DANICA'S LIES continuation... Danica's POV The past... Yun na yata ang pinaka-masayang araw sa buhay ko. Ang makasama si Travis ng kami lang dalawa. Isinakay nya ako sa kabayo at sabay kaming pumunta sa ilog na malapit sa hacienda. Habang tumatakbo ang kabayo ay nakalutang ako sa masarap na pakiramdam na parang nakayakap na sya sakin. Naitanong ko tuloy sa sarili. Mahal kona ba si Travis? Im just 10 years old that time. Kaya nabang makaramdam ng isang 10 years old nang ganoong klaseng pagtingin sa isang tao? Meron... At ako yon. Dahil habang tumatagal ang masaya naming pagsasama sa ilog, ay nasabi ko sa sariling gagawin ko ang lahat para makuha ang puso niya. "Hmm Danica pwedeng magtanong? " Sabi ni Travis habang magkatabi kaming nakaupo sa malaking bato sa may ilog at nagh

