Episode 14
Aroma nang mainit na kape ang nanunu-ot soot sa kanyang pang-amoy ang pilit na gumigising sa diwa ni Christian. Di niya mapigilan ang pagsilay nang matamis na ngiti nang maalala ang masarap na nangyari buong magdamag. Ang kung ilang ulit niyang nakamtan ang langit sa tuwing inaangkin niya si Prae. Nang maisip ang dalaga agad napabalikwas nang bangon si Christian at hinanap agad ito sa higaan. Mag isa na lamang siya sa higaan. Tahimik ang buong silid kaya alam niya na mag-isa na lamang siya. Agad siyang bumangon nang mapansin niya ang pulang mantsa sa kama. Napangiti si Christian nang maalala muli ang unang beses niyang angkinin ang dalaga. Ang tamis na dulot nito sa kanya at ang langit na nadama niya sa kaloob looban nang p********e nito nang unti- unti niyang maramdaman ang pagkabuhay muli nang kanyang libido at ang paninigas nang kanyang p*********i.
"Put*** **a Prae! What are you doing to me?!" naka tiim ang bagang na sabi ni Chrisitian at itinapat na ang kanyang katawan sa malamig na shower upang kahit paano ay masilaban ang init na unti-unti niya namang nararamdaman.
Nang matapos maligo ay agad lumabas nang banyo si Christian. Kinuha niya agad ang tasa nang kape at humigop dito. Medyo masakit parin ang kanyang ulo pero may kakaibang sigla ang kanyang katawan. Balak niyang kausapin nang masinsinan si Prae. Kukuha na sana siya ng damit na isusu-ot ang mamataan niya ang nakahandang damit na nakapatong sa sofa bed. Nakatingin lang dito nang ilang minuto si Christian bago nag lakad patungo sa closet at kumuha nang mga damit.
Katatapos lang kumain ni Senyor Franco nang katukin at pasukin ito ni Prae. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam dahil para siyang binugbog nang kung ilang katao. Mabuti na lamang din at maulan-ulan at malamig ang simoy nang hangin kaya hindi nagtataka sina Manang Belen nang bumaba siya kanina na nakasuot nang leggings at Turtle neck na sweater na ipinatong niya sa kanyang puting t-shirt dahil kung hindi ay baka isipin nang mga ito na nabiktima siya nang bampira sa dami nang kagat at kiss mark na iniwan ni Christian sa kanyang buong katawan na ngayun ay mamula-mula pa. Medyo masakit pa rin ang kanyang pwerta at everytime na nglalakad siya ay para pa niyang nararamdaman sa loob nito ang matambok na p*********i ni Christian. Sa isiping iyon ay namula at nag init ang pisngi ni Prae sa pag flash back nang nangyari buong gabi. Mabuti na lamang at nakatalikod siya kay Senyor Franco kaya di nito nakita ang kanyang pamumula.
"Matamlay ka ata Hija, me dinadamdam ka ba? " nag aalalng tanong nito sa dalaga.
"Okay lang po ako Lolo, parang sisipunin lang po ako dahil siguro naulanan ako kahapon" kagat ang labing pagsisinungaling ni Prae.
"Kung ganun ay, iwan mo na lamang yan diyan at magpahinga ka na. Uminom ka muna nang gamot. Gusto mo bang patiknan kita kay Rudy para makasigurado tayu na okay ka lang?' tanong nang matanda.
Naku wag na po Lolo. Iinom na lamang po ako nang gamot" sabi naman ni Prae. " Kayo po ang magpahinga, gusto nyo po bang buksan ko ang sliding door nang verandah nenyu bago ako lumabas?" tanong ni Prae dito.
"Maigeh pa nga Hija at nanng makapasok ang preskong hangin dito" sagot naman nito.
Binuksan ni Prae ang verandah at pagkatapos ay tahimik na lumabas dala ang pinagkainan nang matanda. Hindi talaga niya kakayaning pumasok at sumama sa rehearsal march nila today sa bigat nang kanyang pakiramdam. Agad siyang bumaba at pinuntahan si Minerva na papalabas na sana nang study vnito para kausapin at mag paalam dito na di siya makakapasok sa eskwelahan. Bahala na itong kuma-usap kay Chrisitian dahil hindi niya pa kayang humarap dito pagkatapos nang nangyari sa kanila buong kagabi.
Aagap-agap ang dibdib ni Christian nang papasok sa dining. Me mga boses siyang nauulinigan na nag u-usap doon pero di niya mawari kung kanino ito. Aminin man niya o hindi ay excited siyang makita si Prae. Napasukan niyang naka upo na sa mesa ang kanyang ama at Tito Martin na nakatawa sa kung ano mang sinasabi nang kanyang ama. Me kakaiba sa mga kislap nang mga mata nito.
"Good morning Dad, good morning Tito" masayang bati ni Martin sa mga ito. "Ang Mommy, Dad umalis na ba?" tanong ni Martin sabay upo na sa mesa.
"Nasa study pa at me kausap yon sa telepeno regarding ata sa mga bisita nang eskwelahan nenyu para sa Graduation. Kilala mo naman ang mama mo kapag na e-excite" naiiling nalang na sagot ni Rudy sa anak.
"Ah, okay ani Christian na nagsisimula na sa pagkain pero maya't-maya ang sulyap nito sa pinto papasok sa kitchen at binabantayan kung lalabas ba doon si Prae na kanina pa niya hinahanap nang tingin. Nakarinig siya nang mga yabag galing sa loob nang kusina kaya agad siyang nag taas nang tingin para ma dis-appoint lamang dahil si Manang Belen ang lumabas at hindi ang dalagang kinasasabikan. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Martin sa napapansing ikinikilos nang pamangkin.
"Manang Belen, hindi pa po ba bumaba si Prae? Parang sinosolo na ni Papa ang presensya niya ah" pabirong bulas ni Martin na palihim na naka sulyap sa kay Christian.
"Hindi pa Martin. Alam mo naman ang ama mo kung kumain eh sobrang bagal na. Nagsabi din naman yon si Prae na papainumin niya pa ito nang gamot pagkatapos kumain kaya matatagalan pa iyon" sagot naman nang matanda.
Agad tinapos ni Chrisitian ang kanyang pagkain at tumayo na.
"Oh, Hijo. Are you done eating?" nagulat na sambit ni Rudy.
"Yes, Dad. Busog pa din naman kasi ako. I will say Hi to Lolo, get my things and go. Me mga kailangan pa din kasi akong i finalize sa school. Manang patimpla nalang po nang kape sa termos ko. I'll grab it pagbaba ko ulit after ako mag good morning kay Lolo" sabi nito kay Manang Belen.
"Ha?!, Ah oh sige Hijo" sagot naman nang matanda at umalis na si Christian paakyat sa silid nang abuelo. Sana pala dumaan nalang siya dun bago bumaba kanina kung alam lang niya na nandun pala si Prae.
Lihim namang napangiti si Martin sa inasal ni Christian. Parang unti-unti na din kasi itong nahuhulog kay Prae. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at may tinext bago ipinagpatuloy ang pagkain. Nang maya-maya naman ay siyang pagpasok ni Minerva kasunod si Prae.
"Good morning hon, good morning my dear brother. Lalo ka atang pumupogi ngayun ah. Mukhang blooming at inspired ka this past few weeks " pambubuska ni Minerva sa kapatid habang pa-upo sa hapag. "Good morning, Manang. Ang alaga mo ba ay di pa gising? Aba, eh ma la-late siya sa school. Baka eh, mauuna pa sa kanya ang mga estudyante niya. Prae, gisingin mo nga si Christian para makapag almusal na" baling nito sa dalaga.
"Naku, gising na si Christian Minerva kanina pa. Nakapag almusal na nga iyon. Hayun at umakyat muli para makapag pagpaalam daw sa Lolo niya bago pumasok sa trabaho. Igagawa ko nalang iyon nang kape sa termos niya para dalhin nito" paliwanag ni Manang Belen.
"Ako na lamng po ang mag titimpla Manang Belen, kumaka-in na po kayo eh" sabi naman ni Prae at pumasok na sa kusina para ipagtimpla ng kape si Christian. Naka hinga siya nang maluwag dahil di sila nag pang abot nang lalaki.
Mahinang katok muna ang ginawa ni Chrisitian sa silid nang kanyang Lolo Franco bago pinihit ang seradura at pumasok. Nabungaran niyang naka upo sa rocking chair ang kanyang Lolo at me binabasang libro nang mag a-ngat ito nang tingin. Agad sumilay ang mga ngiti nito sa labi nang makita ang apo.
"Christian, Hijo. Halika pumasok ka" sabi ni Lolo Franco.
"Good morning Lolo" ani Christian at humalik sa kamay nang matanda. "I just drop by to greet you good morning and to see how you are doing. Di ka kasi namin nakasabay sa almusal. I don't want to leave for work without saying bye to you" tila pag e-explain nito sa matanda.
"Oh, siyanga ba? " At sumilay ang pinong ngiti nito sa maga labi. "I am doing good. Medyo sumasakit lang nang aking tuhod gawa siguro nang maulan-ulan at malamig ang panahon. Don't worry too much. Prae is consciously looking after me so well" sagot naman nang matanda.
"That is good Lolo. Anyway, I have to go at baka maunahan pa ako nang mga estudyante ko. I will catch up with you dinner time tonight okay?" ani Christian na pinagala ang tingin na parang merong hinahanap sa kwarto nang matanda. Wala naman siyang naririnig na ibang movements sa loob nang kwarto nang kanyang Lolo Franco kahit sa loob nang banyo nito.
Napansin nang matanda ang pasimpleng paghahanap nang tingin nang kanyang apo.
"Prae is not here anymore. Bumaba na siya after ako mapainom nang gamot. I think she is in the study with your mum" pagbibigay naman nito nang impormasyon.
Di na nag komento pa si Christian sa sinabi nang matanda at agad nagpaalam na sa abuelo. Dali-dali niyang pinuntahan ang study sa itaas pero walang katao-tao ito. Naisipan niyang baka nasa study ito sa ibaba. Dalawa kasi ang study room kanilang bahay. Ang study sa itaas ay para na ring mini- Library nila kung saan kadalasan ay siya at ang kanyang Lolo Franco lamang ang gumagamit dahil sa ang mga kwarto nila ang malapit dito. Habang ang kanyang mga magulang ay siyang palagiang gumagamit sa study sa ibaba na nasa kabilang parte nang kanilang bahay malapit sa dining room. Agad bumaba si Christian at dumiretso sa study nang kanyang ina.
Kalalabas lamang ni Prae galing sa kusina dala ang termos na me laman nang kape ni Christian nang tumayo na sa mesa sina Minerva at Martin kasunod si Manang Belen. Hindi na nakita ni Prae si Doc Rudy dahil siguro ay nauna na itong natapos kumain at umalis.
"Prae, you sit down and eat your breakfast at pagkatapos ay umakyat ka na para magpahinga. Nabanggit sa akin ni Manang Belen na me konting sinat ka pala. You should take some medicine and rest. Ako na bahala mag explain sa mga ka-klase mo. Anyway, me last rehearsal pa naman kayu before ang graduation. Stay here and rest. Ibigay mo na lang ang termos kay Manang Belen para siya na ang magbigay kay Christian niyan. Sit down and have your breakfast. Aling Susan, sumabay na kayu kay Prae para naman me kasama siyang kumain" ani Minerva at nagpatiuna na sa pag lakad palabas nang dining room. Sumunod naman sina Martin at Manang Belen.
"Get well soon, Prae. Dapat wala ka nang sakit sa Graduation mo. Excited ako umattend ha, kala mo lang" pabiro nitong sabi kay Prae.
"Oo nga, kaya pahinga lang ang gagawin mo buong maghapon today. Akin na iyang termos at nang maibigay ko kay Christian" sabi naman ni Manang Belen.
Agad iniabot ni Prae ang termos sa matanda at nagpasalamat dito na sinuklian naman nang ngiti nang matanda at umalis na ito. Umupo naman sa hapag si Prae kasabay nila Lyn at Aling Susan para kumain nang almusal. Gusto na talaga niyang umakyat at ihiga ang katawan na parang dinaganan nang elepante sa bigat. Lahat ata nang parte nang katawan niya ay nangangalay at para siyang pinatakbo sa maraton sa pagod na kanyang nararamdaman bunga nang ginawa nila ni Christian buong gabi.
Marahang katok sa pinto nang study ang kanyang ginawa bako sumilip ni Christian sa loob. Pero tahimik ang buong study kagaya nang study sa itaas. Ni anino nang kanyang ina o ni Prae ay wala. Isinara ni Christian ang pinto at akmang lalakad patungo sa dining room nang lumabas duon ang kanyang ina kasunod sina Tito Martin at Manang Belen.
"Oh, andito na pala si Christian eh. Were you looking something in the study, Hijo?" tanong ni Minerva sa anak.
"Or someone perhaps?" nakangising pangbubuska ni Martin sa pamangkin.
"Yes, I was looking for you Mum. I was about to say...na aalis na ako for school at baka gusto mong sumabay na?" sabi ni Christian na di pinansin ang pangbubuska nang kanyang Tito.
"I see. Yes, I am ready to go too. Mas mabuti pa ngang sabay na tayong mag tungo sa school. Come on then, let's go" sabi ni Minerva.
"Heto na pala ang termos mo Chrisitian" abot naman dito ni Manang Belen.
"Thank you po Manang" me bahid na tamlay na wika ni Christian na ngayun ay nakatingin sa pintuan nang dining room kung saan rinig na rinig niya ang mahinang boses ni Prae na kauasap sina Lyn at Manang Susan pero di niya nakikita ang dalaga.
"Christian, what are you waiting? Let's go" pukaw ni Miranda sa anak.
Isa pang sulyap ang ginawa ni Christian sa pinto nang dining room bago ito humakbang pasunod sa ina at tiyuhin na nang mga oras iyon ay di na itininago ang nanunuksong ngiti nito sa pamangkin.