Tama. Hindi na talaga nya ako mahal. Pero hindi naman ako umaasa. Oo mahal ko pa rin sya. Pero hindi na tulad ng dati. Natuto na ako. Alam ko na ang limitasyon ko. Alam ko na ang lugar ko. Pero nabigla ako ng magsalita ulit sya. "Hindi naman porke't sinaktan kita ay hindi na kita minahal Zen. Siguro dumating lang talaga sa punto na lumabo na ang lahat para sakin at napagod na ako. Hindi ako naging patas sayo. Hinayaan kita na patuloy akong mahalin kahit na alam kong pasuko na ako. Akala ko kasi kaya ko pa dahil mahal kita. Kaya napagdesisyonan kong iwan ka. At nung nagkita tayo ulit, nakita ko ang mga pagbabago sayo, kaya lang durog na ko. Pero pinili ko pa rin na balikan ka. Pero nang lumipas ang mga araw, napagtanto ko na napagod pala ako sa sarili ko, hindi sayo. At ayokong dumating sa puntong ikaw naman ang mapagod sakin. Kasi kilala kita. Pag ayaw mo na, ayaw mo na talaga. Nagpapasalamat ako at nandon ka parati sa tabi ko. But I took you for granted. I was unfair. Dapat sana noon pa ay pinaintindi ko na sayo lahat. Na tama na. Pagod na ako, durog na ako. Hanggang doon na lang. Pero naduwag ako. Ayoko na ulit makita ka na tulad ng dati. Pero nagkamali ako. Mas lumala pala. Tama nga talaga sila Zen. Kapag may sintomas na nang sakit, kailangan gamutin agad. Dahil kung patatagalin pa, maaaring lumala" Napaluha ako sa mga sinabi nya. Tama. Umasa rin naman kasi ako. Nilunod ko ang sarili ko sa isipin na maaari pang ayusin ang salaming basag na. Na pwede pang mainom ang tubig na nahaluan na ng lason. Na pwede pang makalipad ang ibon kahit isa na lang ang pakpak. Na pwede pang makausad ang barko kahit low tide ang dagat. Na pwede pang magamit ang ballpen kahit ubos na ang tinta. Para sana isulat ang happy ending naming dalawa. Pero hindi na pwede. Tapos na. Hanggang doon na lang yun. Hindi na pwedeng makalangoy ulit ang patay na isda. Hindi pwedeng ang plantsahin ang basang damit. Hindi pwedeng kainin ang bulok na pagkain. Hindi pwedeng kumain ng tulog. Marami ng hindi pwede. Tulad naming dalawa. Hindi na pwede. Napagdesisyunan namin na maging magkaibigan na lang. Siguro, sa relasyon na yun kami mas magtatagal. Isang taon ulit ang lumipas, 4th year na ako. Graduating, sa wakas. Medyo hindi na malala ang sakit ko pero hindi naman nawala. Under maintenance of medicine pa rin. Apat na taon ng pagmamahal at sakit, sa wakas, naka move on rin ako. Hindi ko na sya mahal na tulad ng dati. Hindi na ako ang dating Zen. Marami na akong natutunan. Marami na akong karanasan. Alam ko na ang bilis ng takbo ng oras, at bagal ng ikot ng mundo. Mas naging matatag na ako. Mas naging matapang na ako. Mas binibigyan ko na ng halaga ang sarili ko bago ang ibang tao. Si Leo ang first love ko. Kaya kahit na anong gawin ko, alam kong may kaunting puwang pa rin sa puso ko na magtatago at magpapahalaga sa mga ala-ala at pinagsamahan naming dalawa. Siguro sa hinaharap, ay magiging kwento iyon na ikukwento ko sa aking mga magiging anak at magiging apo. Ang kwento ng isang babaeng nagmahal, nabigo, ngunit nanatiling matatag. Umibig, nasaktan, ngunit natutong magpatawad. Kahit na hindi ako ang First love nya, sapat na sa aking malaman na kahit minsan sa buhay nya, minahal nya ako. At minsan nyang nasuklian ang pagmamahal na inalay ko. Maaaring hindi nagkaroon ng masayang wakas ang istorya naming dalawa, pero nagkaroon iyon ng magandang aral. Aral na maaalala at magagamit ko, habang-buhay. Kaya hanggang dito na lang muna ako. Baka sakaling sa hinaharap, may dumating na taong syang itinadhana para sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook