Pilit na binabalewala ni Perlas ang nangungutyang tinging ipinupukol sa kanya ng mga babaeng nakatambay sa tapat ng tindahan ni Aleng Auring. Apat ang mga iyon na nasa kuwarenta na marahil ang edad. May kulay rosas at lilang pangkulot na nakakabit sa maiikli namang buhok ng mga ito. Isang guhit lang ang kilay at namumutok sa pula ang mga labi. Naka-duster ang mga ito at may dalang mga pamaypay sapagkat sobrang init ng panahon habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng Pan de Siosa. “Aleng Auring, pabili po akong mantika,” aniya sa tindera. Magpi-prito siya ng isda para sa pananghalian nila. Araw-araw niyang ipinagluluto ang mga magulang niya kahit hindi kinakain ng mga ito ang pagkain. “Ito ba iyong anak ni Pelang? Sus, akala mo nag-aaral nang maayos sa Maynila, iyon pala nagpapakangkan

