Chapter 4

3377 Words
TAMARA Napapakunot ang noo ko habang sinusuot ang uniform na pinapasuot sa amin ng staff nitong car show event. Kung ang kakambal kong si Tamiko ay sanay na sanay na magsuot ng ganitong damit ay kabaligtaran naman ako. Panay ang hila ko pataas sa neckline ng suot kong top. Sakto naman ang size ng damit sa akin pero feeling ko ay masyadong masikip sa gawing dibdib kaya parang hindi na ako makakayuko na hindi masisilip ang dibdib ko. “Ano ba namang damit ‘to?” Hindi ko mapigilan na magreklamo dahil kahit na anong hila ko pataas ay mukhang wala talagang remedy dahil mukhang ganito talaga ito kapag nakasuot na. May dumating na isang babae kaya napalingon ako sa kanya. Humarap din siya sa salamin at sinipat ang sarili. Pero sa halip na itaas ang neckline ay pilit niya pang ibinababa kaya mas lalong na-eexpose ang dibdib niya. Mas lalo akong napabuntonghininga nang makita na halos lahat ng kasama namin dito sa loob ay pare-pareho ang suot. Normal lang sa kanila na lumitaw ang cleavage at mukhang sanay na sanay na talaga sa ganitong event. Nang lumabas si Nyx sa cubicle at lumapit sa akin ay kulang na lang ay umawang ang bibig ko nang makita siya. Nakikita ko na siya na nakadamit ng medyo revealing sa bahay pero ngayon ay ibang-iba ang aura niya! “Wow, Nyx! Ang ganda mo pala kapag nakaayos.” Hindi ko mapigilan na puriin siya. Katulad ko ay may kalakihan din ang mga dibdib niya kaya nakalitaw din ang cleavage sa suot na uniform. Morena ang kulay ng kutis ko pero si Nyx ay maputi. Kung chinita ang mga mata ko at lutang na lutang ang dugong Hapon, si Nyx naman ay parang may lahing Latina. Napapansin ko na hindi itim ang kulay ng mga mata niya lalo na kapag tinamaan ng sikat ng araw. Gusto ko ngang itanong kung may foreign blood siya pero mukhang kahit siya ay hindi alam kaya hindi na ako nag-usisa pa. “Sabi ko naman sayo, Tam. Kahit gaano pa tumanggi ang Atty. Revamonte na ‘yon sa akin ay sigurado akong titigasan siya kapag nakita na niya ang katawan ko,” confident na sambit niya. Kumunot ang noo ko at napatingin sa mukha niya. “Anong titigasan?” tanong ko. Sinilip niya ako mula sa salamin at saka naiiling na ngumisi. “Oo. Lalo na kapag pinakita ko sa kanya ‘to,” sambit niya pa at saka yumuko pa sa harapan ng salamin at mukhang pinapasilip sa akin ang dibdib niya. “At bakit mo naman ipapakita ang dibdib mo kay Atty. Revamonte, Nyx? Paano kung hawakan ka no’n–” “Edi hahawakan ko rin siya. Maghawakan pa kaming dalawa…” sambit niya at saka kinagat kagat pa ang ibabang labi habang tila inaakit ang sarili sa harapan ng salamin! “Parang malapit ka na namang bumalik sa asylum niyan,” naiiling na komento ko pero sa halip na tumigil ay umawang ang bibig ko nang makita na sinalo niya ang magkabilang dibdib at saka pinush nang pinush pataas na para bang inaalog alog! “Hoy! Ano ba ‘yang ginagawa mo sa mga dibdib mo, Nyx? Baka magka breast cancer ka sa kakapisil mo dyan!” mariing saway ko. Natatawang nagmura siya bago umayos ng tayo at muling sinipat ang sarili sa harapan ng salamin. Ginaya ko siya pero sa halip na matuwa ay napapangiwi ako sa nakikita kong itsura ko. Kung yuyuko ako ay siguradong masisilip ang dibdib ko. Kapag naman gumalaw ako ng todo ay siguradong masisilip naman ang pang-upo ko dahil sa ikli ng skirt na pinasuot sa amin! Bumuntonghininga ako. Malaking pera na rin ang one thousand five hundred. Kung ibibigay ko kay Nyx ang magiging bayad sa akin para sa raket na ito ay matutuwa siya at hindi na manlulumo dahil walang ipapasahod si Mama sa kanya. Si Nyx na rin ang nag ayos ng makeup ko. Marunong naman ako sa paglalagay ng makeup pero iyong light lang. Ang bilin kasi sa amin ng staff ay medyo kapalan ang makeup kaya nagpaayos ako kay Nyx. “Ganda mo! Siguradong titigasan din sayo yung mga boylet na aattend dito sa event,” sambit niya pa kaya naiiling na iniwan ko na dahil magkaiba kami ng grupo. Kanya-kanya kami ng sasakyan na babantayan at pinaliwanag sa amin ng staff ang ilang information na pwede naming ibigay sa mga guest na magtatanong daw mamaya. Madali lang namang kabisaduhin ang ilang basic information na binigay sa amin kaya nakabisado ko agad. “Bago ka ba dito?” Napalingon ako sa babaeng kumausap sa akin. Kasama ko siya sa grupo kaya tumango ako at ngumiti ng tipid sa kanya. “Kaya pala ngayon lang kita nakitang rumaket dito,” komento niya. Hindi ako nagsalita pero nagpatuloy siya sa pagtatanong. “May boyfriend ka?” tanong niya. Agad na umiling ako. “Bakit?” usisa niya pa na para bang may problema sa akin kung wala akong boyfriend! “Ha?” tanong ko. “Bakit wala kang boyfriend? Ang ganda mo ah? Ang ganda pa ng katawan mo,” sambit niya habang bumababa ang tingin sa katawan ko. “Ah… bata pa naman ako,” simpleng sagot ko. “Ilang taon ka na ba?” usisa pa rin niya. “Twenty,” sagot ko. Tumawa siya ng mahina kaya kumunot ang noo ko. “Ako nga nineteen pa lang pero may boyfriend ako,” sambit niya habang nakangisi sa akin. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung anong pinupunto niya at bakit kailangan niya pang ipagsabi na may boyfriend siya sa edad na nineteen. Sa tingin niya ba ay maiinggit ako sa kanya? “Kahit sugar daddy ay wala ka?” muling tanong niya ulit kaya nagsalubong na ang mga kilay ko. “Ano ba yung sugar daddy?” tanong ko. Umawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. “Hindi mo alam kung ano yung sugar daddy?” mukhang hindi pa makapaniwala na tanong niya. Umiling ako. “Hindi. Kaya nga nagtatanong ako sayo,” sambit ko. Tumawa siya ng mahina. “Yung parang boyfriend mo na rin pero hanggang sa kama lang kayo. Hindi kayo pwedeng makita ng maraming tao na magkasama kasi nga posible na may pamilya siya o kaya naman ay may steady girlfriend,” paliwanag niya. Pero kahit na malinaw naman ang sinabi niya ay hindi ko pa rin maintindihan. “At bakit naman ako papatol sa may asawa o kaya ay girlfriend?” tanong ko. Tumaas ang kilay niya at saka tinaas ang isang kamay. May kung anong sinenyas siya sa daliri niya. “Para sa ganito,” sagot niya at saka pinakita ang kamay sa akin. “Anong ibig sabihin niyan?” tanong ko. Tumawa ulit siya. “Pera,” sagot niya na halatang natatawa pa rin. “Sigurado ka bang twenty years old ka na? Bakit parang wala ka ring muwang sa mundo?” naiiling na komento niya. Pakiramdam ko ay nainsulto ako dahil sa sinabi niya pero hindi naman ako makapag reklamo para ipatanggol ang sarili ko dahil medyo totoo rin naman na wala pa akong kamuwang muwang. Ganito kami pinalaki ni Mama kaya nga halos wala akong alam sa ugali ng ibang tao. Ilang taon din akong nag homeschooling dahil ayaw ni Mama na ma expose kami sa mga tsismis sa paligid. Ang gusto niya lang na palagi naming kasama ay ang mga mayayaman dahil para sa kanya ay walang pakialam sa amin ang mga ‘yon dahil mas mahalaga daw sa kanila ang kumita ng pera. Ilang sandali lang ay may inabot sa amin na mga brochure na ibibigay namin sa kahit na sinong magkaroon ng interest sa sasakyan na babantayan namin. Lumapit ulit ang kasama ko sa akin at saka pasimpleng binaba ang neckline ng suot kong top. Kumunot ang noo ko at agad na inayos ‘yon pero nagsalita na siya. “Kung mas sexy kang tingnan ay mas maraming tip ang pwede mong makuha sa mga car enthusiast na pupunta mamaya,” sambit niya. Kumunot ang noo ko at naalala ang sinabi ng kausap ni Nyx kanina tungkol sa tip. Nang maisip ko ‘yon ay agad na nag usisa ako sa kasama ko. “Gaano kalaki ang tip na binibigay?” tanong ko. Tumawa siya. “Sabi ko sayo mas matutuwa ka kung mas marami kang pera pagkatapos ng event,” nakangising sambit niya at saka pinaliwanag sa akin ang posible kong kitain sa tip na ibibigay ng mga guest. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala na posible akong makakuha ng ganun karaming tip. Pero nang turuan niya ako kung paano ang gagawin ko para mas dumami ang magbigay ng tip sa akin ay parang ayaw ko nang subukan. “Kapag may nagtatanong sayo na guest, dumikit ka lang ng konti tapos ipasilip mo yang dibdib mo habang pinapaliwanag mo yung tinatanong niya,” sambit niya. Napangiwi ako. “Kapag gustong umakbay, hayaan mo lang. Akbay lang naman. Maliligo ka rin naman mamaya. Mas mahalaga pa rin ang pera,” pagpapatuloy niya at saka ngumisi sa akin. “Kung yayayain ka naman na lumabas ay depende na sayo kung sasama ka,” sambit niya pa at saka mas lalong ngumisi sa akin. “Mas malaki ang tip sa ganon, girl! Promise! Pwede ka pang bilhan ng phone. Yung mansanas, kung masasatisfy mo!” pagpapatuloy niya. Sa sobrang curious ko na kumita ng mas malaki para mas malaki ang maibigay ko kay Nyx ay ang nag usisa pa ako sa kagrupo ko. “Anong gagawin para yayain akong lumabas ng guest?” tanong ko. Ngumisi siya at saka bumulong sa akin. “Hipuan mo!” bulong niya. Kumunot ang noo ko. “Saan ko hihipuin?” tanong ko. “Sa tìtì syempre!” sagot niya. Umawang ang bibig ko at na-eskandalo dahil sa sinabi niya. “Hindi ko kaya ‘yan. Baka ipakulong pa ako kung hahawak ako sa private parts–” “Ano ka ba naman? Sobrang demure mo! Bahala ka dyan! Kung ayaw mong magkapera ng mas malaki, doon ka na lang mag focus sa pag entertain sa mga guest para mabigyan ka ng tip!” bulalas niya. Parang nakukulitan na siya sa akin kaya hindi na ako nagtanong pa ulit. Nang magsimula ang car show ay nagsimula na rin ang pagdami ng mga tao. Halos puro lalaki ang guest. Kung meron mang mga babae ay mabibilang ko lang sa mga daliri. Pasimpleng pinanood ko ang kausap kong babae kanina na nagbigay ng mga tip sa akin kung paano makakatanggap ng tip sa mga guest. Ang sabi sa amin ng staff ay galingan sa pag entertain sa mga guest pero parang mas madaling makaipon ng tip kung susundin ko ang sinabi ng kasama ko. Sige lang, Tam. Parati mo na lang inaabala si Nyx kaya hindi pwedeng hindi ka babawi sa kanya. Kahit sa pagbigay na lang sa kanya ng pera ay makabawi ka. Nakita kong dahan-dahang yumuko ang kasama ko para ibigay ang brochure sa possible client na kaharap. Kitang-kita ko ang mga mata ng lalaki na sumilip sa dibdib niya! Ilang sandali lang silang nag usap bago dumukot ang lalaki ng cash sa wallet at pasimpleng inabutan ng isang libo ang kasama ko. “Wow… So, isang tingin ay isang libo ang tip? Hindi na masama. Kayang-kaya ko rin naman pala,” sambit ko at saka naglakad na sa tabi ng latest model ng lamborghini kung saan ako naka assign. May matandang lalaki na lumapit sa akin kaya ngumiti ako at agad na binati siya. “Hello, Sir! Would you like to know about this new model of lamborghini?” nakangiting tanong ko. Tumango ang matanda kaya yumuko ako at saka inabot sa kanya ang brochure na hawak ko. Nakita kong tumingin siya sa dibdib ko at saka tumikhim nang makita niya na nahuli ko siyang nakatingin. Sumubok pa ulit akong yumuko pero hindi na siya tumingin ulit. Bago siya umalis sa pwesto ko at lumipat sa ibang sasakyan ay nag abot siya sa akin ng isang libo kaya namilog ang mga mata ko at sobrang natuwa dahil doon! “Wow… Totoo ngang isang tingin ay isang libo agad!” Titig na titig pa ako sa isang libong papel na hawak ko nang may tumikhim sa likuran ko. Agad na ibinulsa ko ang pera bago muling humarap sa isang possible client. Sa ngayon ay mas bata ng konti ang nasa harapan ko pero hindi ako komportable sa ginagawa niyang paninitig sa akin. Hindi naman siya sa dibdib ko nakatingin kundi sa mukha ko lang kaya hindi ko tuloy alam kung may dapat ba akong asahan na tip mula sa kanya kung sa mukha ko lang siya nakatitig! Ilang sandali pa kaming nag usap bago siya umalis ng basta na lang. Napasimangot ako. So, kung hindi sisilip ay wala ring tip na makukuha?! Ilan pa ang sumunod na lumapit sa sasakyan na binabantayan ko pero mukhang karamihan sa kanila ay interesado sa sasakyan at hindi sa akin kaya medyo nakakainis din pala dahil gusto ko talagang makaipon ng maraming tip para matuwa si Nyx. “Is it faster than the last model you released?” May nagsalita na kliyente sa likuran ko kaya agad na humarap ako para i-entertain siya. “Ikaw?” wala sa sariling tanong ko nang makilala ang lalaking nasa harapan ko. Kailan lang kami nagkita dahil sa pag interview niya sa akin kaya fresh na fresh pa ang itsura niya sa memory ko. Inalis niya ang tingin sa lamborghini at saka inilipat sa akin. Mukhang nakilala niya rin ako dahil nagsalubong ang mga kilay at tumagilid pa ang ulo. Kitang kita ko ang agad na pagbaba ng tingin niya sa dibdib ko kaya mabilis na gumana ang utak ko. One down. Counted na ang sulyap para sa tip hindi ba? “What are you doing here?” tanong ng lalaki sa harapan ko. Kyler Laurel, Vice President ng Laurel Construction. Kahit ang pangalan niya ay tandang-tanda ko pa rin dahil likas naman na hindi ako makakalimutin sa mga pangalan. Magbibigay kaya siya ng tip kapag pinasilip ko sa kanya ang dibdib ko? Mayaman naman siya. Vice President nga ng kumpanya kaya baka magbigay din ng tip kahit na hindi maganda ang naging pakikitungo ko sa kanya noong in-interview niya ako. Muling bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya agad na nagbilang ako. Sa pasimpleng pagbilang ko kung ilang beses na siyang sumulyap sa dibdib ko ay naka lima na kaagad siya kaya parang tumataginting na ang pera sa utak ko. “Don’t tell me, you came here just to see me?” Halatang nagdududa ang tingin niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Hindi ko naman alam na pupunta ka dito–” Tumawa siya ng nakakaloko kaya hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko. Aminado akong cute siyang ngumiti pero parang gusto kong ma-turn off dahil iniisip niya yata na ini-stalk ko siya. Muling tumingin siya sa dibdib ko kaya nagbilang na naman ako. Nakaka anim na sulyap na! Mukha naman siyang mayaman kaya siguro ay barya lang sa kanya ang six thousand sa tip para sa paninilip sa dibdib ko? “Pare-pareho lang ang sinasabi ng mga babaeng gustong magpapansin sa akin. Do you think you are different from them?” naiiling na sambit niya pa kaya kumunot ulit ang noo ko. Bumaba na naman ang tingin niya sa dibdib ko kaya nagbilang ulit ako. Seven times! “You even try to apply as my secretary. Sa tingin mo ba ay papatol ako sayo kung mapapalapit ka sa akin at araw-araw tayong magkikita sa opisina?” Patuloy pa rin siya sa pangangarap na interesado ako sa kanya kaya ako nag apply sa kumpanya nila. Gusto ko sanang barahin siya pero nakakadami na siya ng sulyap sa dibdib ko. Baka mamaya ay hindi niya pa ako bayaran sa paninilip niya. Nang humakbang siya palapit sa akin ay ilang beses pa siyang sumulyap sa dibdib ko. At dahil sadyang inaabangan ko siyang tumingin sa dibdib ko ay nabilang ko kung ilang beses ang nadagdag. “Ang bata mo pa para pangaraping