TAMARA
Sa buong event ay hindi nawala sa paningin ko si Kyler Laurel.
O tama bang sabihin na hindi siya nawala sa paningin ko dahil palagi ko siyang nakikita na nakatingin sa gawi ko?
Kung ano man ang dahilan niya kaya siya tingin nang tingin ay bahala na siya. Ang mahalaga ay kumita ako ng malaki dahil sa tip na nakuha ko sa tatlong oras na car show event na pinuntahan namin ni Nyx.
“Pagod na pagod ako.”
Kasalukuyan kaming nagbibihis dahil tapos na ang event. Kung hindi pa nagsalita si Nyx ay hindi pa mawawala sa isip ko si Kyler Laurel. Aminado ako na gwapo siya at malakas talaga ang dating. Pwede ko rin namang sabihin na type ko siya kaya nag enjoy ako nang ilang beses ko siyang nahuli na nakatingin sa akin kanina. Hinihintay ko pa ngang lumapit pero hindi niya ginawa. Medyo nanghihinayang ako pero dahil masaya at nag enjoy naman ako sa raket namin ay okay na sa akin kahit na hindi ko siya nakausap ng mas matagal.
“Marami bang nagbigay ng tip sayo?” usisa ko nang nakatapos na kaming magbihis. Kung maraming nagbigay ng tip sa kanya ay siguradong matutuwa siya dahil ibibigay ko sa kanya ang mga tip na nakuha ko ngayong gabi pati na rin iyong bayad sa amin sa pagtatrabaho bilang brand ambassador.
“Meron ding mga nagbigay pero mas marami ang interesado lang talaga sa mga sasakyan kaya pumunta dito. Tsaka alam mo naman. Event ng mayayaman ito kaya siguradong hindi sila interesado sa mga BA na kagaya natin,” paliwanag ni Nyx. Tumango na lang ako. Naisip ko ulit si Kyler Laurel. Hindi na niya ako nilapitan ulit kaya siguradong tama si Nyx. Pumunta siya dito dahil interesado siya sa mga sasakyan at hindi para maghanap ng babae.
At saka sobrang gwapo ng lalaking ‘yon. Imposibleng wala pang girlfriend o kaya naman ay asawa.
“Ikaw ba, Tam? Kamusta ang unang raket mo? Nag-enjoy ka naman ba?” Muling usisa ni Nyx. Tapos na kaming magbihis at naglalakad na palabas sa dressing room para umuwi.
“Sobra!” bulalas ko at saka humarap sa kanya. “Buti na lang at sinama mo ako dito! Ang saya ko! Nag-enjoy ako, Nyx! Ang saya palang kumita ng pera!” ngiting-ngiti na pagpapatuloy ko.
“Sigurado kang satisfied ka na sa 1,500 na binayad sa atin ngayon? Wala ka naman halos mabibili dyan, Tam. Wala pa yan sa kalahati ng presyo ng mga damit mo,” sambit niya. Agad na umiling ako.
“Malaki naman yung tip na nakuha ko. May fifteen thousand five hundred ako dito, Nyx. Ibibigay ko sayo para kahit na hindi ka paswelduhin ni Mama ay may pera ka,” nakangiting sambit ko at saka humawak sa braso niya. Tumigil siya sa paglalakad at saka tumingin sa akin. Nagsimula pa siyang mag-compute bago nagsalita ulit.
“Ibig sabihin ay 14,000 ang naging tip mo ngayong gabi? Paano kang nakakuha ng ganun kalaking tip? Ilang tao ang nagbigay niyan?” sunod-sunod na usisa niya. Saglit na nag-isip ako.
“Apat na tao lang ang nagbigay ng tip sa akin pero maraming lumapit sa akin para magtanong tungkol sa sasakyan,” paliwanag ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.
“Apat na tao lang ang nagbigay ng 14,000 na tip?” mukhang hindi pa rin makapaniwala na tanong niya. Sunod-sunod na tumango ako at saka pinaliwanag sa kanya kung paano kong nakuha ang pinakamalaking tip.
“Tang ina, Tam…” agad na mura niya habang nakatingin sa akin.
“Bakit?” nagtatakang tanong ko.
“Eleven thousand na tip ang binigay sayo nung isa? Wala bang ibang sinabi ‘yon sayo?” usisa niya pa.
“Ano namang sasabihin niya sa akin?” tanong ko.
“Walang sinabi na hihintayin ka pagkatapos nitong event?” namimilog ang mga mata na tanong niya. Kumunot ang noo ko at saka umiling.
“Wala. Wala naman siyang sinabi tsaka hindi naman ako pumayag nung sinabi niya na gusto niya akong bilhin–”
“Putang ina!” muling mura niya kaya napatigil ako sa pagsasalita. Humawak siya sa braso ko at saka halos kaladkarin na ako palabas sa event hall.
“Bakit, Nyx? May problema ba? Bakit tayo nagmamadali? ‘Wag mong sabihin na dumating na si Mama?” tuloy-tuloy na usisa ko. Hindi ko maiwasan na kabahan habang iniisip na baka dumating na si Mama sa bahay pagkatapos ay hindi kami nadatnan doon!
Nasa labas na kami ng event hall nang tumunog ang phone niya. Napatigil kami sa paglalakad dahil kailangan niya daw na sagutin ang tawag sa kanya.
“Dito ka lang, Tam. Tumatawag yung isang kaibigan ko. Baka bagong raket na naman ‘to,” paalam ni Nyx bago lumayo ng konti sa akin para sagutin ang tawag ng kaibigan niya.
“Are you going home?”
Muntik pa akong mapakislot nang may nagsalita sa gilid ko. Nang lumingon ako ay naabutan ko si Kyler Laurel na nakatayo doon. Agad na napatitig ako sa mukha niya.
Ang gwapo. Yung tipo ng gwapo na hindi nakakasawang titigan.
Siguro ay dahil morena ang kulay ng kutis ko ay madali akong ma-attract sa mga mestizo. Bihira rin akong makakita ng mga lalaking maputi na hindi nagmumukhang feminine. Itong si Kyler Laurel ay maputi pero mukhang lalaking lalaki ang dating.
“Oo, bakit?” sagot ko at saka naalala ang malaking tip na nakuha ko sa kanya.
Wala naman siguro siyang balak na bawiin ang perang binigay niya ‘di ba?
“Is your place near here?” tanong niya. Agad na tumango ako.
“Hindi naman sobrang lapit dito pero hindi rin sobrang layo,” sagot ko. Nakita kong pinasadahan niya ng dila ng ibabang labi kaya bumaba tuloy ang tingin ko doon.
“Can I contact you?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala na napatitig sa mukha niya.
Tama ba ang dinig ko? Gusto niyang kunin ang contact number ko?
“Gusto mong kunin ang contact number ko?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko. Tumango siya.
“Pwede ba?” tanong niya pabalik. Napasinghap ako at napalunok. Hindi ko talaga inaasahan na lalapitan niya ulit ako dahil ang sabi ni Nyx ay hindi pumapatol sa BA ang mga guest dito! Mas lalo ko pang hindi inaasahan na kukunin niya ang number ko!
“Ahm… Wala kasi akong phone ngayon–”
Hindi ko na natapos ang pagpapaliwanag dahil tumawa siya ng mahina at muling tumitig sa akin.
“Are you playing hard to get?” tanong niya. Napasinghap ako. Ang akala niya siguro ay nagdadahilan lang ako dahil wala akong contact number na maibigay. Kinuha ni Mama ang phone ko at hindi ko sigurado kung may balak pa siyang ibalik sa akin iyon.
“Hindi ako nagpapaka hard to get. Wala lang talaga akong phone,” diretsong paliwanag ko. Nanliit ang mga mata niya at ilang sandali pang tumitig sa akin bago bumuntonghininga at saka muling gumalaw para dumukot ng wallet. Pinanood ko siyang kumuha ng ilang one thousand bills sa wallet bago binalik sa bulsa ang wallet at binigay sa akin ang perang kinuha niya!
