The Flash Wife
"What is this, Dad?" Out of frustration ay ibinalibag ko ang pintuan, Hawak ko ang papel na nagpapakibot ng sintido ko sa galit. Heto na naman ang problema na dumagok sa buong buhay ko. But today, this is horrible.
Fixed Marriage, buhay ka pa palang bagay ka? Napahinto ang ama ko sa pagbabasa nang dire-diretso akong pumasok sa opisina nito dito sa bahay namin.
"Kevin, you're giving me a heart attack. Don't you know how to knock?" sa gulat ay nainis ko ang ama ko na busy sa pagbabasa sa dyaryo. Actually naglalaro lang yan ng sudoku just to kill time.
"This one, ano to at andito ang pangalan ko? Is this kind of a prank to you? Hindi ako natutuwa."
"Ano ba Marriage Certificate as you can see Kev. Do I have to read that for you?" sarkastikong sagot ng ama ko at tumutok ulit ito sa dyaryo. Kahit matanda na ang ama ko ay mahilig pa rin itong maglaro ng Sudoku sa dyaryo na inaabangan nito. "That stubborn mother is amazingly great, I still can't believe her being like that.. Ang bilis talaga ni mama kumilos, iniinis mo na siguro ang pasensya niya. Look Kevin,si mama lang ang nagpasimuno diyan.Ask that to her later." He said on his boring tone.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin at ginawa niyo akong tanga! Dad naman, anak niyo ba ako? Can't you just leave my life alone?"
"Wala nga sabi akong alam dyan. kahapon ko pa lang din nalalaman ang pinaggagawa niya, hindi ka naman umuwi kagabi di sanay nalaman mo na. May magagawa ba ako?. sabi na kailangan na ng lola mo makakita ng legal na apo mula sayo since wala kang ginawa, so she made that mess. You can't escape from her manipulating attitude young man. I've been there kaya kami nagkakilala ng mommy mo. If you just listen to her, hindi siya ang kikilos. She hired someone to give birth to your child and she paid her million. After she will give birth ay tahimik itong aalis ng bansa. Tama rin naman si mama, aba'y tumatanda na kami pero wala pa kaming nahahawakang apo. At your age, mag-dadalawang taon ka na sa mundo, buti nga at umabot ka pa ng trainta at malaya ka pa. GIve us a grandchild, since she paid her to be a surrogate wife." mahabang Paliwanag ng ama ko at nagpatuloy ulit ito sa pagbabasa pero nagpanting ang taenga ko sa sinasabi niya.
"Wait--what? NAg-hire siya ng surrogate mother? Ano ako bakla? Bakla at hindi marunong gumawa ng bata sa iba? Why not my women, mas magaganda pa sa babaeng napili nito for sure magaganda ang lahi namin. This is insane! Hindi ko to pepermahan!"
Kumuyom ang kamao ko dahil sa tinding pagpipigil, kung hindi ko lang sila magulang ay malamang na binugbog ko na silang lahat dahil ginawa nila akong katawa-tawang tao sa pamilyang ito.
Ipinakasal nila ako sa isang babaeng kailanman ay hindi ko nakita. Ni hindi man lang kami nag-date? Ano to drama sa Korea na set up marriage kapag kailangan ng apo ay maghahanap sila ng mahirap pero deserving na babae at kapag nakita ang babae ay magka love at first sight at magka.developan kaagad ng feelings, count me off dahil hindi ako ganun. Pero hindi lang kasal ang balita nito kundi pilitin akong magkaroon ng tagapagmana. Nasisiraan na ba sila ng ulo?Yan na ba ang napapala niya sa pagiging adik niya sa mga KDramas na yan? Jusko!
"Kevin, listen boy, you know your lola too well. Sa sobrang excited nito ay pumili na talaga si Mama. Well she's not bad, I assure you, magugustuhan mo din siya just a little make over... I used to be like you before but I never regretted that she introduced me to your mom. Magugustuhan mo, we met her yesterday and I can say na magugustuhan mo din siya she's young and beautiful, baka nga ayaw mo ng pakawalan. . I don't know their story but she cornered Minerva something like that. Prepare yourself for dinner at isasama na ni Mama ang asawa mo pag-uwi niya.Calm down and relax yourself."
At ang kapal pa talaga nilang sabihin na asawa ko. Bakit ako ba ang nagpakasal? Humanda ka talaga sa akin matanda ka. Kung hindi magtatanda ay hindi magkaisip ng ganyan?
Ha!!!!
Baby maker??? A surrogate one??
"I f*****g hate you all, asawa my ass. Why not call her baby maker or slut? There is no way I will call her my damn wife. This idea is bullshit! Bakit ang mga kaibigan ko malaya sila sa buhay nila at hindi inaagrabyado ng pamilya nila?"
"You still need to or else sa kangkongan ka pupulutin. Gusto mo bang mawalan ka ng mana? Sa magiging anak mo na apo namin ipapasa ang kayamanan ng lola mo at hindi nagbibiro ang isang Minda Montero baka nakalimutan mo, stop the rebellion kung may plano ka pa sa buhay."
Inis na iniwan ko ang ama ko sa opisina nito at dumiretso na ako sa kwarto ko. Kahit kailan talaga ay hindi nila pinaramdam sa akin ang magkaroon ng malayang desisyon sa buhay. Maging ang pagdo-doctor ay ipinilit sa akin dahil lahing doctor sila. Masama bang maging piloto? Yun ang gusto ko pero binara yun ng lola ko dahil dilikado daw ang buhay ng aeronautics at heto na naman ang problemang to, magda-drama na naman ang matandang yun.
Kahapon,
pagkatapos ng 12 hours na operasyon ay pagod akong bumalik sa opisina ko at dumiretso na sa munting silid ko at kaagad nagpahinga, mahaba-haba rin ang tulog ko kaya pagkagising ko ay gabi na hindi ko napansin ang bagay sa working table, lumabas muna ako para puntahan si lola. Papunta pa lang ako ng office nito nang nakabangga ko ang isang pasyente sa may elevator.
"Sorry po. Sorry po." Yukong sabi nito.
"It's okay." Sabi ko at tinalikuran siya. Pero hindi pa ako nakapihit sa doorknob ay tumawag si Hector thru VC kaya bumalik ulit ako sa may elevator at lumabas para kakain muna ng hapunan.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso akong Scenario at nagsaya kasama ang mga kaibigan ko at mga magagandang babae. This is the very best of my life...until I ended up in a hotel room with a messy haired woman in my arms ang nagisnan ko kinabukasan. Dali-dali akong nagbihis at iniwanan ang babae na tulog mantika sa kama. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho kaya dumaan muna ako sa bahay para maligo. As usual hindi na bago sa pamilya ko na hindi kami nagkaka-abutan dito.
Pagkatapos ay dumiretso ako kaagad sa hospital.
"Doc, nasa table niyo na po ang history ni Joy." Sabi sa akin ng assistant nurse ko. Hindi ko na siya sinagot. As usual roving muna hanggang sa may scheduled check-up and operation na naman today. Ganito ang buhay ko. Hindi ko mahindian ang tumulong.
Pasado alas kwatro na nang hapon nang nakabalik ako sa tanggapan ko. may isang brown envelope na sa mesa ko kaya dali-dali ko itong binuksan at isang larawan ng babae pero hindi yun ang nagpapahatak ng atensyon ko kundi sa isang papel. Kagagaling ko pa sa trabaho at umuwi talaga ako ng maaga dahil lang sa papel na ito na dumating kanina sa ospital. Who else can do this to me? Naiinis ako sa abuela ko na mahilig manipula sa buhay ko, she's the mastermind after all.
"Kailan pa to sa table ko?" tanong ko sa assistant nurse ko at ipinakita sa kanya ang brown envelope.
"ah kagabi pa lamang po." sagot nito.
I just turned 30 for Pete's sake at wala pa sa isip ko ang mag-asawa ang magkaroon pa kaya ng anak, ano bang nasa isip nilang lahat?
Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang galit. Gusto kong maging malaya at walang inaalala tulad ng ibang lalaki pero bakit nila ako ginaganito? Ang magkaroon ng asawa pa kaya? Paano ko matatanggap yan?
Narinig ko ang ugong ng sasakyan at alam kong ang magaling kong lola ang dumating kaya hindi na ako nagbihis dahil sinalubong ko na sila nang pumasok sila sa loob. KAsunod ang isang babaeng payatin pero maputla. Baka bagong hired assistant lang nito. Maliit lang ang mukha pero hindi kagaya niya ang gusto ko.. Gusto ko ng sexy, sophisticated at may pinag-aralan.
Daredevil.
"Hijo, you're home. Look who's here. Minerva, this is our Kevin, your husband" Masiglang bungad ng lola ko na animo'y nanalo ng lotto sa kanto.
"La, ano to? At sino siya? Siya ba ang hired baby maker mo? At ikaw babae anong mapapala mo kung susunud-sunod ka sa lola ko? Ha? Yaman?" Duro ko sa babae na nakayuko lang. Gusto kong mag.collapse sa sobrang inis na dinanas ko ngayon kung bakit naiipit ako ngayon.Tinitigan ko siya na nasa likuran nito na sinasabi nitong 'asawa ko' at aaminin ko na hindi rin maganda ayos nito, her skin looks so dry and rough. Wala bang lotion sa bahay nito? Hindi ba ito kumakain at ang liit ng katawan niya?, ang damit nito na para bang galing talaga ito sa mahirap kaya lalong sumibol ang galit ko ngayon. I was expecting a very beautiful woman, maaarte at clingy. Sobrang layo niya sa mga babae ko! This old woman is doing her dirty job...again.
"Shut up Kevin. Maupo ka at makinig. Wag kang magsalita ng ganyan sa kanya. This time, I will take the wheel. Kailan ka ba huling nagseryoso? Ilang taon kong sinasabi sayo noon na mag-asawa ka na para magkaroon ka na ng anak? It's been years pero nakinig ka ba? Panay ang liwaliw mo. And yes, she is your wife Kevin kaya respetuhin mo siya, she's not just your wife but the bearer of my great-grandchildren." Kung matapang ang ina ko ay hindi mo mae.deny na matapang talaga ang lola ko pero nagagalit ako ngayon.
"No she is your wife, lola. Ikaw lang naman ang may gawa nitong letcheng Marriage certificate. Ayokong mag-asawa pero inipit mo ako. Do you think I will respect this woman? Of course not! Ni hindi mo ako tinanong kung okay ba sa akin? You don't even respect my privacy."
Naupo si lola sa upuan at hinilot ang sintido nito. High blood ang lola ko at ayoko namang ako ang dahilan kong mapaano siya. Inis na tinapunan ko ng tingin ang babae na nakayuko lang. Patpatin ito at hindi maikailang galing talaga sa mahirap. Hindi ako matapobre pero sa sitwasyon ngayon ay gusto ko siyang sakalin sa sobrang inis ko at paalisin sa bahay ora mismo.
"You're going to kill me, Kevin Joon."
"Greadgrandchildren, yan ba talaga ang gusto mo para ipitin mo akong lalo? Fine. Let's make a deal lola. Bubuntisin ko siya kaagad. Parang humihingi ka lang ng tuta ah. Pagkatapos niyang manganak, ipangako mong e-annul ang kasal namin. Ayokong mag-asawa utang na loob especially with that stranger and you, woman, you better listen to me dahil hindi ako nadadala sa awa." Napasuklay ako sa buhok ko sa sobrang gigil. Sino ba namang tao ang matutuwa na mabulaga na may Baby Maker Wife na kaagad. Desperada lang ang may gawa niyan and that's Luzviminda Montero alone. The freak grandmother.
"Yan na ang napagkasunduan namin ni Minerva na hindi siya manggugulo pagkatapos niyang manganak. Lubog sila sa utang at nakakulong ang sakitin niyang ama. At wala na silang tirahan ng kapatid niya dahil binawi na ang bahay nila.. And to her father I bailed him out, I bought a house for them and I supply groceries every month. MAliit na bagay lang yan. kapalit sa hinihiling ko sayo noon pa pero hanggang ngayon ay wala pa. Why can't you just listen to my plea and give me a kid." Mahinahong sagot naman ni lola.
"It's not an easy task. I don't like to get married yet. Can't you see na nag-eenjoy pa ako just like my friends? Where's my freedom? Bakit yung mga barkada ko may sarili na silang buhay? The leave alone pero ako? Para akong babae na mahigpit ang gwardya at hindi na yun nakakatawa. Don't you know that?"
Tinignan ko ulit ang babae at kahit papaano ay may kunting awa naman akong nararamdaman sa kanya pero napakadelikado ng pinasukan nito. She's falling into her schemes.
"Naiinis pa rin ako sayo. Surrogate wife...hindi ko yan kayang matanggap. Hindi ko pepermahan ang marriage certificate na to." Sabi ko sa lola ko dahil talagang naiinis ako sa kanya. Ang tanda na niya pero mas matindi pa rin siya sa akin. Mas marami siyang koneksyon na wala ako. At lahat ng yaman niya ay ibibigay sa mga foundation kapag hindi ko siya bibigyan ng isa pang apo. Gayong apo niya ako. Gusto niya talaga ng apo sa tuhod.
"Better hurry."
"Why? Is she healthy? Are you sure na hindi siya easy to get bago mo natulungan? You said, mahirap siya, are you sure na hindi siya bayaran? " wala akong paki kung nasaktan ko ang babae na to.
"Paano naman ako? Mabuti pa siya makaka-benefits sa ano mang meron ako. Maambunan siya sa yaman at kapangyarihan ko. E ako? Anong mapapala ko sa kanya? Bata? Kailangan ko ba ng bata ngayon?" Lihim itong umiyak sa tabi at lalo na namang kumulo ang dugo ko kaya sampal ang naabot ko sa abuela ko.
"lock that filthy mouth of yours. Of course, I took a test on her and she's qualified to carry your child. Unlike your women na kani-kanino pumapatong basta may pera. Minerva, magpapahinga ka na hija. Alam kong pagod ka. Kevin Go ihatid mo siya sa kwarto niya."
"What's the difference with her? My girlfriends are way better than her. What a boring wife I've got eh. Seriously, I got second handed wife."
"Shut up. Wag mo akong sawayin dahil kapag hindi kayo magkaanak kaagad this year ay wala ka ni isang kusing na makuhang pamana sa akin. Now, samahan mo si Minerva at mag-usap kayo."
Naiinis man ay sinunod ko ang lola kong siga lahat na lang nadadaan niya sa dahas at ako tuloy ang naiipit.
"Ako dapat ang pipili sa magiging asawa ko. Hindi yang nasa tabi-tabi at higit sa lahat yung virgin. Ako ang pinaka proud na asawa kung ako ang una. You w***e, follow me."
Malamig na utos ko sa babae. May sinabi pa si Lola at wala akong pakialam sa kanila. NAiinis ako sa kanila dahil ginaganito ako.
Apo pala ha, then let's start making that baby they keep blurting out.
2 days earlier
Minerva's POV
Gusto kong maiyak ng todo dahil sa sitwasyon ko ngayon. Halos gumagapang na kami sa kahirapan. Meron pang dinadalhan na kami ng summone dahil hindi kami nakapagbayad ng utang namin na kaliwa't kanan at si tatay na sakitin ang kapalit na ipakulong... Kami ni Van ang naiwan na magbayad sa iba pa naming utang noong nabubuhay pa ang nanay namin na kaliwa't kanan pala ang ginagawang utang noon. At ngayon ay nasa tabi lang kami ng kalsada naninirahan ni Van dahil binawi na ng gobyerno ang lupang tinitirhan namin.
Malakas ang ulan at wala akong maipainom na gamot kay Van na nagdedeliryo na sa sakit. Kaya pumara ako ng sasakyan at nagmamakaawang dalhin ang kapatid ko sa ospital at ang nakatulong sa akin ay si Dra. Grasya Montero na kasama ang isang matanda na dati ring Doctora na si Dra. Luzviminda Montero. Ito ang may ari ng hospital na pinadalhan ni Van base sa naririnig kung usapan nilang dalawa sa kotse.
Pagdating sa ospital ay kaagad na inaasikaso si Van, nang nakakasiguro na ako na ligtas na si Van ay sumama ako kina doktora sa opisina nito sa hospital na hindi inaasahan ang balita na ikinasabog ng buong pagkatao ko. Apat kaming nasa loob ng tanggapan-ako, si Doctora Grasya, Doctora Minda at ang kanilang abogado.
"Tutulongan ko ang ama mo na makalabas at mababayaran ang hospital bills ng kapatid mo, maging ang gamot nila at pampa-aral. Gusto mo ba yun?" Offer sa akin ni doctora at nagliwanag kaagad ang mga mata ko sa sobrang saya kaya mabilis akong tumango. Sino bang hindi matutuwa kung may isang tao na handang tumulong sa amin?
"Kahit anong kapalit po doktora. Kahit magtrabaho po ako sa inyu na walang sahod, ok lang po sa akin.." Mabilis kong sabi.
"ayokong isipin na pinagsamantalahan ko ang kalagayan mo ngayon, bit I guess I lead it to that way Minerva pero may kailangan din ako na ikaw lang ang pwedeng makapagbigay sa akin..."
"Ano po yun ma'am. Sabihin niyo lang po at gagawin ko sa abot ng aking makakaya."
"Great. Well, kaya mo bang bigyan mo ako ng apo."
"Ha?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni doktora.
"Mamà"
"Pakasalan mo ang apo ko at bigyan mo ako ng apo. It's a win-win hija. Bigyan mo ako ng apo, kapalit ng kalayaan ng ama mo at mapagamot ang kapatid mo. Bibigyan ko siya ng matinong panghanapbuhay at pabahay. Makakapag-aral na rin ang kapatid mo."
Para akong tinakasan ng sarili kong dugo sa sinasabi ni doktora. Anong kasal? Apo??
"Mama! Hindi sa hindi ako okay sa plano mo but.. You're going overboard. You have to discuss this thing with Kevin first.. andito lang siya sa hospital, why won't we console this to him first at bayaan mo muna mag-isip si Minerva" Sagot ni Doctora Grasya..
"Hindi yun makikinig. Hindi ko alam kung saan nagmana ang katigasan ng batang yun. Pinalaki mo ba siya ng maayos, Grasya?" Hindi makasagot si Doc Grasya sa tanong ni Doc Minda.
"Wag kang mag.alala hija, akong bahala sa lahat if you Let my attorney handle smoothly, I swear hindi ka namin pababayaan. Payag ka ba? "
Hindi ko siya masagot, nanlalamig ako na parang ewan. Hindi ko mahagilap ang tuwa sa sinasabi niya sa akin.. Napakalaking kahilingan yun pero paano ang kapatid ko at ang ama ko? Binibenta ko ang sarili ko sa isang estranghero pero may maitubos ba ako sa kanila? Ilang beses na akong humingi ng tulong sa iba pero walang nakinig sa akin. Hihindian ko ba o ang alok nito? Nakakasigurado ba ako na may pambayad ako pagkatapos nito?
Mahina akong tumango at pinigilan ang luha na nagbabantang lumabas sa mga mata ko.
At ang bigyan siya ng apo sa tuhod lang ang hinihinging kapalit at makakalabas ang tatay ko at bigyan kami ng bahay at trabaho ang tatay ko. Gusto kong umatras pero saan naman ako kukuha ng pera kapag hindi ko papayag.
"S-sa isang kondisyon po..."
"Name it."
"Huwag po nating sabihin kay Tatay at sa kapatid ko po."
"Not a problem hija. Ako mismo ay hindi papayag na malabas to sa media para maiwasan natin ang lahat ng komplikasyon."
Tumango ako at lihim na nagdarasal na sana ay gabayan ako sa desisyong mapasukan ko ngayon.
"Attorney, shall you give her the papers?"
"Yes doc."sagot ng attorney. Si doktora, hindi maipagkakaila na makapangyarihan ito sa hospital at kahit sino ay natitiklop nito. Ibang klaseng matanda.
May ibinigay siya sa akin na mga papeles ang abogado at nakalagay dun ay Marriage Certificate. Gamit ang isang itim na ballpen ay nanginginig kong pinepermahan ang isang papel at legal na daw akong asawa ni Kevin Joon Montero ang ng-iisang apo nito.
Ibinibenta ko na ang dignidad ko pero hindi ko kayang pabayaan ang pamilya ko. Sila lang ang meron ako.
Pagkatapos kong permahan ang isang papeles ay ngiting tagumpay ngayon si doktora at nakipag.kamayan sa akin.
"Great! Ahm, attorney, ikaw na ang bahala sa pag.abot kay Kevin nyan."
"Yes doc." Tanging sagot ng attorney at nilagay ulit sa attachè case ang papel na pinipermahan ko at lumabas na ito ng tanggapan.
"From now on, lola na ang tawag mo sa akin, siya ang mama Grasya mo, and her husband is my only son, papa Jonas na rin ang tawag mo, and sa bahay ka na uuwi ngayon."
"Ha? Hindi ba pwedeng bukas na lang po? Walang kasama si Van dito."
"Well, okay. But tomorrow, kailangan mo ng sumama sa amin. As early as we can, kailangan nating makabuo ng baby niyo ni Kevin." Sabi ni lola pagkatapos ay tumayo na ako at nagpaalam. Pagpasok ko sa tanggapang ito ay isa lang ang problema ko, pero ngayon, nadagdagan na naman.
Tumakbo ako pagkalabas ko para maghanap ng C.R dahil hindi ko na napigilan ang luha ko. Pagpasok ko sa elevator ay nakabangga pa ako ng isang doktor.
"Sorry po. Sorry po." Nanginginig kong sabi sa kanya.
"It's okay." Baritonong sagot nito at lumabas na ito ng elevator at pumunta doon sa pinanggalingan ko. Gusto ko pang umiyak ng todo-todo.
------------End of Chapter 1-------------