TAMARA
Ilang linggo pa ang lumipas pero wala pa rin kaming balita tungkol sa kakambal kong si Tamiko. Medyo iniiwasan ko na lang na isipin na napahamak siya. Pilit na siniksik ko sa isip na kaya siya lumayas ay dahil nakahanap siya ng mayaman na susustento sa mga luho niya.
Tumunog ang phone ko para sa isang bagong email. Namilog ang mga mata ko at halos mapatalon nang makita na nagreply sa email ko ang isang pinagpasahan ko ng resume!
“Ito na talaga! Yes! Sa wakas! Makakapag trabaho na rin ako!”
Hindi ko mapigilan ang emosyon ko namg mabasa na iniimbitahan ako para sa isang job interview. Medyo napalakas tuloy ang boses ko kaya agad na pumasok si Nyx dito sa kwarto at inusisa kung anong nangyayari sa akin.
“Nyx! Natanggap ako sa trabaho!” bulalas ko. Kumunot ang noo niya.
“Tanggap ka na agad? Walang interview?” usisa niya.
“Meron. Pupuntahan ko pa lang!” sagot ko. Napangiwi siya.
“Edi hindi ka pa tanggap sa trabaho! May job interview pa, Tam. At d'yan ka pa posibleng bumagsak, kaya ihanda mo ang sarili mo,” sambit niya. Napasinghap ako at agad na naisip na tama nga naman siya. Masyado lang akong nadala ng emosyon ko kaya feeling ko ay hired na agad ako.
“Tsaka bakit ka pa ba nagsayang ng oras na mag apply ng trabaho? Sa tingin mo ba ay papayagan kang lumabas ng Mama mo?” tanong niya. Tuluyang nawala ang excitement ko. May punto naman talaga siya. Siguradong hindi papayag si Mama kapag nalaman niya na balak kong mag apply ng trabaho.
Bumuntonghininga ako at saka laglag ang balikat na napatingin kay Nyx. “Paano na ‘to? Sasabihin ko ba na hindi ako makakarating sa interview?” Nanlulumo na tanong ko. Kumunot ang noo niya.
“Alam mo, Tam? Palagi ka na lang gumagawa ng ikakahirap ng kalooban mo. Masokista ka ba?” sermon niya. Kinagat ko ang ibabang labi at saka yumuko at tumitig sa mga paa ko.
“Gusto ko lang namang maranasan na mag apply ng trabaho kasi alam mo naman na hindi ko pa naranasan ‘yon dahil ayaw ni Mama,” mahinang sambit ko. Umungol si Nyx at saka nagmura.
“Tang inang buhay ‘to.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya
Nagkamot siya ng kilay.
“Ako yung walang maalala dito, Tam. Ako yung kakalabas lang sa mental hospital. Ako yung inabandona ng sariling pamilya. Ako yung kawawa sana dito! Pero bakit feeling ko ay mas nakakaawa ka pa kesa sa akin? Bakit?” tuloy-tuloy na sambit niya. Ngumuso ako at muling napayuko. Ilang sandali lang ay narinig ko na naman siyang bumuntonghininga at saka nagsalita.
“Gusto mo ba talagang maranasan na mag apply ng trabaho?” tanong niya. Excited na nag angat ako ng tingin sa kanya.
“Tutulungan mo ba akong makapasok ng trabaho?” namimilog ang mga mata na tanong ko.
“Tang inang babaeng ‘to. Nang iinsulto ka ba, Tam?” bulalas niya. “Ako nga hindi makapasok ng trabaho. Paano naman kitang matutulungan? Edi sana sarili ko muna ‘di ba?” sarkastikong sambit niya. Napasimangot ako.
“Sayang. Akala ko ay tutulungan mo ako. Umasa na ako—”
“Tang ina talaga,” muling mura niya. “Anong tingin mo sa akin, Tam? Fairy Godmother mo? Umamin ka nga! Si Cinderella ka ba noong past life mo?” bulalas niya pa.
Alam ko namang nagbibiro lang siya pero parang gusto ko na rin talagang isipin na si Cinderella na lang ako para may fairy godmother na palaging gumagabay sa akin.
“Sana nga si Cinderella na lang ako,” sambit ko.
“At sino naman ang prinsipeng inaasahan mong darating at iaahon kayo sa utang ng Mama mo? Si Atty. Revamonte?” tuloy-tuloy na bulalas niya. Kumunot ang noo ko.
“Bakit ko naman iisipin na magiging prinsipe na sasagip sa akin si Atty. Revamonte? Ayaw ko nga sa kanya ‘di ba?” sambit ko.
“Tama ‘yan, Tam. ‘Wag ka nang umasa kay Atty. Revamonte dahil sa akin na siya!” bulalas niya at saka hinawakan ang neckline ng suot na damit at saka yumuko at sinilip ang cleavage.
“Iniimagine ko na ngang ipa-tattoo yung batok niya dito sa dibdib ko para feeling ko araw-araw siyang dumedede sa akin!” bulalas niya. “Nom nom nom!” sambit niya pa na para bang sarap na sarap sa kung anong iniimagine.
Kumunot ang noo ko. “Ang tanda-tanda na ni Atty. Revamonte, Nyx! At bakit naman siya papayag na dumede sayo? Nasisiraan ka na naman ba ng ulo ha?” Hindi na nakapagpigil na sambit ko.
Kakaiba talaga siyang mag isip minsan kaya iniisip ko kung tama ba ang desisyon nila na palabasin na siya sa asylum o dapat ay manatili pa siya doon hanggang sa tuluyang gumaling.
“Aba, Tam! Kapag nakita ng Atty. Revamonte na ‘yan itong malusog na malusog na mga dibdib ko ay baka pangarapin niya na lang na maging sanggol ulit kahit kumpleto na ang mga ngipin niya!” bulalas niya. Napangiwi ako at hindi na naman maintindihan kung ano ang nasa imagination niya kaya binalik ko na lang ang usapan sa tungkol sa paghahanap ko ng trabaho.
“Anong oras ba?” tanong ni Nyx nang banggitin ko ulit ang tungkol sa job interview sa akin.
“10:00 AM daw bukas ay dapat nandoon na,” sagot ko.
“Ah! Pwede tayong tumakas niyan. Nasa casino na ang Mama mo kapag ganyang oras kaya pwede tayong umalis,” sambit niya.
“Ha? Pero paano yung guard? Hindi tayo papalabasin,” sambit ko. Umiling siya.
“Ako na ang bahala sa guard. Isang pasilip ko lang sa dibdib ko ay tikom na ang bibig non!” kampanteng bulalas niya.
“Ipapasilip mo ‘yang dibdib mo?” tanong ko. Tumango siya.
“Oo. Pakunswelo de bobo lang! Tutal ay hanggang silip lang naman siya. Hawak ko ang buhay niya dahil kilala ko kung sino ang asawa niya ‘no!” paliwanag niya.
Napamaang na lang ako kahit na sobrang nawiwirduhan ako minsan sa mga paraan ni Nyx para lang makuha ang gusto niya.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para magmanman kay Mama. Mukhang hindi pa maganda ang gising niya kaya pareho kami ni Nyx na napagbalingan ng init ng ulo.
“Anong klaseng umagahan ito?! Mukha ba akong kambing at puro dahon ang hinanda mong pagkain sa akin?!” iritadong reklamo ni Mama.
Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan kung paanong naging salad ang inihanda ni Nyx samantalang wala naman yatang vegetable salad na may ketchup. Ang alam ko ay mayonnaise ang nilalagay doon pero baka nagtitipid ang mga staff sa asylum kaya ketchup ang nilalagay sa vegetable salad sa halip na mayonnaise.
“At ano itong nilagay mong sauce sa vegetable salad huh?! Ketchup ba ‘to?! Sinong tonta ang maglalagay ng ketchup sa salad?! Ginagamit mo ba yang utak mo?!” mas mariing bulalas ni Mama.
“Eh, Ma’am… Platings lang naman po sana yang ketchup sa gilid. Malay ko po bang kakainin n'yo pala at ihahalo sa salad n'yo?” palusot ni Nyx. Nagmura si Mama at mas lalong uminit ang ulo kaya pasimpleng siniko ko siya.