“Anong gagawin ko–”
“Buy yourself a phone and contact me,” sambit niya at saka pinakita sa akin ang calling card na kasama ng pera na binigay niya.
“Bakit kailangan pa kitang kontakin?” nagtatakang tanong ko. Nanliit ang mga mata niya.
“So that we can have physical contact…” sambit niya habang titig na titig sa akin. Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago kinagat ang ibabang labi at saka mabilis na pinasadahan ng tingin ang katawan ko bago muling nag angat ng tingin sa akin.
“Call me as soon as you get yourself a new phone,” bilin niya pa bago tumalikod at naglakad na palapit sa isang magarang sasakyan sa di kalayuan. Napasinghap pa ako nang makita ang halos bago pa na lamborghini na sinakyan niya.
Mukhang mahilig nga ang lalaking ‘yon sa sasakyan dahil interesado talaga siya sa bagong labas na lamborghini na binabantayan ko kanina.
Bumusina at kumaway pa siya sa akin nang dumaan ang sasakyan niya sa harapan ko.
“Tam!”
Napalingon ako nang kalabitin ni Nyx. Bumaba agad ang tingin niya sa kamay ko at kumunot ang noo nang makita ang mga pera na hawak ko.
“Ano ‘yan? Bakit may hawak-hawak kang pera?” halatang nagtataka na tanong niya. Agad na napangiti ako at saka lumapit sa kanya.
“Yung sinasabi ko sayo na nagbigay sa akin ng eleven thousand na tip, nilapitan niya ako kanina at nagbigay ng pera para ipambili ko ng bagong phone,” nakangiting sambit ko.
“Bagong phone?” kunot ang noong tanong ni Nyx. Sunod-sunod na tumango ako.
“Oo. Hinihingi niya kasi yung contact number ko tapos ang sabi ko ay wala akong phone kasi kinuha ni Mama ang phone ko. Tapos nagbigay siya ng pambili ng phone para ma-contact ko siya,” paliwanag ko. Umawang ang bibig ni Nyx at saka kinuha ang calling card ni Kyler na hawak ko.
“Kyler Laurel?” narinig kong basa niya sa pangalan na nasa calling card. “Vice President of Laurel Construction…” pagpapatuloy niya at saka kunot ang noo na nag angat ng tingin sa akin. “Hindi ba at sa Laurel Construction ka nag-apply ng trabaho noong nakaraan?” muling usisa niya. Natatawang tumango ako.
“Oo, Nyx. At yang lalaking ‘yan ang nag interview sa akin,” sagot ko. Tumaas ang kilay niya.
“Ito yung nag-alok sayo ng blow job?” muling usisa niya kaya tumango ako. “Tang ina yung lalaking ‘yon ah? Para-paraan din talaga,” naiiling na komento niya. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
“Bakit, Nyx? Dapat ba ay hindi ko na lang siya kinausap?” tanong ko. Tumitig siya sa akin bago nagtanong.
“Type mo ba ‘to?” diretsong tanong niya. Hindi ako nagdalawang isip na tumango dahil type ko naman talaga si Kyler Laurel.
“Gwapo siya,” komento ko. Napangiwi si Nyx at saka naiiling na hinawakan na ang braso ko para magpatuloy na kami sa pag-uwi.
“Okay lang sayo kahit yayain kang makipag sēx niyan?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa abangan ng bus.
“Hindi ko alam. Depende–”
“Tang inang sagot ‘yan. Sabihin mo na lang na gusto mo ring bumukaka sa harapan ng lalaking yan,” sambit niya. Ilang sandali na napaisip ako. Kung may mutual consent ay hindi naman masama ang pakikipag sēx. Ang masama ay iyong pipilitin kang makipag sēx ng isang lalaki kahit na hindi mo naman gusto.
