Pumalahaw ng iyak si Karing at patakbong pumasok sa loob ng bahay ng mga ito. Nakasunod dito ang inang si Prestina na hindi maipinta ang mukha. Nagbulungan ang mga mosang ng bayan. “Abay, ka-guwapo naman pala ng nakabuntis sa anak mo, Pelang!” sambit ni Auring. Nangungutitap ang mga mata nito kakatingin kay Zeki, bilib na bilib sa tindig ng binata. “Nakakainggit naman itong si Perlas, may jowa palang ubod ng guwapo at yaman!” tili ng isa sa apat na may pangkulot sa buhok. Mula sa kinakukublihan ay nakita ni Perlas ang pagkuyom ng kamay ng Tatay niya. Mabilis siyang pumasok ng bahay gamit ang pinto sa likod-bahay. Kinalap niya ang mga itak ng ama at itinago sa kuwarto niya. Nang masigurong naitago na niyang lahat ay saka siya lumabas uli ng bahay. Eksakto namang dumagundong ang boses ng

