Cait "O bes, kala ko kung ano ng nangyari sayo eh. Magaling kana ba talaga?" nag aalalang wika ni Jess. Kasalukuyan kaming nasa classroom nina Macey habang naghihintay ng susunod na klase. Ilang araw din kasi akong absent sa klase. Kinausap ko naman ang mga prof ko at humingi ako ng special quizzes sa ibang subject. Nagpa quiz daw kasi yung ibang prof namin. "Medyo okay na naman." ani ko. Salamat nalang dahil inalagaan ako ni James sa ilang araw kong pagliban sa klase. Na-cancel rin ang ibang modelling gigs ko. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na magkakasakit ako. "So, kumusta na pala kayo ng jowa mo?" ani Macey. Kinikilig ito. Nalaman niya narin ang tungkol sa pakikipag live-in ko kay James. At nangako naman siyang hindi niya ipagkakalat yun. Ewan lang. Pero sana nga. Kundi sisipain

