Cait "Love, do you have school today?" tanong ni James habang nasa hapagkainan kami. "Wala, pero pupunta ako kina Macey mamaya. May school project kasi kami." ani ko habang abala sa pagkain ng almusal. Magiging abala na kami sa mga school projects dahil papalapit na ang finals. Karamihan kasi sa mga prof namin hindi na daw magbibigay ng written exam. Yung iba naman na prof ay magpapa exam parin, pero madali nalang daw ang ibibigay na exam. "Okay. Ihahatid na kita mamaya. Sasaglit lang naman ako sa opisina ngayon." aniya. It's holiday today pero may mga gagawin pa din siya sakanyang opisina. Nasa bahay na ako nina Macey ngayon. Ang usapan naming magkakagrupo ay magkikita kita ng 9 am. Pero alas diyes na hindi parin dumadating ang tatlo pa naming ka-member na sina Aaliyah, Maxene at Ivan

