Chapter 1

1830 Words
TAMARA “Anong balita sa social media ni Tamiko? May update na ba siya?” muling tanong ko kay Nyx. Habang palapit nang palapit ang araw nang pagpunta dito sa bahay ni Atty. Revamonte ay wala akong ginawa kung hindi ang makibalita kung nagparamdam na ba ang kakambal ko sa social media. Knowing my twin, hindi siya mabubuhay na walang social media. Tila ba kabawasan sa pagkatao ni Tamiko ang hindi pag update sa social media account niya ng mga ginagawa niya sa araw-araw. Kaya doon ko talaga siya pinaka inaabangan. Ang kaso lang ay kinuha ni Mama ang cellphone ko at nilimitahan pa akong lumabas ng bahay dahil iniisip siguro niya na balak ko rin siyang takasan dahil sa ginawa kong pagsuway sa kanya noong nakaraan na nagtalo kami. “Wala pa. Sigurado ka ba talagang lumayas ang kakambal mo, Tam?” usisa ni Nyx kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Pwede naman kasing maging dahilan nang pagkawala ni Tamiko ay dahil may masamang nangyari sa kanya. Porket hindi lang umuwi ay naglayas na kaagad? Ano sa tingin mo?” tuloy-tuloy na sambit niya. Agad na napatayo ako sa kama at napatingin sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko naisip na posibleng may nangyari nga sa kakambal ko kaya siya hindi umuuwi dito. Ang nasa isip ko lang ay lumayas si Tamiko dahil hindi na kaya ni Mama na masustentuhan ang mga luho nilang dalawa. “P-pero kung may masamang nangyari sa kanya, dapat ay may nag balita na dito ‘di ba? Wala namang nakakarating na balita kay Mama kaya wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya,” sambit ko kahit na hindi rin ako sigurado na nasa maayos na kalagayan nga ang kakambal ko. Dahil sa mga sinabi ni Nyx ay bigla akong kinilabutan. Mas gugustuhin ko pa na lumayas siya dahil ayaw na niya dito kesa sa hindi siya umuuwi dahil may masamang nangyari sa kanya! Pagkatapos naming mag usap ni Nyx ay tumayo na ako. Kagabi ay sinikap kong gumawa ng resume at saka sumubok na mag send ng job application online dahil hindi naman ako makaalis para personal na puntahan ang mga kumpanya na gusto kong pasukan. Ilang buwan na akong graduate sa kursong Bachelor of Science in Office Administration pero hindi pa ako nagkaroon man lang ng experience. Pagkatapos naming gumraduate ng kakambal kong si Tamiko ay puro na lang pag attend sa kung saan-saang event ang pinagtuunan namin ng pansin dahil gusto ni Mama na mag focus kaming dalawa sa pakikipag socialise sa mga mayayamang kaibigan at kakilala niya. Kabilaan ang mga party na inaattendan namin at halos linggo linggo ay umaalis kami ng bansa para mamasyal at magwaldas ng pera. Mabuti na lang at hindi ko sinanay ang sarili ko sa ganung klase ng buhay. Ngayon na tumigil na si Papa sa pag sustento sa amin ay mukhang malabo na kaming makabalik sa buhay na iminulat sa amin ni Mama. At kung meron man akong pinagsisisihan ay iyong pati sa mga gawaing bahay ay hindi niya kami tinuruan. Sinanay niya kami na palaging dapat ay ibang tao ang mga gumagawa ng gawaing bahay para sa amin. Sinanay niya kami na palaging may taga silbi sa buhay kaya baka doon ako pinaka mahirapan ngayon. “Sa tingin mo, Nyx? Anong klaseng tao kaya si Atty. Revamonte?” Palapit na nang palapit ang muling pagpunta ng abogado na gusto ni Mama na akitin ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan at ma-curious tungkol sa kanya. “Alam mo ba kung anong pangalan ng kumpanya na pinagsanlaan ng Mama mo nitong bahay n’yo?” usisa niya. Tumango agad ako. Syempre ay alam ko dahil nakikita ko ang mga notice na pinapadala dito sa bahay. “Romualdez and Co. Estates,” sagot ko. Nilabas niya ang cellphone niya at saka nagpipindot doon bago muling nagtanong sa akin. “Anong pangalan na nga ulit nung abogado na aakitin mo?” usisa niya pa. “Atty. Priam Revamonte,” sagot ko. Nakita kong natigilan siya kaya kumunot ang noo ko. “Bakit? Narinig mo na ang pangalan niya dati?” usisa ko kay Nyx. Umiling siya. “Hindi ko alam. May mga bagay pa akong hindi matandaan sa nakaraan ko kaya hindi ko sigurado kung narinig ko na ‘yang pangalan na ‘yan dati,” paliwanag niya. Bago kami naging malapit sa isa’t-isa ni Nyx ay inamin niya sa akin na bukod sa pangalan niya ay wala na siyang iba pang matandaan sa nakaraan niya. Ni hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatili sa asylum at inabandona ng sariling pamilya dahil sa naging kalagayan niya. Kapag tinatanong ko siya kung ano kaya sa tingin niya ang posibleng dahilan kaya siya nabaliw ay nagbibiro siya at sinasagot na baka dahil daw sa pag-ibig. Feeling daw niya ay marupok siya sa mga lalaki kaya baka iyon ang dahilan kaya siya nasiraan ng ulo at napasok sa asylum. Bumuntonghininga ako at saka nagpasya nang matulog pero si Nyx ay ayaw pa ring tumigil sa pakikipag kwentuhan. “Ito na. Nahanap ko na sa social media yung abogadong aakitin mo,” sambit niya. Napabalikwas ako ng higa at saka hinarap siya. “Talaga? Anong itsura? Mukha naman bang mabait?” sunod-sunod na usisa ko. Pinakita niya sa akin ang picture. Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga nakikita ang lalaking ‘yon kaya ang naiimagine ko ay matanda na at mukhang kagalang galang dahil nga abogado. “Hindi naman mukhang mabait ‘yan, Tam. Pero mukhang masarap,” komento niya kaya napatingin ako sa kanya. “Paanong masarap? Tao ‘yan, Nyx. Hindi naman pagkain kaya bakit ginagamitan mo ng ganyang salita?” kunot ang noo na usisa ko. Ngumisi siya ng nakakaloko. “Ibig sabihin ng mukhang masarap sa tao ay mukhang magaling sa lahat ng bagay,” paliwanag niya. “Gaya ng?” patuloy na usisa ko. “Magaling humalik, magaling sa kama, magaling magpa ungol ng babae. Total package kaya masarap,” paliwanag niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pwera doon sa magaling humalik. “Kung anu-ano na namang iniisip mo dyan, Nyx! Alalahanin mo na baka totoong dahil sa lalaki kaya ka napasok sa mental! Kaya dapat umiwas ka sa mga lalaki na ‘yan!” naiiling na pangaral ko. “Alam mo, Tam? Kahit anong iwas ko kung lalaki mismo ang lalapit sa akin, paano naman akong makakaiwas? Tsaka parang miss ko nang makipag sēx. Alam mo ‘yon? Wala akong maalala na nakipag sēx na ako dati pero feeling ko talaga hindi na ‘ko virgin,” sambit niya at saka tinuro pa ang gitna ng mga hita. “Biglang kumibot si little Nyx at nabasa nung nakita ko ‘yang picture ng gwapong abogado eh. Parang may na-miss bigla si little Nyx,” pagpapatuloy niya pa! Napangiwi ako at saka kinuha sa kanya ang phone para tingnan ang itsura ng abogado na aakitin ko. Napasinghap ako nang makita ang picture na gamit niya sa social media. Totoo ang sinabi ni Nyx na gwapo ang abogado pero sa halip na ma-excite ako ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib at agad na binalik kay Nyx ang phone niya. Bumangon pa ako at napahawak sa dibdib. “Bakit? Anong nangyari sayo?” usisa ni Nyx at bumangon na rin. “Nyx, parang hindi ko kayang akitin ‘yan,” pag-amin ko. Picture niya pa lang ang nakita ko pero parang nanginginig na ako sa kaba. Kaya paano ko pa siyang aakitin kung ngayon pa lang ay kabang-kaba na ako kahit na hindi ko pa siya nakakaharap? “Kaya mo ‘yan, Tam. Ano ka ba? Gusto mong turuan kita?” alok niya pa pero mas lalo akong umiling at saka kabadong hinawakan ang mga kamay niya. “Hindi ko kaya, Nyx. Hindi ko kaya! Anong gagawin ‘ko? Lagot ako kay Mama!” nagpapanic na bulalas ko. Pabalik balik sa isip ko ang itsura ng abogado. Seryosong seryoso ang mga mata niya kaya alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga siya kayang harapin. “Paano na ‘yan?” tanong niya. Umiling ako at saka pinisil ang mga palad niya. “Hindi ko alam, Nyx. Tulungan mo ako. Hindi ko kayang akitin si Atty. Revamonte. Hindi ko talaga kaya,” umiiling na sambit ko habang nakatingin sa kanya. “Gusto mo ako na lang ang umakit dyan?” alok niya. Natigilan ako at saka napatitig sa mukha niya. “Paano mo namang gagawin–” “Hindi naman alam ng abogado na ‘yan kung anong itsura mo ‘di ba?” tanong niya. Tumango ako. Kahit kailan ay hindi ko pa nakaharap ang abogado na ‘yon kaya imposibleng makilala niya ako. “Okay, sige. Ganito na lang,” sambit ni Nyx kaya napatitig ako sa kanya. “Ako na lang ang haharap sa kanya at magpapanggap na ikaw,” pagpapatuloy niya. Kabadong napatingin ako sa kanya. “Pwede kaya ‘yon? Baka malaman ni Mama–” “Hindi malalaman ng Mama mo. Ako ang bahala,” sambit niya kaya huminga ako ng malalim at saka tumango. “Hindi naman tayo mahuhuli ni Mama ‘di ba?” alanganin pa rin na tanong ko. Tumango siya. “Hindi ‘yan! Ako pa?!” bulalas niya at saka confident na tumingin sa akin at ngumisi. Nang ibalik niya ang tingin sa phone niya ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Sabihin mo agad sa akin kapag malapit nang dumating ‘tong gwapong abogado para makapag shave ako,” sambit niya. “Shave?” kunot ang noong tanong ko. “Oo.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Anong aahitin mo?” curious na usisa ko. “Si little Nyx,” sagot niya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil alam kong ang nasa gitna ng mga hita niya ang tinatawag niya na little Nyx. “Bakit kailangan mong ahitin?” nalilito pa rin na tanong ko. “Malay mo, fingerin ako ni Atty. Revamonte! Magiging sagabal sa daliri niya kung mabuhok si little Nyx,” sagot niya at saka ngumisi sa akin. “Anong fingerin?” usisa ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. “Putang ina, Tam…” mura niya at saka tumingin sa akin. “Ngayon lang ako na-stress sa pakikipag usap sa kapwa ko babae. Doon sa asylum, nagkakaintindihan kaming lahat. Pasok ka kaya minsan doon para may matutunan ka?” sambit niya at saka naiiling na binuka ang mga hita at tinapat pa ang phone sa gitna. “Kita mo ‘yan, Atty.? Matambok ‘yan sa personal. Tingnan ko lang kung hindi ka maakit sa alindog namin ng little Nyx ko!” sambit niya pa habang tila kinakausap ang phone kaya napangiwi ako at hindi na siya pinansin. Ganito pala ang feeling na may makausap na galing sa asylum!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD