THE BREAK UP...... Nikki's POV.... "Let's break up! " Nakatitig sa mga mata nyang sabi ko. Lumarawan ang labis na pagkabigla sa mukha ni Jarred pero hindi ako nagpatinag. Pakiramdam ko ay tuluyan ng sumabog ang mga emosyong naipon sa loob ko nitong mga nakaraang araw at dahil sa kanya yon kaya nais ko munang huminga. "N-nikki? " di makapaniwalang anas ni Jarred. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata at muling tumitig sa kanya. "Maghiwalay na tayo! " pagkuway buo ang desisyong sabi ko. Nang makita nyang seryoso ako ay agad nya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit sa dibdib nya. "No, Nikki no.. Hindi pwede" sabi nyang tila takot na takot. Muling pumatak ang panibagong luha ko, "Jarred, maghiwalay na tayo, siguro hindi tayo bagay talaga at ma------" "No Nikki, hindi ako papa