“Wala namang masama kung pareho ninyong gustong mag sēx ‘di ba?” usisa ko. Lumingon si Nyx sa akin at saka umakbay.
“Akala ko pa naman ay conservative ka,” sambit niya. Kunot ang noo na nilingon ko siya. “Yun naman pala ay willing kang bumukaka kapag type mo ang lalaki,” nakangising pagpapatuloy niya pa.
“Ginagawa naman talaga ng lahat ng tao ang sēx ‘di ba? Wala namang nagsabi na bawal gawin ‘yon. Ang mahalaga ay gusto ninyo pareho,” paliwanag ko. Tumawa siya kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
“Type mo ba si Atty. Revamonte?” tanong ko.
“Gusto lang siyang makilala ni little Nyx pero hindi ibig sabihin ay type ko na, Tam. Baka mamaya ay masamang tao pala ‘yon. Mahirap na,” sagot niya.
“Paano kung yayain kang makipag sēx ni Atty. Revamonte kapag inakit mo siya?” Hindi na nakapagpigil na usisa ko.
“Edi go! Basta ba gagawin niya yung pabor na hihilingin ko sa kanya,” sambit niya.
“Anong pabor?” tanong ko.
“Edi hayaan niya pa tayong tumira sa bahay ninyo nang matagal tagal pa. O kaya ay hanggang sa hindi nababawi yung mga perang naipatalo ng Mama mo sa sugal,” paliwanag niya. Napasinghap ako at agad na na-guilty dahil dapat ay ako ang tutulong kay Mama para hindi kami mapaalis sa bahay namin.
“Sigurado ka bang gagawin mo talaga ‘yon, Nyx? Ang sabi mo ay hindi mo naman type si Atty. Revamonte. Ibig sabihin ay mapipilitan ka lang na makipag sēx sa kanya–”
“Wala akong sinabi na ayaw kong makipag sēx sa kanya, Tam. Sa totoo lang ay excited na nga akong makilala ang lalaking ‘yon. Parang ang sarap kasi…” sambit niya pa at saka kinagat kagat pa ang ibabang labi kaya naiiling na binalik ko na lang ang tingin sa daan.
Nakasakay na kami ni Nyx sa bus nang muling napatingin ako sa pera na binigay ni Kyler Laurel. Nang bilangin ko ang puro buong isang libo ay nagulat pa ako na thirty thousand ang inabot. Bagong-bago kasi ang mga bills kaya sobrang nipis kaya akala ko ay hindi gano’n kalaki!
Thirty thousand para sa cellphone?
Hindi ko naman alam kung talaga bang mahal ang mga phone ngayon lalo na at si Mama naman ang bumibili ng mga gamit namin ni Tamiko.
Nang naalala ko ang kakambal ko ay nilingon ko ulit si Nyx at saka inusisa kung nagparamdam na ba sa social media si Tamiko. Nang sabihin niyang hindi pa ay tumango lang ako.
Nang dumating kami sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag ng sinabi ng guard na wala pa doon si Mama. Tuloy-tuloy na umakyat kami ni Nyx sa kwarto ko.
“Nyx, sayo na ‘to…” sambit ko at saka binigay sa kanya ang lahat ng pera na hawak ko. Kumunot ang noo niya at saka nag angat ng tingin sa akin.
“Bakit mo binibigay sa akin ang pera na kinita mo sa raket?” tanong niya. “At saka ‘yang binigay ng nung lalaki sayo, tama siya, Tam. Ibili mo yan ng cellphone mo pero ‘wag mong sasabihin sa Mama mo para hindi niya kunin ulit,” tuloy-tuloy na sambit niya. Agad na umiling ako.
“Hindi ko naman kailangan ang phone. Makikigamit na lang ako sayo kung gusto ko siyang tawagan,” paliwanag ko at saka nilagay na sa bag niya ang lahat ng pera na hawak ko.