“Sorry, Ma’am… Papalitan ko na lang po—”
“No need! Sa labas na lang ako kakain! Ubusin n'yong dalawa yan! Wala na ngang pera nagsasayang pa kayo ng gulay!” iritadong sermon niya pa bago nagdadabog na lumabas ng bahay.
Napasinghap ako at agad na nilingon si Nyx. “Oh ‘di ba? Effective ang pagpapagalit ko sa Mama mo. Alas otso pa lang ay umalis na agad siya dito sa bahay!” Ngiting-ngiti na sambit niya at saka niyaya na akong kumain.
“Kain na! Kapag sinabi nilang 10:00 AM ay dapat nandoon ka na, 9:00 AM pa lang nandoon ka na dapat. Isa yan sa mga test na pinagdaanan ko! Hindi ko alam na may mga kùpal din palang staff kahit sa mga disenteng kumpanya,” sambit niya.
“Anong kùpal?” tanong ko.
“Sira ang ulo, gago, tarantado, epal—”
“Sshhh!” agad na saway ko sa kanya. “Nasa harapan tayo ng pagkain. Don't talk when your mouth is full,” saway ko. Tumango naman siya at pinagdikit ang mga palad.
“Tama ka d'yan. Ungol ungol lang dapat kapag may nakasubo sa bibig,” sagot niya at saka umungol pa nang umungol kaya muling sinaway ko.
“Amen, St. Tamara. Have mercy on me,” papilosopong sambit niya pa kaya naiiling na ipagpatuloy ko na lang ang pagkain.
“Hihintayin na lang kita dito sa lobby,” bilin ni Nyx nang nakarating kami sa kumpanya na nag imbita sa akin para sa isang secretarial position.
Laurel Construction. Mahinang basa ko sa logo na nakalagay sa isang plaque sa ibabaw ng table.
Gumawi ang tingin ko sa isang mable desk name plate at binasa ang nakasulat na pangalan.
Kyler Laurel
Vice President
Tumaas ang kilay ko. Kanina ko pa iniisip kung babae o lalaki ang magiging Boss ko kung sakali. Ngayon ay sigurado na ako na lalaki dahil sa pangalan na nasa name plate.
Kabadong-kabado ako nang nasa loob na at naghihintay para sa mag iinterview.
Halos isang oras din akong naghintay doon bago dumating ang mag iinterview sa akin.
“Where is she?”
Pagkalabas ng babaeng kanina pa nag aassist sa akin ay may narinig akong boses ng lalaki na paparating. Umayos ako ng upo at hinintay ang pagpasok niya.
Ilang sandali lang ay may pumasok na ngang lalaki kaya agad na tumayo ako para bumati sa kanya.
“Good morning, Sir…”
Pero hindi siya nag abalang bumati sa akin. Sa halip ay agad na nagtanong.
“Why should I hire you?”
Pinanood ko siyang umupo sa table niya habang nag iisip ng isasagot.
“Because you are in need of staff?” alanganing sagot ko. Nag angat siya ng tingin sa akin. Ngayon ko pa lang natitigan na mabuti ang mukha niya.
Tipikal na gwapo at malakas ang dating. Kaya lang ay mukhang mainitin ang ulo dahil ang bilis magsalubong ng mga kilay.
“Is that your final answer?” tanong niya pabalik kaya muling nag isip ako ng isasagot sa tanong niya.
Why should he hire me? Because you are hiring? No! Hindi ka dapat mamilosopo, Tam!
“Ahm… You should hire me because—” sambit ko at saka muling sinalubong ang titig niya.
“Because?” Halatang naiinip na siya.
“Because I really think you need additional staff here. Hindi naman po kayo maghahanap ng empleyado kung hindi n'yo kailangan,” sagot ko. Muling nagsalubong ang mga kilay niya.
“How old are you?” mariing tanong niya.
“Nasa resume ko po. Hindi n'yo po ba tiningnan bago n'yo ako interviewhin?” balik tanong ko. Naglapat ang mga labi niya at binalingan ang resume ko na nasa ibabaw ng table niya. Padarag na pinulot niya at saka pinasadahan ng tingin.
“Are you sure you're just twenty years old?” halatang nagdududa na tanong niya. Pansin na pansin ko pa ang ginawa niyang paninitig sa buong katawan ko bago muling binalik ang tingin sa resume ko.
