UNEXPECTED KISS.. Seb's POV..... Mataman kong tiningnan ang sinasabing picture ni Imarie at Nikki pero lihim akong napamura .halos dina makita ang pagmumukha nila don, sobrang luma na at sira na ang larawan. "Diba ang cute nya? " sabi pa ni Imarie nang maupo sa tabi ko. Cute nga, wala akong makitang muka eh. "Hindi paba nakikita ni Nikki ang totoo nyang pamilya? " tanong ko nalang. "Hindi pa, kase wala nga syang maalala" Nagisip akong mabuti. Kung tatanungin ko si Jarred tungkol sA narinig ko, aamin kaya sya? Kung totoong buhay si Ellaina pano si Nikki? Nagpaalam na agad ako kay Imarie, gustong -gusto ko nang malaman ang totoo.,kilala ko lang si Ellaina sa mga kwento ni Travis noon pero hindi ko sya personal na kilala at ni hindi ko pa sya nakita maliban sa picture nya kay T

