CHAPTER 38

1796 Words

Napailing si Nazaron nang mula sa bintana ay namalas nito ang nagkukumpulang kadalagahan sa labas ng bahay nito at ni Anemone. Kung anu-anong pagkain ang nilalako ng mga ito. Lahat na lang yata ng pagkaing pangminindal at pati inuming tuba. Mayroon pang nagbebenta ng pamaypay na gawa sa abaniko. “Biglang dumami ang bilang ng mga dalagang naglalako rito sa amin, ah,” komento nito, naiiling na nangingiti. “To be honest, you’re being targeted by these women, man.” Hindi nagbago ang walang siglang ekspresyon sa mukha ni Zeki. “What?” “Come here and see for yourself.” Umiling lang siya at hindi tumayo mula sa pagkakaupo. “I am not interested, Naz.” “I know. Kung interesado ka sa ibang babae, dadayo ka ba rito sa napakalayong probinsya namin para lang hanapin ang babaeng bumihag sa puso mo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD