TAMARA
“Ano ba kasing nangyari sa job interview mo, Tam? In fairness, ang laking kumpanya ng Laurel Construction. Swerte mo kung makakapasok ka!”
Kanina pa nag-uusisa si Nyx sa akin pero sinasadya kong ‘wag magkwento dahil naiinis pa rin ako sa lalaking nag-interview sa akin.
Akala niya talaga ay hahabulin ko ang kumpanya nila porket maraming nagsasabi na maganda doon ha? Pwes, nagkakamali siya! Wala akong pakialam kahit na hindi na ako matanggap doon!
“Wala. Ayoko nang pag-usapan, Nyx. Kupal ang magiging Boss kaya okay lang na hindi ako makapasok,” paismid na paliwanag ko. Tumango lang ang guard sa amin nang pumasok kami sa bahay. Tumaas ang kilay ko. Kahit na madalas ay nagrereklamo muna si Nyx sa pagtulong sa akin ay mukhang nagagawa naman niya ang lahat ng kailangan niya para matulungan ako.
“Paanong naging kupal? Anong ginawa sayo?” tuloy pa rin siya sa pag-uusisa pero ako ay nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kusina para maghanap ng pwedeng inumin. Gusto kong mag-relax dahil hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko ang itsura ng lalaking nag interview sa akin. Oo nga at gwapo siya pero dahil sa kanya ay ang pangit ng kinalabasan ng first ever job interview ko!
“Nakakainis naman kasi, Nyx…” sambit ko nang nakakuha ng juice sa fridge.
“Ano ba kasing ginawa ng kupal na ‘yon? Sabihin mo kasi para makarelate naman ako. Ang hirap maging tsismosa. Kanina pa ‘ko bitin na bitin sa mga kwento mo!” reklamo niya at saka nagsalin na rin ng juice sa baso niya.
Nalukot ang mukha ko at saka umupo para magsimulang magkwento. Kanina ay masyado pang mataas ang emosyon ko kaya ayaw ko pang magsalita. Ngayon na nakainom na ako ng malamig na juice ay medyo humupa na ng konti ang inis ko kaya pwede na akong magkwento.
“Secretary ang in-applyan ko sa kanila pagkatapos ay gusto lang ng magiging Boss ko na utusan akong umihip para sa kanya? Sino namang hindi maiinis doon, Nyx? Sabihin mo nga. Pati ba naman pag-ihip ay iuutos pa sa magiging secretary niya. Wala ba siyang sariling bibig para umihip mag-isa?” tuloy-tuloy na litanya ko at muling uminom ng juice. Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang kinalabasan ng kauna unahang job interview sa akin.
“Teka lang, Tam. Hindi ko kasi maintindihan kung ano yang ibig mong sabihin. Konti na lang kasi ‘tong braincells na gumagana sa akin tapos ang hirap mo pang intindihin. Ano daw yung kailangan mong hipan?” usisa niya. Binaba ko ang baso at saka bumuntonghininga.
“Hindi ko alam. Hindi ko na tinanong kung ano yung gusto niyang hipan ko para sa kanya,” sagot ko at saka humalukipkip. Bumuntonghininga rin siya at saka uminom ng juice. Patuloy ko pa ring inisip ang sinabing trabaho ng lalaking ‘yon sa akin.
“Bløw job? Kailan pa naging trabaho ang pag-ihip, Nyx? Required din ba na degree holder para sa trabaho na ‘yon? Tsaka anong tawag sa kanila? Blower? Ang taas naman pala ng qualifications sa Laurel Construction!” tuloy-tuloy na litanya ko. Umubo si Nyx kaya kunot ang noo na napatingin ako sa kanya.
“Putang ina! Pumasok yung juice sa ilong ko!” reklamo niya kaya nakangiwing inabutan ko ng tissue.
“Dahan-dahan kasi sa pag-inom. Masyado ba ang uhaw mo dahil sa naging lakad natin?” usisa ko pa. Hindi naman kami gaanong nagtagal sa labas pero baka nauhaw siya dahil mainit ang panahon.
“Anong sabi mo kanina? Bløw job?” tanong niya. Tumango ako.
“Oo. Hindi ko kasi sinagot yung tanong ng nag-interview sa akin kasi masyadong personal. Nagalit yata kaya sa halip na secretary ay blow job ang gustong ipagawa sa akin. Nakakainsulto ‘di ba?” paliwanag ko.
“Eh anong sinabi mo?” tanong niya.
“Syempre tinanggihan ko! Hindi naman ako nag-aral ng apat na taon sa college para lang maging taga ihip niya ‘no!” kampanteng sambit ko. Tumawa si Nyx kaya kunot ang noong napatingin ako sa kanya.
“Tang ina,” natatawang mura niya at saka tumingin sa akin. “‘Wag ka nang mag-asawa, Tam. Sinasabi ko sayo. Masisiraan ng ulo ang mapapangasawa mo,” naiiling na komento niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
“Bakit naman napunta ang usapan sa pag-aasawa? Hello? Ang dami ko na ngang iniisip pagkatapos ay uunahin ko pa ‘yang pag-aasawa?” naiiling na sambit ko.
“Sayang! Wala akong dalang resume. Kung bløw job lang pala ay kayang-kaya ko,” nakangising sambit niya. Napangiwi ako at saka inisip na baka hindi naman nakatapos ng college si Nyx kaya kuntento na siya sa pagiging blower.
“Gwapo ba yung i-bo-blow job?” muling usisa pa ni Nyx. Muling pumasok sa isip ko ang itsura ng nag interview sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumango sa kanya.
“Gwapo naman,” sagot ko.
“Matangkad?” tanong niya. Tumango ako.
“Oo.”
“Sarap no’n!” komento niya kaya napangiwi ako at saka naiiling na nagsalin ulit ng juice sa baso.
“‘Wag mo nang intindihin yung lalaking nag interview sa akin. Si Atty. Revamonte ang paghandaan mo,” muling paalala ko. Napatingin ako kanina sa petsa at naisip na baka sa katapusan na ang susunod na punta dito ni Atty. Revamonte para muling kausapin si Mama.
“Handang-handa na. Nakapag shave na si little Nyx. Kahit ipasok pa ni Atty. Revamonte lahat ng daliri niya!” Confident na sagot niya. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko na naman maintindihan ang mga sinasabi niya. Naiiling na niyaya ko na lang ulit siya sa itaas para maghanap ulit ng iba pang pwedeng pag sendan ng job application online.
Ilang araw lang pagkatapos kong mag-apply sa Laurel Construction ay may tumawag ulit pero hindi ako nakapasa sa interview. Priority nila ay yung may experience kaya ang kasama kong ininterview ang na-hire.
“Ang hirap palang maghanap ng trabaho,” nanlulumong sambit ko kay Nyx. Hindi pa pala sapat iyong nakatapos ka na ng pag-aaral para magkaroon ng trabaho. Dapat ay may experience din. Pero paano namang magkakaroon ng experience kung hindi naman nila bibigyan ng pagkakataon ang mga fresh graduate?
Pauwi na kami sa bahay nang may tumawag kay Nyx. Tahimik lang akong nakinig sa pakikipag usap niya sa phone habang nag aabang kami ng bus na masasakyan pauwi.
“Raket? Saan ba ‘yan?” narinig kong tanong niya sa kausap.
“Legal na trabaho ba ‘yan? Hindi ako paghuhubarin dyan at pagsasayawin ng nakahubad ha?” muling sambit niya pa kaya kumukunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya. Mukhang trabaho ang inaalok kay Nyx kaya medyo excited ako para sa kanya.
“Brand ambassador? Anong gagawin? Yun lang? Mag-aassist lang ng mga guest sa car show?” muling usisa niya sa kausap.
Car show? Ano naman kaya ‘yon?
“Anong oras bukas?”
Napatingin ako sa kanya. Mukhang pasok na agad siya kahit na walang interview kaya parang gusto kong sumama!
“7-10:00 PM? Sige, tatawag na lang ako sayo kung pwede ako…”
Nang ibaba ni Nyx ang tawag ay sakto naman na may dumating na bus kaya sumakay muna kami bago ko siya inusisa tungkol sa magiging lakad niya bukas.
“Ah… yun ba? Raket lang ‘yon, Tam. Baka bigla akong hindi pasahurin ng Mama mo dahil mukhang wala na kayong pera,” sambit niya. Napasinghap ako at agad na nagpanic.
Hindi ko man lang naisip na baka dahil hindi na nagbibigay ng sustento si Papa sa amin ay kailangan ng magbawas ni Mama ng mga kasambahay. At dahil si Nyx ang pinaka sa tingin niya ay walang naitutulong sa bahay ay siguradong isa siya sa mga posibleng matanggal sa trabaho!
“Aalis ka na ba sa bahay kung wala nang ipapasahod si Mama sayo?” tanong ko. Parang maiiyak na ako kaagad hindi pa man niya sinasabi na aalis na siya.
“Gusto mo ba akong umalis?” tanong niya pabalik at tumaas ang kilay sa akin. Agad na umiling ako. Syempre ay ayaw kong umalis siya sa bahay pero kung wala nang ipapasahod si Mama sa kanya, paano naman ang gagawin ko?
“Malulungkot ako kapag umalis ka sa bahay, Nyx. Alam mo namang ikaw lang ang kakampi ko doon,” lungkot na lungkot na sambit ko. Ngayon pa lang ay parang hindi ko na alam ang gagawin kung aalis siya sa bahay. Masyado na akong nasanay na kasama siya parati kahit na inis na inis na si Mama dahil nagdala ako ng kasambahay na wala namang alam na gawain sa bahay.
“Tang inang kadramahan ‘yan,” natatawang sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi ako aalis sa bahay n’yo. Hindi kita iiwan doon. Kung aalis man ako isang araw, Tam, sisiguraduhin ko muna na nasa maayos kang kalagayan bago kita iwanan,” pagpapatuloy niya. Parang may kung anong bigat sa dibdib ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay aalis din siya isang araw at iiwanan din ako.
Napayuko ako at hindi nagsalita. Alam ko namang may sariling buhay si Nyx at hindi naman pwede na habambuhay ay sasamahan niya na lang ako. Sadyang masyado lang siguro akong naattached sa kanya kaya isipin ko pa lang na iiwanan niya ako ay parang hindi ko na kakayanin ang lungkot.
“Hoy! Anong drama naman ‘yan?” kantyaw niya at saka siniko ako. Umiling ako at saka nilingon siya.
“Wala naman akong magagawa kung gusto mo nang umalis sa bahay, Nyx. Wala rin naman akong trabaho kaya wala akong ipapasweldo sayo,” sambit ko at saka pinindot ang mga daliri ko. Narinig kong nagmura siya kaya muling nilingon ko.
“Hindi naman ako manghihingi ng sweldo sayo. Kaya nga ako raraket para may pera pa rin kahit na hindi na ako mapasweldo ng Mama mo,” sambit niya. Napasinghap ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
“Ibig sabihin ay hindi ka aalis sa bahay kahit na hindi ka na papaswelduhin ni Mama?” tanong ko. Tumango siya kaya napamaang ako. “Magtatrabaho ka ng libre sa bahay, gano’n ba?” paglilinaw ko. Tumango ulit siya.
“Ah… Nagtatrabaho pala ako sa bahay n’yo? Akala ko kasi ay namemerwisyo lang ako doon,” nakangising biro niya kaya hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano. Ngumisi siya ng nakakaloko at saka siniko ako.
“Gusto mo bang sumama sa raket ko bukas?” alok niya. Namilog ang mga mata ko at saka umayos ng upo.
“Pwede ba akong sumama?” tanong ko. Tumango siya.
“Oo naman! Ang sabi nga ng kasamahan ko ay kailangan pa nila ng lima kaya nga pinaghahanap pa ako ng makakasamang papasok,” paliwanag niya. Sunod-sunod na tumango ako.
“Go! Tara! Sama ako sayo sa raket!” bulalas ko. Tumango siya at saka nag approve sign sa akin.
Kahit na hindi ko alam kung ano ang trabaho na papasukan namin ni Nyx ay sumama ako sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan na magtrabaho kaya wala akong idea sa mga dapat na gawin.
“Magiging brand ambassador daw tayo sa isang car show,” sambit ni Nyx habang nasa kwarto kami at hinihintay na lang na umalis ng bahay si Mama. Halos sa casino na kasi siya tumira lalo na nitong mga nakaraang linggo kaya malaya kami ni Nyx na nakakaalis ng bahay.
“Brand ambassador? Ano bang gagawin natin?” usisa ko.
“Ang sabi ng kasamahan ko, tatayo lang daw sa gilid ng mga sasakyan at i-eentertain ang mga guests. Tuturuan naman daw tayo ng mga sasabihin sa mga bisita bago magsimula ang event kaya mamaya malalaman natin,” paliwanag niya. Tumango lang ako at excited na.
“Kailangang magsuot ng sexy doon, Tam,” dagdag pa ni Nyx kaya kumunot ang noo ko.
“Ha? Paanong sexy?” tanong ko.
“Maikling skirt tsaka mababa ang neckline na top,” sagot niya. “Kayang-kaya natin ‘yon. Mukha at katawan lang ang puhunan para sa one thousand five hundred na bayad at hindi pa kasama ang tip kung may magbibigay!” bulalas niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang iba pang sinabi niya pero dahil kasama ko naman siya doon ay hindi na ako nag isip pa ng kung anu-ano.
Nang umalis si Mama ay nakabihis na kami ni Nyx kaya agad na rin kaming umalis para magpunta kung saan gaganapin ang event. Pagdating sa venue ay agad akong namangha. Mamahalin ang napiling venue kaya in-expect ko na agad na mayayaman ang posibleng maging guest.
“BA kayo?”
Pagdating namin sa guard ay sinabi ni Nyx na pumunta kami doon para maging brand ambassador. Binigyan kami ng temporary ID bago pumasok sa loob.
“Wow, Nyx! Mukhang bigatin ang event na ‘to ah?” Hindi ko mapigilan na bulalas nang makita ang ilang model ng sasakyan na nakahilera.
“Syempre! Pipili ba naman ako ng pipitsuging raket? Syempre bukod sa trabaho ay kasama na rin dito ang pang huhunting ng mayaman at gwapong lalaki!” bulalas niya. Napangiwi ako agad nang mapatingin sa kanya.
Lalaki na naman! Adik yata itong si Nyx sa mga lalaki kahit na posibleng dahil sa mga ‘yon kaya siya nasiraan ng ulo at napasok sa asylum!
Maya-maya lang ay nasa isang kwarto na kami. Kung malamig na sa labas ay mas malamig pa sa loob kaya napahaplos pa ako sa braso ko.
“Mga BA kayo?” tanong ng isang staff na lumapit sa amin. Tumango si Nyx at ilang sandali pang kinausap ang staff na lumapit sa amin bago niya ako hinila sa grupo ng ilang babae na pare-parehong nag-aayos ng mga sarili.
“Puta ka, Nyx! Pinakaba mo ako! Akala ko hindi ka sisipot!” bulalas ng babaeng pabirong hinila ni Nyx ang buhok.
“Pwede ba naman ‘yon? Eh mukhang marami akong mahahanap na sugar daddy dito!” nakangising sagot ni Nyx.
“Tang ina ka! Yung pinakilala ko sayo nung nakaraan, kinukulit ako. Hindi ka man lang daw nahawakan!” Naiiling na bulalas ng babae. Tahimik na nakikinig lang ako sa usapan nila at patingin tingin. Mukhang kakilalang kakilala na ni Nyx ang babae at maganda rin pero halos pareho sila kung magsalita. Madalas ding magmura at marami ring sinasabi na hindi ko maintindihan kung ano.
“Bakit? Ineexpect niya bang magpapagalaw ako sa kanya? Sorry, pero mayaman lang siya pero hindi siya pasok sa standards ko. Alam mo namang gusto ko yung magbibigay sa akin ng siguradong magandang lahi kung sakali mang mabuntis ako,” sambit ni Nyx sa kausap.
Naeeskandalong napatingin ako sa kanya. Hindi pa umaabot sa isip ko ang pagkakaroon man lang ng boyfriend kaya paano pa kaya ang pagkakaroon ng anak?!
“Ay, gusto ko rin ‘yan! By the way, may ipapakita ako sayo mamaya. Crush na crush ko!” excited na bulalas ng kausap niya.
“Gwapo at mayaman?” usisa ni Nyx.
“Stock broker! Yayamanin at syempre gwapo! Pero hanggang tingin lang tayo kasi hindi ‘yon pumapatol sa mga katulad nating alipin ng salapi!” sagot ng babae.
“Matapobre?” tanong ni Nyx.
“Hindi naman siguro pero alam mo na. Hindi tayo ikakama no’n lalo na kung naka uniform tayo ng pang BA!” paliwanag ng babae. Ilang sandali pa silang nag usap bago bumaling sa akin ang kasama ni Nyx.
“The who?” tanong niya kay Nyx.
“Si Tam, kaibigan ko. Inosente ‘to kaya ingat ka baka madungisan ang isip,” natatawang paalala ni Nyx. Tumaas ang kilay ng babae sa akin.
“Kahit gaano ka pa ka-inosente, luluhod ka pa rin at mag bo-blow job kapag nainlove ka,” nakangising sambit ng babae. Kumunot ang noo ko at saka nagtatakang napatingin sa kanya.
“Blow job? Trabaho mo ba ‘yon?” usisa ko.
“Putang ina, ayan na naman…” mahinang mura ni Nyx pero ang atensyon ko ay nasa babaeng kausap niya na mukhang naweweirduhan habang nakatingin sa akin.
“Ha? Kapag may dyowa ako binoblow job ko,” sagot nito. Mas lalong kumunot ang noo ko.
“Paano mong ginagawa?” usisa ko.
“Ha?!” bulalas ng babaeng kausap ko.
Bago pa man maipaliwanag ng babae sa akin kung ano ang sinasabi niya ay nilapitan na kami ng staff na kausap ni Nyx kanina at inabutan ng damit.
“Magbihis na muna kayo at mag-ayos. I-oorient kayo ng mabilis mamaya,” utos ng babae kaya hinila na ako ni Nyx para magsimula na kaming magbihis.
****
Hello! Sa mga interested po mabasa ang full story nito, you can pùrchàse it through sòft còpy. Just fòllòw my offìcìal accòunt on Fàcèbòòk for the ùpdàtes regarding this. Thank you! 💖
Fàcèbòòk accòùnt: Pots Elizalde Montefalco