
Showbiz.
Netizens.
Bashers.
And
The Toxic Socmed.
Normal.
Normal pa ang buhay ko noon.
"Idol! Pa-picture!"
"Pa-autograph!"
"Fan na fan nyo po ako!"
Ganyan ako kasikat sa mundo ng pag-aartista. Lahat ng tao, iniidolo ako.
Nagbago na lang ang lahat dahil sa...
"Feeling pa-victim!"
"Yan ba yung feeling sikat? HAHAHA!"
"Wag nyo siya i-bash. I-bash nyo lang siya ng i-bash. HAHAHA!"
Yan lang naman nababasa kong komento ng mga netizen sa social media.
Habang tumatagal, nagiging toxic na ang tao.
"Anong issue na naman ba pinasok mo?! Ikaw mismo sumisira sa pangalan mo!" Galit na bulyaw sa akin ng manager ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam na bibigyan nila iyon ng kahulugan." Paliwanag ko sa sarili ko.
Nade-depress ako.
Nakatanggap naman ako ng sampal mula sa magulang ko.
"Sinira mo ang pangalan ko sa buong mundo!" Sumbat ng papa ko sa akin.
Tumulo na lamang ang luha sa mga mata ko habang sapo ang pisngi kong sinampal ni Papa.
"Ganun ba talaga ang mundo? Gusto nila makita kang lumuhod sa harap ng camera at ipakita sa lahat na lugmok na lugmok ka? Iyon ba ikakasaya nila?" Naiiyak na sabi ko.
Habang tumatagal rin, mas lalong pinagkakapiyestahan ng lahat kung ano man dumarating na issue sa aming mga artista na hindi naman nila alam ang katotohanan o puno't-dulo ng lahat.
Dahil sa socmed, nasira ako....nasira ang pagkatao ko.
Coming soon...

