Episode 18
Tumila na ang malakas na ulan nang iparada ni Minerva ang sasakyan sa garahe. Nakababa na siya nang sasakyan nang dumating naman ang asawang si Rudy.
"Hi, Hon... kadarating mo lang? Si Christian?" sunod-sunod na tanong nito.
"I think mas nauna na sa akin ang anak mo for his car is already here when I arrived" sagot naman ni Minerva na binigyan nang halik ang esposo.
"That's good at medyo maaga siyang umuwi tonight. Napapansin kung lately ay napapadalas na late na siyang umuuwi ah" sabi naman nito at iniyapos ang isang kamay sa beywang nang kanyang asawa. Kahit kasi me mga edad na ay sweeet na sweet parin sa isa't-isa sina Minerva at Rudy. Nang biglang me maalala si Rudy na nagpatigil sa kanilang paglalakad.
"Siyanga pala Hon, we will be celebrating our Wedding Anniversary come next week ah. Is there anything in particular you wanna do? Party? or Family Travel? You better tell me ahead of time para ma clear ko ang schedule ko sa hospital" sabi nito.
Sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi ni Minerva. Alam niya kasi kung gaano ka busy ang asawa sa pamamahala nang hospital at sa mga pasyente nito pero di parin nito nakaligtaan ang kanilang nalalapit na anibersaryo.
"Yes, Hon. Me iniisip na akong plano para jan. I'll discuss it over dinner mamaya para marinig naman nina Papa at Martin... and... it’ll involve Christian and Prae as well.
"Oh-Oh, dapat ba kaming kabahan niyan?" natatawang biro nito sa asawa na me kasamang katutuhanan.
"Hmmm, maybe slight" sagot naman ni Minerva na nakangiti at nagpatiuna na sa paglakad papasok nang kanilang bahay.
Kararating lamang ni Martin sa kanilang bahay nang makitang papasok naman sa loob nang kabahayan ang mag asawang Rudy at Minerva na magkaakbay. Minsan ay di niya talaga maiwasan ang mag selos sa pag-iibigan at patuloy na sweetness nang dalawa. Hinahangad din na sana balang araw eh makatagpo din siya nang someone na magiging katuwang din niya sa buhay at magmamahal sa kanya katulad nang pagmamahalan nang kanyang kapatid at bayaw. Agad niyang ipinark ang sasakyan sa garahe at kinuha ang kanyang cellphone at ang text kay Ann na nakarating na siya sa bahay bago lumabas nang sasakyan. Naglakad na siya papasok nang tumunog ang message alert nang kanyang cellphone. Text iyon galing kay Ann.
"Glad you arrived home safe and sound. Thank you for the lovely lunch today“saad nang text nito.
"My pleasure sweetie. If I can I would rather have lunch with you every day" reply naman ni Martin dito.
"I know, as I feel the same way as well. I'll talk to you tomorrow. Have a good night tonight" sabi naman nito.
"Yes Ma'am, I will. Have a good night as well. Love you" reply ni Martin dito at nag antay siya nang ilang minuto pero hindi na ito nag reply pa.
Napabuntung-hininga na lamang si Martin saka ipinasok sa kanyang bulsa ang cellphone at naglakad na papasok nang bahay.
"Magandang gabi Manang Belen. Handa na po ba ang hapunan?" tanong ni Minerva sa matanda na sumalubong sa kanila.
"Magandang gabi naman sa inyong dalawa. Oo luto at kanina pa nakahanda ang hapunan. Dumiretso na kayo sa komedor, nandun na sa lamesa si Senyor Franco. Ipapatawag ko na kay Lyn sina Christian at Prae" sabi naman ni Manang Belen.
"Mabuti naman po at gutom na gutom na po ako Manang" sabi naman ni Rudy.
"Si Christian po ba ay kauuwi lang din, Manang?" tanong ni Minerva.
"Matagal nang nakauwi si Christian. Kaninang tanghali pa iyon umuwi at balak daw magpahinga. Hayun nga at hindi na namin ginambala kaya hindi pa iyon bumaba simula nung dumating kanina" sagot ni Manang Belen.
"Ganun ba?" tila nabigla na sabi ni Minerva
Dumiretso na nga sa komedor sina Minerva at Rudy kung saan nadatnan na nilang naka upo na nga ang kanyang ama. Di kalaunan ay dumating na din si Martin. Pinaakyat naman ni Manang Belen si Lyn para katukin at tawagin sina Christian at Prae.
Kanina pa gising si Christian pero ayaw niyang gumagalaw at baka magising si Prae. Nakaunan kasi ito sa kanyang braso at mahimbing na natutulog. Alam niya kasing sobra niya itong pinagod. Ang pagdampi-dampi niya nang ice block kanina ay nauwing muli sa mainit na pagniig. Maya-maya ay nakarinig siya nang mahinang katok smula a pintu-an dahilan para gumalaw at dahan-dahang magmulat nang mga mata si Prae.
Tok-Tok mahinang pagkatok ni Lyn sa pintuan. "Sir Christian, handa na po ang hapunan" mahinang sabi ni Lyn.
"Thank you, Lyn, susunod na kami" sagot naman ni Christian at tiningnan ang kagigising lang na dalaga." Baby, I think we better put some clothes on and go down for dinner before Mum and Dad send the whole cavalry and check how we are doing. I am sure na ikwento na ni Manang Belen na kanina pa tayo nagkukulong dito sa kwarto" sabi ni Christian na hinahaplos sa buhok si Pare na nakaunan pa rin sa kanyang mga biisg.
"Hala anong oras na ba?" tanong nito na tila ngayun lang napansin kung ilang oras na sila nagkukulong sa silid
"I think about, if not way past seven in the evening" sagot naman ni Chrisitan na ikinagulat at biglang bangon ni Prae.
"Hala Nanay ka! Kanina pa pala tayo dito, baka ano na iang niisip nila na ginagawa natin! Saka lagot, di ako nakatulong kina Aling Susan sa paghahanda nang hapunan" tila batang nahuli sa ginagawang kasalanan na sambit nito.
Napatawa naman nang malakas si Chrisitian sa sinabi ni Prae sabay hawak sa baba nang dalaga.
"Baby, you are classic! Of course, di na sila magtataka kung ginagawa natin ang simula pa nang nagdaang gabi natin ginawa. In fact, we should have done it much earlier" naka ngiting sabi nito na ikinapula na naman nang mga pisngi nang dalaga. "And it would not a big deal for them, sabihin nalang natin na they kind of expected these to happen anyway. And regarding sa hindi mo pagbaba para tumulong sa kusina... me sakit ka di ba? And besides hindi ka katulong dito" sabi naman ni Christian. "Come on, let's get cracking bago pa nila pabalikin si Lyn dito" sabi nito na nagsimula nang mag soot nang mga damit.
Tahimik na bumangon naman si Prae at isa-isang pinulot ang mga damit na hindi man lang niya nagawang maisuot kanina. Kinuha niya ito sa closet para sana isuot kanina nang sinimulan na naman siyang angkinin nito. Nag iinit na naman ang kanyang mga pisngi sa naiisip kaya agad niya itong iwinaksi at mabilis nang nag bihis.
Nag-umpisa nang kumakain nang hapunan sina Senyor Franco, Minerva, Rudy at si Martin nang pumasok sa komedor si Lyn. Kalalabas naman ni Manang Belen sa kusina at patungo na sa mesa para maupo.
"Susunod na daw po sila Manang" sabi ni Lyn kay Manang Belen na di maitago ang ngiti sa kanyang mga labi. Me idea na kasi siya kung bakit buong maghapon ay di na nakababa si Prae simula nung dumating at umakyat sa taas si Christian. Nae-excite na siyang maki chismis kay Prae.
"Oh, sige salamat Lyn" sagot naman ni Manang Belen at naupo na.
Di nga katagalan ay pumasok sa dining room si Christian kasunod ang nakayuko lamang na si Prae. Lahat ay nag-angat at nang tinign at sabay natigilan bago mag palitan nang makahulugan na tinginan nang bago maupo ni Christian ay ipinaghila muna nito nang upu-an si Prae.
"Hmmmm" tikhim ni Senyor Franco. "Kumusta na ang pakiramdam mo Prae?" tanong nito sa dalaga na nakayuko lang matapos magbigay galang sa lahat.
"She still has a slight fever Lolo, kaya after dinner aakyat nalang ulit kami para makapagpahinga si Prae. Si Manang Belen na muna ang magpapainom nang mga gamot nenyu" sagot ni Christian habang nilalagyan nang sabaw ang mangkok ni Prae. Halatang gusto sana agawin ni Prae ang sandok para siya na ang gumawa nito para sa sarili pero iniiwas ito ni Christian.
"Oh, I see. I didn't realise na naiba na pala ang boses ni Prae ngayun" pambubuska nito sa apo.
"Hahaha, very funny po Lolo" nakangiting sabi naman nito na nagsimula nang kumain pero panay ang sulyap sa katabing dalaga. Alam niyang kinakabahan at nahihiya pa rin ito. Hinawakan niya ang tuhod nito sa ilalim nang mesa. Nagulat man pero di nagpahalata si Prae bagkus tumingin ito sa kanya na sinuk -lian naman niya nang kindat na nakapangiti nito dahilan para lumitaw ang magkabilang dimple nito sa pisngi.
"God! She is really pretty. My heart suddenly jumped up. Geez, Christian para kang teenager sa inaasal mo" pagkastigo ni Christian sa sarili.
Si Minerva ay tahimik lamang na nakamasid sa dalawa na panay ang nakawan nang sulyapan sa hapag-kainan. She is happy na parang finally ay mukhang nagkakahulugan na nang loob ang dalawa but she doesn't want to jump on an early conclusion.
"So, what I was saying earlier, Hijo is that... your mum and I will be celebrating our Wedding Anniversary next week, then next week as well is Prae's graduation and in a few days after that is Prae's 18'th birthday. So, since we will have a lot of celebrations within that week your mum decides to throw a one big party dito sa bahay. We also plan to have our vows renewed that time. What do you think?" sabi ni Rudy sa anak.
"That is an awesome idea Dad, Mum" tumatangong sabi ni Chrisitian.
"And guess what! Ako ang mag o-officiate nang renewal of vows nila" sabi naman ni Martin.
"Wow, this is exciting Mum. Let's plan on that" sabi ni Chrisitian at nag uusap na nga ang buong mag-anak hanag kumakain at dinetalyado ang mga plano para sa naiisip na party ni Minerva. Tahimik lang si Prae na paminsan minsang tumatango lang kapag tinatanong.
Nang matapos ang lahat sa pag hahapunan ay isa-isa nang tumayo ang mga ito. Nauna na si Martin na nagpaalam dahil gusto nitong maligo na. Si Senyor Franco naman ay umangkat na kasunod na sinundan ni Manang Belen para mapainom ito nang gamot. Nag excuse naman si Rudy dahil me biglang tumawag sa cellphone nito. Tatayo na sana si Christian kasabay nang pagtayo nang kanyang ina nang mag salita ito.
"Christian, Hijo... I want to talk to you for a sec. Follow me in my study please bago ka umakyat" sabi nito sa anak at nagpati-una na sa pag alis matapos mag good night kay Prae.
Tumingin muna si Christian kay Prae. "Mauna ka nang umakyat at magpahinga na. I'll talk to mum. Aantayin ko din si Manang Belen para mag pa timpla nang kape. You go ahead, susunod ako" sabi nito at sumunod na sa ina.
Napabuntung hininga naman si Prae. Nabibilisan pa rin siya sa mga pangyayari. Mula sa halos di siya tapunan nang pansin at tingin ni Christian hanggang sa ngayun na parang ayaw na siya nitong bitawan.
"Hay, Prae! Kung nanaginip ka please wag ka nang magising ha?" bulong ni Prae sa sarili habang papasok sa kusina para ipagtimpla nang kape si Christian. Kahit siya gusto din niyang magkape bago umakyat muli sa kanilang silid.
Nakaupo na ang kanyang ina na tila kay lalim nang iniisip nang mapasukan ni Christian sa loob nang study. Agad siyang umupo sa kaharap na upuan.
"So, what's this all about Mum?" pukaw ni Christian sa lumilipad na diwa ni Minerva.
"I was just thinking kung ilang buwan na ba si Prae dito sa bahay, and what had happened so far. As what we can fairly say, sumusunod naman si Prae at ang mga Lolo at Lola niya to keep everything in secret so I think it must be our turn to keep our part of the bargain" mahinang sabi nito na ikina kunot nang noo ni Christian.
"What are you trying to say, Mum? Please diretsahin mo ako" mariing sabi nito sa ina.
"We promised Prae's grandparents that when Prae turns to legal age ay ipapakasal namin kayu. She will turn 18 end of next week, so I was thinking to schedule our big party Sunday next week on the day that Prae turns 18, we will have our renewal of vows, Prae's graduation celebration and...and you and Prae's civil wedding officiated by your Uncle but the latter celebration will be done in secret of course. Prae will go to college and you will continue your teaching career. Outside in this house you guys are single individual's but inside in this house you guys are husband and wife" mahabang paliwanag ni Minerva sa anak na ngayun ay natahimik na at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Naubos na ni Prae ang kanyang iniinom na kape at ngayun ay nagtitimppla na naman siya nang pangalawa pero hindi pa rin lumabas si Christian mula sa study kung saan kausap nito ang ina. Kinakabahan naman si Prae kung ano ang pinag uusapan nnag dalawa pero pinakakalma niya ang kanyang sarili. Malayo pa ang 4 years na usapan nila ni Tita Minerva kaya sa ngayun ay ii-enjoy nya na muna ang kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Christian. Sa mga oras na ito ay ang kakulitan na mang chismis ni Lyn ang hindi niya nae-enjoy.
"Sige na, Prae mag salita ka na. Ano nga ang nangyari" kulit pa rin nito. Silang dalawa na lang kasi ang nasa kusina at maagang nagpahinga sina Manag Belen at Aling Susan dahil maaga itong dadayo sa kabilang Bayan para mamili kinabukasan.
"Wala nga akong ikukuwento" sabi naman ni Prae na kinuha na sa microwave oven ang tasa nang kape na ininit niya. Dala-dala na niya ang dalawang tasa nang kape nang naglakad palabas nang kusina.
"Mauuna na akong umakyat Lyn, pakisabi nalang kay Christian na dala ko na sa kwarto ang kape niya" sabi niyang nakangiti sa mukhang disappointed na si Lyn.
"Ay, ang daya nito" sabi naman nito na humaba ang nguso at animo'y batang nagtatampo.
Naiiling nalang na iniwan ito ni Prae. Gustuhin man niyang maglabas nang loob kay Lyn ay hindi niya alam paano ito simulan at tapusin dahil kahit siya man ay naguguluhan pa din. Pumasok na si Prae sa kwarto at inilapag ang isang tasa nang kape sa bedside table sa kabilang side nang kama. Dala ang kanyang mug nang kape ay naglakad siya palabas nang verandah at hinayaan niyang ilipad nang malamig na hangin ang maalong buhok habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan. Nasa ganoon siyang ayos nang mamataan niya ang isang anino mula sa bahay patawid sa garahe at ang pagkislap nang ilaw nang isang sasaakyan tanda na ito'y binuksan gamit ang remote control na susi. Nakita ni Prae na si Christian ito. Balak niya sana itong tawagin at tanungin kung saan ito pupunta sa dis oras na nang gabi pero nakapasok na ito sa loob nang sasakyan at pina andar na ito palabas nang bahay. Kinuha ni Prae ang kanyang cellphone sa bedside table at balak sanang tawagan si Christian upang tanungin kung saan ito papunta nang matigilan siya.
"Ano ang sasabuhin mo Prae? Me karapatan ka bang magtanong sa kanya? Paano kung pupuntahan niya pala si Teacher Ann na girlfriend niya? Ano ka nga ba sa buhay niya Prae?" mahinang tanong ni Prae sa sarili na ngayun ay walang paghumpay ang pag agos nang kanyang mga luha.