“Yes, Sir. May trust issues po ba kayo?” tanong ko. Muling nag angat siya ng tingin sa akin bago muling nagsalita.
“No. I was just checking if what you write here is all true,” pormal na sambit niya.
“Edi tamang duda nga po kayo,” bulong ko.
“What did you say?” tanong niya. Umiling ako.
“Nothing, Sir. Do you still have any questions?” tanong ko para ituloy na niya ang pag iinterview sa akin.
“You came here for a job interview so expect a lot of questions from me,” mariing sambit niya.
“Gaano po kaya karaming tanong pa ang itatanong n'yo sa akin?” Hindi ko na napigilang usisa. Muling nagsalubong ang mga kilay niya.
“I said, expect a lot. Nagmamadali ka ba?” tanong niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tumango at napamaang sa mukha niya.
“Wow. Paano n'yo po nalamang nagmamadali ako?” tanong ko. Napahilot siya sa sentido bago binalik ang tingin sa resume ko.
“You graduated months ago but you still haven't landed any job experience yet. What are you doing all this time?” tanong niya.
“Kailangan n'yo pa po bang itanong pati tungkol sa personal na buhay ko?” balik tanong ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mga tanong sa job interview. Muling naglapat ang mga labi niya at saka inis na binagsak ang resume ko sa table niya.
“Just go home if you don't want to answer what the interviewer is asking you,” mariin na mariin na sambit niya at saka tumayo na kaya napasinghap ako at nag panic.
“Sir, wait—”
Pero hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas kaya hinarangan ko ang daan.
“I need this job. Please consider hiring me,” diretsong pakiusap ko. Tumagilid ang ulo niya at saka tumaas ang kilay sa akin. Mas lalo ko lang tuloy naappreciate kung gaano katangos ang ilong niya at kung gaano kakapal ang mga kilay niya.
Lalaking lalaki. Sobrang gwapo.
“Well, I need another kind of job too. Can you give me that?” tanong niya. Kumunot ang noo ko.
“Job?” litong-lito na tanong ko. Hindi ba at siya dapat ang magbigay ng trabaho sa akin? Bakit sa akin siya nanghihingi?
“Yes,” sagot niya at saka yumuko at nilapit ang bibig sa gilid ng tenga ko. “A blow job…” bulong niya.
Kumunot ang noo ko at ilang sandaling napatitig sa kanya bago nakapag react. Nakangisi siya habang marahang kinakagat kagat ang ibabang labi.
“Ano pong hihipan ko, Sir?” tanong ko.
Unti-unting napawi ang ngisi sa mga labi niya at saka kumunot ang noo.
“Pati po ba pag-ihip ay kailangan n'yong ipagawa sa magiging secretary n'yo?” muling tanong ko pa. Parang hindi ko yata napaghandaan na magkaroon ng ganito katamad na Boss!
“What the hell are you saying?” kunot na kunot ang noo na tanong niya. “I mean, a blòw job. I didn't ask you to literally blow—fùck! Why am I even explaining this to you? Are you dumb?” bulalas niya.
Aba’t? Ako pa talaga ang tanga ngayon? Siya itong tamad at pati pag ihip ay gusto pang idagdag sa trabaho ng secretary niya!
“I don't think blowing something for you is still part of your secretary's job. Baka po personal alalay ang kailangan mo, Sir?” sambit ko at saka diretsong tinitigan siya.
“Anyway, tatawag na lang po ako kung kailangan ko pa ang trabaho o hindi na. Feeling ko ay overqualified ako sa position na hinahanap n'yo!” dagdag ko pa bago tuluyang nagpaalam.
Anong klaseng kumpanya ba ito? Akala ko ba maganda at malaking kumpanya tong Laurel Construction? Mukhang hindi naman fair ang treatment sa mga empleyado!
“Tapos ka na agad interviewhin, Tam?” usisa kaagad ni Nyx nang nasa lobby na ako.
Napaismid agad ako. “Umuwi na tayo. Mukhang kùpal ang Boss dito!” paliwanag ko na ginaya ang term na sinabi niya sa akin kagabi.