“Ano ka ba, Tam? Itago mo ‘yan. Pera mo ‘yan. Unang sahod mo ‘yan sa kauna unahang trabaho na napasukan mo kaya itago mo–”
“Hindi ko naman kailangan ng pera hangga’t nandito ako sa poder ni Mama. Sayo na lahat ‘yan, Nyx. Sumama lang naman ako sayo para sa experience at sobrang nag enjoy ako kaya okay na sa akin ‘yon,” sambit ko at saka nakangiting tinulak ang bag niya pabalik sa kanya.
“Itatago ko lang ‘to pero sayo ‘to ha? Sabihin mo sa akin kapag kailangan mo na,” sambit niya pa kaya nagkibit balikat lang ako at saka dumiretso na sa banyo para maligo.
Tapos na akong maligo nang maalala na tawagan si Kyler Laurel. “Pwede bang pahiram ng phone mo, Nyx? May tatawagan lang ako,” paalam ko nang makita na susunod na siyang maligo sa akin.
“Tatawagan mo yung type mo?” nakangising tanong niya kaya natatawang tumango ako. Nagmura siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Kailan ba darating si Atty. Revamonte? Baka mauna ka pa sa akin na bumukaka ah,” sambit niya.
“Baka sa katapusan pumunta na ‘yon dito,” sagot ko. Ngumisi siya at saka tumango.
“Okay, sige. Paghahandaan talaga namin ni little Nyx ang pagdating ni Atty. Revamonte,” nakakalokong sambit niya pa bago tuluyang pumasok sa banyo. Nang nawala si Nyx sa paningin ko ay agad na umupo ako sa kama at saka dinial ang number ni Kyler Laurel.
Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na niya ang tawag ko.
“Hello?”
Pagkarinig ko pa lang sa boses niya ay bigla akong natigilan. Biglang hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya sa halip na kausapin siya ay binaba ko ang tawag at saka binaba ang phone ni Nyx sa ibabaw ng kama.
Bigla kong naisip na hindi pa ako handang makipag sēx. Nawawala ang kakambal kong si Tamiko at nanganganib na mawala ang bahay at lupa namin. Sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para makipagkilala sa kung sino-sinong lalaki lalo na ang makipag sēx!
Ilang sandali pa akong napatitig sa phone ni Nyx nang maisip kong tawagan ulit si Kyler para sabihin na ibabalik ko na lang ang pera niya dahil wala akong balak na bumili ng phone para lang magamit para kontakin siya.
“Hello?”
“Ahm… Si Tamara ito,” sambit ko nang sagutin ang tawag niya.
“Who?” tanong niya. Tumaas ang kilay ko. Iniisip ko pa kung natandaan niya pa ang pangalan ko noong ininterview niya ako o hindi na.
“Tamara,” muling pakilala ko. “Nagkita tayo kanina sa car show,” paliwanag ko at hindi na nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang dahilan ng pagtawag ko. “Gusto ko lang sabihin na wala akong balak na bumili ng bagong phone para kontakin ka. Nakitawag lang ako sa kaibigan ko. Pupunta na lang ako sa opisina mo bukas para ibalik sayo yung pera. Bye,” tuloy-tuloy na sambit ko at saka hindi na siya hinayaan pa na makapagsalita. Pinutol ko na ang tawag at saka binaba ang phone ni Nyx. Pero muling sumubok na tumawag si Kyler kaya kunot ang noo na sinagot ko ang tawag niya.
“No. Don’t come to my office. Sa unit ko na lang. I will send you my address,” sambit niya at saka siya naman ang pumutol sa tawag kaya kunot ang noo na napatitig ako sa phone ni Nyx. Ilang sandali lang ay may dumating na message galing kay Kyler at totoo nga ang sinabi niya na ibibigay niya ang address niya sa akin.
“Skyline Villa? Wow. Ang yaman pala talaga ng lalaking ‘yon…” sambit ko matapos basahin ang message na may laman na address niya.
***
The FULL soft cøpy of this novel is already available!!! 💖
For inquiries on how to purchāse, you can reach me out on Fācēbøøk: Pots Elizalde Montefalco (canyouhearthemusique)
Thank you!