AXEL RYLAN'S P.O.V: "TANGINA KA, anong pinainom mong alak kay Vega!?" gigil na singhal ko kay Racioppi nang magtagpo kami sa isang bar at kasalukuyan kaming nag-iinuman. Rowan Ryder Racioppi. I meet him when I start my training inside the academy as a police officer after I graduated at LA University. Siraulo din siya tulad ko pero mas lamang ako, syempre. Magpapalamang ba ako? Kwento ko ito. "Bakit, may progress na ba ang relasyon ninyong dalawa? Magkakabalikan na kayo?" aniya na tila isang interesanteng palabas ang buhay namin ng asawa ko. "Animal ka! Annulment paper ang pinadala sa akin kahapon at wala na akong nagawa kundi pirmahan iyon dahil si Tatay Kanor ang inutusan ni Vega. Hindi ko naman pwedeng tanggihan si Tatay Kanor." "Tsk, ang hina mo talaga kahit kailan!" balik na sin

