bc

My Possessive Captain Ex-Husband

book_age18+
512
FOLLOW
5.2K
READ
revenge
dark
love-triangle
love after marriage
opposites attract
second chance
arranged marriage
badboy
neighbor
heir/heiress
drama
tragedy
serious
office/work place
cheating
disappearance
enimies to lovers
lies
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ko kailangang magmakaawa para lang maging maayos tayo. Matagal na tayong hiwalay, Axel, tama na, ayoko na!" - Vega Amara Martin

"Vega, hindi kita niloko. Lahat ng ipinakita ko sa'yo... lahat ng ipinaramdam ko ay totoo. Wala na ba talaga akong puwang diyan sa puso mo? Parang awa mo na, sa akin ka na lang ulit..." - Axel Rylan Monteverde

°°°

Pangarap lang ni Vega Amara Martin ang isang pamilya at lalaking magmamahal sa kanya nang totoo.

Ngunit sa pagitan niya at ni Axel Rylan Monteverde, ang tanyag na babaero, isang malamig na kasunduan ang umusbong, nagbunga ng isang kasal.

Mapupunan nga ba ni Axel ang matagal nang gutom na puso ni Vega, o babalik siya sa anino ng kanyang nakaraan at tuluyang wawasakin ang bago nilang mundo?

Ang akala nilang panimula ay magiging mapait na katapusan nang dahil sa isang pagkakamali.

chap-preview
Free preview
Prologue
Mula sa pagkakabukas ng pinto, isang nakamamanghang tanawin ang sumalubong sa akin—isang eksena na hindi lang nagwasak sa aking mga akala, kundi ganap na nagdurog sa mismong pundasyon ng aking pagkatao. Tila bumagsak sa aking balikat ang bigat ng mundo. Nakita ko si Axel Rylan Monteverde, ang lalaking sinumpaan ko ng walang hanggang pag-ibig, na nakatayo sa gitna ng silid, ang puting long sleeve polo niya’y bahagyang nakabukas, hindi dahil sa init, kundi dahil sa pagmamadaling muling magdamit. At doon, sa dibdib at leeg niya, hindi lang basta bakas kundi matitingkad, mapupulang marka ng lipstick at tila mga "love bites"—mga tatak ng kasalanang hindi niya kayang itago. "Walanghiya kang hayup ka!" Isang impit na tili, isang bulkan ng galit, sakit, at sukdulang pagtataksil ang sumabog mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Ang sigaw ko ay hindi lang boses; ito ay ang pagsabog ng tatlong taong inipong pagtitiwala na ngayo’y naging abo na. Oo, ginawa ko talaga. Sinundan ko siya. Noong una, tinawanan ko lang ang mga chismis. Ang mga salitang "may kinakalantari siyang babae" ay tila walang bisa, isang mapait na biro ng mga inggitero. Akala ko, ang pag-ibig namin ang kalasag na hindi matitibag. Pero narito ako ngayon, sa pintuan ng Impiyerno na siyang pinalamutian ng satin na kumot at king-size na kama ng hotel. Ang kinatatakutan ko ay hindi lang naganap, ito’y sumampal sa akin nang brutal. Axel Rylan Monteverde. Ang lalaking pinakasalan ko tatlong taon na ang nakalipas. Ang lalaking sumumpa sa harap ng Diyos at sangkatauhan na ako lang at wala nang iba. Akala ko, ang kasal namin ang selyo ng kanyang pagbabago. Mahal niya ako. Mahal ko rin siya. Ngunit ang pag-ibig na iyon ay ginagahasa ng isang malupit, mapaglarong tadhana. Kilala siya sa pagiging babaero noong binata pa. Isang reputasyon na pilit kong inalis sa aking isip, pilit kong prinotektahan ang aking asawa mula sa mga mapanghusgang dila. Akala ko, sa sandaling isuot niya sa akin ang singsing na iyon, matatapos na ang lahat. Akala ko, ang pambababae niya ay isang yugto na natuldukan na. Ngunit nagkamali ako. Ito pala ay isang sakit, isang bisyo na tila walang lunas, kahit pa siguro ang aking patawad. "Vega?!" Ang tinig niya’y basag, hindi dahil sa kaba, kundi sa pagkakabisto. Ang kanyang mukha ay halatang nabigla, tila nakakita ng multo. Samantala, ang babaeng kasama niya, na nakabalot sa isang tuwalya at tila basang sisiw na ngayon ay hindi alam kung magtatago ba sa likod ng mamahaling pantalon ni Axel o sa ilalim ng kama, ay nanatiling tahimik—isang anino ng kasalanan. "Animal ka!" Ang aking galit ay nag-apoy. "Matapos mong magpakasasa at magpaka-amo sa akin kagabi, sa ibang kandungan ka naman ngayon sisisid?! Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Ang kamay ko ay naging sandata—sunud-sunod na hampas, suntok, sipa, at sabunot. Para akong nawawala sa sarili, para akong isang tigre na inagawan ng kuting. Pilit siyang sumanga gamit ang kanyang braso. Halos makalmot ko na ang leeg at pisngi niya, at nakita kong dumugo iyon, ngunit wala akong pakialam. Mas malala ang sakit na dinudulot niya sa aking kaluluwa kaysa sa pisikal na sugat na idinudulot ko sa kanya. "Vega—" PAK! Isang malutong at matinding sampal ang iginawad ko sa kanyang pisngi. Ang tunog nito ay tila putok ng baril sa katahimikan ng silid. Natigilan si Axel. Pati ang babaeng nagtatago ay tila napatigil ang paghinga. Ito ang unang beses na nasaktan ko siya sa ganitong paraan, at ang bawat ugat sa kamay ko ay nanginginig sa suklam at poot. "Huwag mo akong ma-Vega-Vega, hayup ka!" nanggigigil na sigaw ko. "Akala ko trabaho lang ang inaatupag mo! Hindi ko inaasahan na pati babae bayaran, tina-trabaho mo pa rin! Akala ko nagbago ka na, Axel?! Ganyan ka na ba ka-tigang na halos gumawa ka pa ng kasalanan?! Asawa mo ako, 'di ba?! Hindi ka na nahiya!" "V-Vega, pakiusap, let me explain..." Ang tinig niya’y naging isang bulong ng pagkatalo. "Explain?!" singhal ko, hinahabol ang aking hininga, ang aking dibdib ay umaalon. "Explain what, ha, Axel?! Kitang-kita ng dalawa kong mata 'yang bakas ng lipstick at halik ng demonyo sa dibdib at leeg mo! Tangna ka, hindi ka pa mamatay!" Muli ko siyang inundayan ng suntok, sabunot, at sipa ngunit hinarang niya lamang iyon ng kanyang braso. Pilit ko ring inaabot ang babaeng nasa likuran niya, ngunit parang basang sisiw itong yumakap sa pinaghubaran niyang damit. Ang aking kamay ay tila may sariling isip, hinahanap ang ungol ng kasalanan. "T-Teka, hindi ako nambababae," pag-aapila niya, ngunit huli na. Naabot ko na ang babae at sinabunutan ito nang malakas. Ang tanging layunin ko ay dugin siya, wasakin ang kanyang mukha, iparamdam sa kanya ang sakit na dinarama ko. "Ikaw na haliparot ka! Alam mo naman siguro na may asawa siya 'di ha, pero kumapit ka pa rin na parang linta?! Saw ka na ba sa buhay mo, ha?!" inis na wika ko. Kinaladkad ko ang babae, ngunit biglang niyakap ni Axel ang bewang ko—hindi upang kalmahin ako, kundi upang protektahan ang pokpok na iyon! Ang pagyakap na iyon ay isang dagdag na tibo sa aking puso. Nabitawan ko ang buhok ng babae. "W-Wala po akong kasalanan," umiiyak na wika ng babae, isang tinig na walang bigat. "Ah, walang kasalanan? Eh ano itong ginagawa mo kung wala kang kasalanan? Hindi ka na nahiya! Kababae mong tao pumapatol ka sa lalaking may asawa at talagang sinasagad mo ang pasensya ko?!" "Vega!" Akmang sasabunutan ko ulit ang babae nang pilitin siyang palabasin ni Axel ng hotel room. Isang brutal na pagtataboy. Hindi man lang inalintana ni Axel ang kahubaran niyon. Pakialam ko rin ba sa higad na tulad niya? "Vega, ano ba!? Kumalma ka nga!" pag-aawat niya. "Pakyu! Mamatay ka ng hayup ka! Kahit kailan, hinding-hindi ka na magbabago!" muli kong sigaw, hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Hindi lang luha ang tumulo; dugo ito ng aking sugatang dignidad. Nang makita ni Axel ang pagluha ko, natigilan siya. "Ang tanga ko, Axel. Naniwala ako sa’yo! Naniwala ako na magbabago ka na oras na maikasal tayong dalawa, pero ano itong ginagawa mo? Nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan!" "V-Vega—" "Nangako ka!" Tuluyan na akong humagulgol ng iyak sa harapan niya. Ang aking mukha ay basang-basa, ang aking hininga ay putol-putol. Hindi malaman ni Axel kung yayakapin niya ba ako o hindi. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit. Parang may sampung sibat na sabay-sabay tumarak sa aking dibdib. Tinanggap ko lahat ng panghuhusga ng mga tao noon na kailanman ay hindi magkakagusto sa akin ang isang Axel Rylan ngunit ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan nang ipagkasundo kami ng aming mga magulang hanggang sa ikasal kaming dalawa. Axel did love me while we were inside the process of marriage. Masaya kami. Puno ng pangarap. At higit sa lahat, isang pagmamahal na sa kanya ko lang naranasan. Ngunit lahat ng iyon ay nasira dahil lamang sa dati niyang bisyo—isang bisyo na akala ko ay matagal na niyang sinunog at tinalikuran. Nagkamali ako. "Ang sabi mo, hinding-hindi ka na titingin sa ibang babae dahil mayroon ka nang ako na handa mong pagsilbihan, pero lahat ng pangako na binitawan mo ay kasinungalingan lang lahat!" Basag ang boses ko. "Aminin mo nga sa akin, Axel, minahal mo ba talaga ako?!" Gumalaw ang labi ni Axel. Hindi siya makatingin sa aking mga mata. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o hindi. Napapikit na lamang ako, huminga nang malalim, ang hanging lumabas sa akin ay puno ng hinanakit. "Kasinungalingan lang din ang pagmamahal mo sa akin?! Ang lupit mo!" Basag na basag ang boses ko, at pinapakita ko talaga sa kanya kung gaano ako nasasaktan—isang pagdurusa na hindi niya kayang bayaran. "Mula ngayon, maghiwalay na tayong dalawa. Ayoko na sa’yo. Tama na ang panglolokong ginagawa mo sa akin!" "V-Vega—" tawag niya sa aking pangalan, ngunit iniangat ko lamang ang isa kong palad upang pigilan siya sa anumang sasabihin pa. Ang anumang paliwanag niya ay lason na lamang sa aking pandinig. "Kung masaya ka sa piling ng babaeng iyon, edi sige, magpakasaya ka sa kanya. Magsama kayong dalawa. Pero ito lang ang sasabihin ko sa’yo... kung sawa ka na sa kanya, pwede bang akin ka muna pansamantala?" Gumuhit ang sukdulang pagtataka sa mukha ni Axel. Napayuko ako sa aking mga paa, marahang umiling—isang pait na pag-iling. Iniangat ko muli ang tingin ko sa kanya. Sa huling pagkakataon. Walang galit, tanging matinding kapaitan na lamang. "Hindi na nga pala ako magpapakatanga sa’yo. Hindi na ako magpapaubaya sa pag-ibig na bulok at mapanlinlang. Malaya ka na sa gusto mong gawin. Paalam, Axel Rylan Monteverde... At sana, mabulok ka sa konsensiya mo." Lumabas ako sa silid na iyon, dala-dala ang durog na piraso ng aking puso, at iniwan ko siya roon, kasama ang kanyang walang-kuwentang reputasyon at ang mantsa ng kasalanan na mananatiling nakaukit sa aking kaluluwa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.6K
bc

Too Late for Regret

read
308.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
144.0K
bc

The Lost Pack

read
427.8K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook