Episode 15
Pagpasok pa lamang ni Prae sa kanilang kwarto ni Christian ay agad na siyang dumiretso sa sofa bed at dinampot ang damit na hinanda para dito. Hindi niya alam kung bakit patuloy parin siyang naghahanda nang mga damit nito gayong sure siya na di iyon isusu-ot nang lalaki. Maayos niyang ibinalik sa closet ang mga damit at balak na sana niyang mahiga na nang mapansin niya ang pulang mantsa sa kama. Agad namula ang mga pisngi ni Prae kasabay nang pagdaloy nang kanyang mga luha. Ang mantsang iyon kasi ang patunay na wala na ang kanyang pinaka-iingatan. Pinahid ni Prae ang kanyang luha at pinasadahan nang kanyang mga darili ang pulang dugo na natuyo na sa bedsheet. Namulang muli ang kanyang mga pisngi sa pagka-alala sa mga maiinit na tagpo sa higaang iyon. Agad niyang iwinaksi ito sa kanyang isipan at tinanggal na ang bedsheet sa buong kama. Papalitan niya ito nang malinis na bedsheet at labhan agad sa washing machine ang namantsahang bedsheet bago pa ito makita nina Manang Belen.
"Ang sarap talaga nang timpla ni Manang sa kape ko lately" sa isip-isip ni
Christian habang humihigop sa kanyang termos. Kapapasok lamang niya sa gymnasium kung saan nakikita niya ang pagkokompulan nang kanyang mga estudyante kasama ang ibang mag-aaral sa ibang section. Hinahanap nang kanyang paningin si Prae. Kanina pa tumataas ang kanyang ulo at nakakunot ang kanyang noo pero hindi niya ito makita. Nag desisyon siyang lapitan ang kanyang advisory at tanungin ang mga ito.
"Oi, umayos kayo at papalapit na sa atin si Sir! Patay tayu ngayun pag maingay at magulo kayu. Mukha pa namang aburido tingnan nyo at magkasulubong ang mga kilay nito at kunot na kunot ang noo" babala ni Roy sa kanyang mga ka klase na agad namang umayos nang mga upo. Biglang tumahimik ang kanina ay maiingay niyang mga kaklase. Kilala kasi sa pag ka istrikto si Christian bilang guro at nakita na nila kung paano ito magalit sa kanila. Minsang ginalit nila ito nang todo ay nag walk-out sa boung klase at nag pa substitute ito nang ibang guro sa loob nang dalawang linggo. Salamat na nga lang kay Prae at lage silang napapatawad nito. Pero kinakabahan si Roy dahil wala si Prae ngayun.
"Are you all complete and ready? This will be your second to the last rehearsal and then Graduation time so do your best, okay?" seryosong sabi nito
"Yes, sir we will po" halos magkakasabay na sagot nang mga ito.
"Asan nga pala ang Class President nenyu?" tanong ni Chrisitian sa mga ito.
"Sir nagpasabi daw po sa Principal na di siya makakasali sa rehearsal today kasi me lagnat daw po" sagot ni Annelyn ang kanilang Class Secretary.
"I see. Okay, then Mr. Aquiles since ikaw ang Vice-President, I am counting on you in making your Classmates straight in line okay?" sabi nito kay Roy
"Yes, sir. I will" sabi naman ni Roy.
Umalis na si Chrisitian at lumapit sa mga kasamahang adviser din na nandoon sa gymnasium nang mga oras na yon para i-supervise ang kani-kanilang mga istudyante at kinausap ang mga ito. Maya-maya pa ay nakita nalang ni Roy na naglakad na ito palabas nang gymnasium. Lumapit naman ang isang guro sa kanila.
"Okay Grade 12- Maroon, I will take in-charge sa inyo today dahil me kailangang asikasuhin si Mr. Asuncion. Now please pay attention sa instructor na nasa harapan nenyu, okay?" sabi nito sa mga estudyante ni Christian.
"Yes, Miss" sagot naman nang mga ito.
Halos takbuhin na ni Chrisitian ang daan papunta sa Faculty Parking. Naiinis siya sa kanyang ina kung bakit hindi nito binanggit kanina sa sasakyan na hindi papasok si Prae.
"s**t! I should have expected na lalagnatin yon. You are big Christian, so big for her tight ...ah s**t! Bakit laging nagre-react nang ganito ang alaga ko every time na naiisip ko si Prae " naiinis na nawika ni Christian nang biglang me tumawag sa kanya.
"Christian, saan ka pupunta?" tanong nang kanyang Tito Martin na kararating lang.
Nagtaka naman si Christian kung ano ang ginagawa nang kanyang tiyuhin sa campus.
"I was just about to go to my car to get something. What brings you here? Di mo na mention kanina na pupunta ka dito today? Pati si Mommy ay walang nabanggit" sagot naman ni Christian dito.
"Tinanong kasi ako nang ina mo kanina kung me free time ba daw ako to watch the rehearsal at para na din ma familiarise ko ang setting nang event nenyu before graduation as I am one of the guest speakers remember?" tila defensive na paliwanang nito pero di iyon napansin ni Christian. Naiinis siya kasi naantala na naman ang pag-alis niya.
"I see. Well then, I'll walk with you at hanapin natin si Mommy. I know she is just somewhere in the Campus if not sa office niya" yaya ni Christian sa tiyuhin.
"Aren't you going to get whatever it is na gusto mong kunin sa sasakyan mo muna?" naka kunot noong tanong ni Martin.
"That's okay. It can wait" sabi nalang ni Chrisitian at iginiya na ang tiyuhin papasok nang campus.
Matapos palitan nang bagong bedsheet ang kama, naisipan ni Prae na ihanda ang bathtub sa banyo. Naisip niyang baka makagaan nang kahit konti sa kanyang katawan pag nababad niya ito sa maligamgam na tubig. Pinabubula niya muna ang tubig at nag sindi nang scented candles habang naka on ang music galing sa kanyang cellphone. Humarap sa salamin si Prae at isa-isang hinubad ang kanyang mga damit. Napasinghap si Prae ang makita ang kanyang buong repliksyon sa malaking salamin ng banyo. Kung hindi lang niya kasi alam kung saan ito galing at kung bakit meron siyang mga ganito iisipin niya talaga na binugbog siya. Halos buong katawan niya ay iniwanan nang marka ni Christian lalo na ang parti nang kanyang dibdib. Bakas na bakas pa ang marka nang mga ngipin nito dala nang panggi-gigil.
"Oh, Prae , ganap na talaga ang pagka dalaga mo" nahihiyang bigkas ni Prae at sumukob na sa mabulang bathtub. Isinandal niya ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata habang ini-enjoy ang masarap sa pakiramdam nang maligamgam at mabulang tubig sa loob nang bathtub.
Kanina pa tingin nang tingin si Christian sa kanyang relo. Kanina pa rin paghuhuntahan nang kanyang ina, nang ang kanyang Tito Martin at ng iba pang mga guro. Nang biglang mag aya nang late lunch ang kanyang Tiyuhin. Mag-aala-una na kasi na kasi nang mga oras na iyon. Agad namang ini-accept ito nang ibang mga guro habang ang iba naman ay nag bail out at nagsabing nakapag lunch na sila. Tanging ang kanyang ina at dalawa pang guro ang nagpasabing jo-join sa lunch.
"I will bail out Tito, Mommy kasi di pa naman ako nagugutom. Me tatapusin din kasi ako. I will see you guys later sa bahay" sabi ni Chrisitian.
"Are you sure Hijo?" sabi naman ni Minerva. "Not all the time na manlilibre ang Tito mo sa lunch so we should take adnavtage of it" natawang biro ni Minerva.
"Ate naman, sinisiraan mo ang kandidatura ko niyan eh, saka hayaan mo na si Christian" natawa namang saad ni Martin.
"Thanks Tito. Mum, I'll go ahead. Bye, guys at enjoy sa lunch" sabi ni Christian at umalis na ito.
Lakad- takbo na halos ang ginawa ni Christian papunta sa kanyang sasakyan at di na tuloy niya napansin ang kasintahang si Ann kasama nang isa pang guro na palakad papunta sa loob nang gymnasium kung saan naroon ang kanyang ina at tiyuhin.
Di na maalala
Pa'nong nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang nakita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama
Unti-unting na re-relax ang pakiramdam ni Prae habang patuloy na nakababad sa bathtub. Medyo gumiginhawa din ang pakiramdam nang kanina ay masakit pa rin na p********e. Bumutong hiniga si Prae at hinayaan lang ang sarili na iduyan siya nang antok, total alam niyang matagal pa ang uwi ni Chrisitian. Sa loob kasi nang halos dalawang buwan niyang paninirahan sa bahay nito ay palagi na itong late umuuwi o pumapasok sa kanilang silid. Nagkukulong lang ito sa study kapag napaaga ito nang uwi.
Marahang ipinarada ni Christian ang kanyang sasakyan sa garahe. Kapapatay pa lamang niya ng makina nito nang bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang lumabas nang sasakyan at tinakbo ang pagitan nang garahe at nang kanilang bahay. Pinapaspasan niya ang sarili dahil nabasa siya nang konti nang makita niyang palabas nang dining room si Manang Belen na me dalang tray nang nakatakip na pagkain.
"Oh, Christian ang aga mo namang nakauwi. Nabasa ka ba nang ulan?" nagtatakang tanong nang matanda.
"Konti lang po Manang. Nasa garahe na po ako nung bumagsak ang ulan. Medyo masakit po kasi ang ulo ko kaya umuwi ako nang maaga" sabi nito.
"Naku, at talaga atang panahon na naman nang sipon at flu ngayun at pati ikaw ay nahawa na. Dalawa na kayo ni Prae ang me trangkaso. Heto nga at balak ko sanang dalhan nang pagkain dahil hindi pa iyon nakapag tanghalian. Ikaw ba ya kumain na? Para naman makinom ka nang gamot" tila nababahalang sabi ni Manang Belen.
"Di pa po ako nagugutom Manang. Me gamot naman po sa silid ko yon nalang po ang iinumin ko. Kung gusto nyo po eh, ako na ang mag-aakyat nang pagkain sa taas. Magbibihis din naman kasi ako dahil nabasa itong t-shirt ko sa ulan" sabi ni Chrisitian dito.
"Ay, maige pa nga kung ikaw na at nang makabalik ako sa kusina. Magpapalabas ako ng buto-buto nang baboy kay Susan para mapalambot. Maganda ang sabaw para sa trangkaso. Magsasabaw tayu para mamaya sa hapunan. Oh, heto ikaw na ang magdala at magpahinga ka na rin. Tatawagin na lamang namin kayu mamaya pag handa na ang hapunan " sabi nang matanda at ipinasa na kay Christian ang tray nang pagkain.
"Uminom ka kagad nang gamot Christian at ipa-alala mo din kay Prae ang gamot niya pagkatapos niyang makakain" bilin pa nang matanda.
"Opo Manang," ani Christian na umakyat na.
Hindi niya maintindihan kung bakit kanina pa siya nasasabik na muling masilayan ang dalaga. Hindi na siya nag abala pang kumatok. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok na. Pagkapasok ni Christian sa loob nang silid ay agad niyang napansin ang maayos na kama. Bago na ang bedsheet nito. Hahanapin niya sana si Prae nang marinig niya ang mahinang musika galing sa banyo. Naamoy din niya ang mabangong amoy nang magkahalong amo'y nang scented candle at bubble bath. Agad niyang nabatid na nasa bathtub si Prae. Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Christian at dahan-dahang inilapag ang tray nang pagkain sa bedside table bago naglakad papunta sa bathroom habang isa-isang tinanggal ang kanyang mga saplot.