magpapansin sa akin,” sambit niya nang tuluyang nakalapit sa harapan ko. Bumaba ulit ang tingin niya sa dibdib ko kaya sampung beses na siyang tumitingin! Wow! Iba talaga kapag mayaman. Barya barya lang ang sampung libo! “Do you even know how to properly sūck a còck?” nakataas ang kilay na tanong niya at saka muling bumaba ang tingin sa dibdib ko. Eleven times! Pero nang maisip ko ang huling sinabi niya ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “Do you even know that I can still sue you for sēxualizing me?” nakataas ang kilay na hamon ko. Mukhang natauhan naman siya at saka napamura bago napatingin sa paligid. Nanliit ang mga mata ko nang makita na umatras siya at mukhang tatakas pa sa pagbibigay ng tip sa akin! “Teka lang! May nakalimutan ka!” agad na pigil ko sa kanya. Naglapat ang mga labi niya at saka mariin na tiningnan ako. “What do you want from me? Don’t even dare cause a scene here. I’m warning you,” mariin na mariin na banta niya. Pero sa halip na matakot ay nilahad ko ang palad ko sa harapan niya. “Nakalimutan mong ibigay ang tip mo para sa akin,” sambit ko. “Tip?” salubong pa rin ang mga kilay na tanong niya. “What tip are you talking about?” gigil na tanong niya pero halatang kinokontrol niya ang boses dahil maraming tao sa paligid. “Bayaran mo ako sa paninilip mo sa dibdib ko,” diretsong sambit ko at saka muling ginalaw ang kamay sa harapan niya. “Ten thousand na lang,” pagpapatuloy ko. “What?” mariing tanong niya. “Eleven times kitang nakita na tumingin sa dibdib ko. Discount na yung one thousand,” paliwanag ko. Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago nagmura at saka tumagilid ang ulo. “Are you trying to charm me?” tanong niya na may kasamang gigil sa boses. “Hindi. Mali ka nang iniisip tungkol sa akin. Magbayad ka na lang ng tip para matapos na,” utos ko. Muling naglapat ang mga labi niya bago gumalaw at dinukot ang wallet sa bulsa. Pinanood ko siyang naglabas ng ilang libo at saka muling tumingin sa akin. “I can’t believe I have to pay for a fūcking gaze,” sambit niya at saka sumulyap na naman sa dibdib ko. “Plus one thousand dahil tumingin ka ulit,” sambit ko. Nanliit ang mga mata niya at saka muling kumuha ng isang libo sa wallet. “One thousand for just a single gaze?” tanong niya. Tumango ako. “What if I try holding that? How much am I going to pay huh?” tanong niya. Natigilan ako at saka wala sa sariling napahawak sa dibdib ko. “Gusto mong hawakan ‘to?” kunot ang noong tanong ko pero tumaas lang ang kilay niya. Natigilan ako. Hindi ko alam ang presyuhan kapag may kasama ng hawak. Narinig kong tumawa siya ng nakakaloko kaya nagtatakang binalik ko ang tingin sa kanya. “At pinag-iisipan mo pa talaga huh? You are fūcking willing to let me touch your bøobs, huh?” sarkastikong sambit niya. Napasinghap ako habang nakatingin sa kanya. “Oo naman! Pwede ko namang ipahawak sayo pero hindi libre!” agad na sagot ko. Mas lalo siyang ngumisi at saka kagat ang ibabang labi na humakbang palapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at saka nilagay sa palad ko ang pera na kinuha niya sa wallet niya. Hindi pa ako makapaniwala na sobrang bilis niyang kausap! “Magkano ka ba?” diretsong tanong niya. Kumunot ang noo ko. “Eh kung bilhin na lang kaya kita para magawa ko lahat ng gusto ko sayo?” dagdag niya pa kaya agad na napasinghap ako at kinuha ang pera na nilagay niya sa kamay ko. “Hindi ko binebenta ang sarili ko kaya hindi mo ako pwedeng bilhin!” bulalas ko at saka tumalikod na sa kanya. Narinig ko pa ang mura at halakhak niya pero hindi ko na siya pinagkaabalahang lingunin ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD