MALAKAS na isinara ni Kaison ang pinto ng kanyang kwarto. Naikuyom niya ang dalawang kamao dahil sa nararamdamang galit.
Napapamura na lamang siya dahil sa kanyang sinapit. “Lahat na lang, siya ang nasusunod,” mahina pero may galit sa tono ng boses na sambit ni Kaison sa sarili. “Bakit ba ayaw niya akong pakinggan man lang?”
Malaki ang respeto niya sa kanyang ama. Ngunit, sa tuwing laging nasusunod ang gusto nito para sa kanyang sarili, hindi niya maiwasan na magkimkim ng sama ng loob dito. Lahat kasi ng mga desisyon at plano niya sa buhay ay ang ama ang nasusunod. Ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang ama sa kanya ay dahil nag-iisa siyang anak. At dahil unico-hijo si Kaison, siya ang tinuring ng ama na magiging tagapagmana ng mga ari-arian, at tagapagpamalakad ng kumpanyang pinanghahawakan nito---ang The Ford Mansion, isang kilalang five-star hotel ng bansa.
Kung ang ibang anak-mayaman ay natutuwa dahil may makukuha silang mana sa kanilang mga magulang balang araw, ibang-iba naman si Kaison sa mga ito.
He never wanted all of his father's wealth. Hindi niya hilig ang magpatakbo ng isang business kahit pa nakatapos siya ng pag-aaral nito. All his life, he wanted to be a professional photographer, katulad ng kanyang ina na matagal ng pumanaw, sixteen years ago.
Namatay ang kanyang ina na si Elma sa isang malagim na car accident. Ang naaalala niya ay kasama nito ang ama niya na si Henry nang mangyari ito. Unfortunately, his mother died. Ligtas naman ang kanyang ama sa aksidente.
Magmula nang mangyari iyon, laging sinisisi ni Kaison ang ama sa pagkamatay ng kanyang ina. Bata pa lang siya noon, anim na taong gulang. Simula’t sapul na nawala ang ina, nasa dibdib na talaga niya ang poot at galit niya sa ama.
Para kasi kay Kaison, hindi naging mabuting ama at asawa si Henry. Minsan na rin kasi niya itong nakita na minamaltrato ang ina. Nag-aaway ang mga ito sa kuwarto habang siya ay lihim na nakikinig lang sa labas.
He also saw his father womanizing, at sa loob pa mismo ng bahay nila. Naaalala pa ni Kaison na sa tuwing nakikita niya ang ama na may kasamang babae sa loob ng kuwarto nito, lagi siyang pinapapasok ni Elma sa kanyang silid, at tinatabihan pa siya nito sa pagtulog. Sa musmus niyang isipan, naisip ni Kaison na alam ng kanyang ina ang kawalang-hiyaang pinaggagagawa ng hayop niyang ama.
Noong mga panahon na iyon, naiintindihan niya ang lahat na nangyayari sa mga magulang. Ayaw niyang makita ang ina na umiiyak kapag mag-isa ito. Siguro ay sawa na ito sa kalupitan ng asawa kaya marahil ay nakikita ni Kaison itong umiiyak. Minsan ay nagagalit siya sa ama sa tuwing pinagbabantaan nito si Elma nang mga masasamang salita sa kanyang harapan. At hinding-hindi niya iyon makalilimutan.
Kaya ganoon na lamang kasakit para kay Kaison na mamatay ang ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggap sa sarili na wala na ito. Kung maibabalik lang niya ang panahon, gusto niya ulit makasama si Elma.
Mula sa pagkakatayo, umupo si Kaison sa kanyang kama at kinuha ang cell phone na nakapatong sa side table ng kama.
He contacted Kashton, his cousin. Bagama’t limang taon lang ang agwat nila sa edad, maituturing na sobrang close nilang dalawa sa isa’t isa. Anak ito ng lalaking kapatid ng kanyang ama na si Jerome. Nagtatrabaho si Kashton bilang isang medical doctor sa isang pribadong hospital. Sa edad na twenty-seven, nananatiling single ito at walang asawa’t anak.
“Kaison? Napatawag ka? Is there any problem?” sagot ni Kashton sa kabilang linya.
“Yes. Duty ka pa ba? Gusto ko lang nang makakausap.”
“Kaka-out ko lang sa trabaho. At saktong-sakto, may ibinigay na ulam si Demi sa akin. Kumain ka na ba?”
“I’m done. Are you going home now?”
“Yes. On the way na ako sa condo. Bakit parang problemado ka na naman diyan? Is this all about your father again? Ano na naman ba ang gusto niyang gawin para sa iyo?”
Kaison smiled bitterly. Tumango siya kahit hindi siya nakikita ni Kashton. “Oo, siya na naman. Let’s hang out. Ako na ang magdadala ng beer.”
“Okay. See you.”
Mabilis namang ibinaba ni Kaison ang tawag saka siya tumayo upang magbihis ng damit.
Pasado alas-nuwebe na ng gabi. Malaya siyang makalalabas ng bahay dahil wala na naman siguro ang ama nito. Hula niya ay nasa beer house o nasa club na naman ito kasama ang mga business partners. Matapos kasi nila magtalo kanina ay hindi na niya ito nakita pa dahil mabilis siyang pumunta sa kanyang kuwarto.
Nagsuot lamang siya ng T-shirt at pantalon. Dahil patuloy pa rin ang pag-ulan sa labas, sinubukan niyang magsuot ng jacket na may hood. Nagsuot lang din siya ng sandals para sa kanyang mga paa.
Papalabas na sana siya ng bahay nang biglang tawagin siya ni Manang Luz, ang kanilang kasambahay na sobrang tagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya. Sanggol pa lamang si Kaison ay si Manang Luz na ang nag-aalaga sa kanya sa tuwing aalis ang mga magulang niya. Kaison treated this old lady as his second mother. Kaya ‘nanay’ ang tawag niya rito magpahanggang-ngayon.
“Kai, saan ka pupunta?”
Lumingon si Kaison sa kanyang likuran at malapad na ngumiti nang makita ang ginang. Lumapit naman siya rito at hinalikan sa noo. “Kay Kashton lang po ako, ‘Nay,” paalam niya.
“Aalis ka na naman? Baka maabutan ka ng papa mo rito sa bahay na wala ka. Magagalit na naman sa iyo iyon. ‘Di ba sinabihan ka na niya na huwag kang aalis ng bahay. At saka, sinabihan ka na rin niya na huwag kang makikipagkita kay Kashton.”
“’Nay, don’t worry. Sanay na ako sa pagbubunganga ng daddy ko. Ako na po ang bahala kung ano man ang mangyayari,” confident na sagot ni Kaison.
Hindi naman nakapagsalita si Manang Luz sa kanya. Bumuntong-hininga na lamang ito at pinaubaya si Kaison na mag-iingat sa byahe dahil basa ang kalsada dahil sa patuloy na pag-ulan. Nasa kalooban pa rin ng matandang ginang ang pag-aalala sa anak-anakan niyang si Kaison kapag maaabutan ito ng ama na wala sa bahay.
Tuluyang nakalabas ng bahay si Kaison. Ni-lock niya ang kanyang Toyota Hilux na sasakyan na naka-park lamang sa labas ng kanilang malaking bahay. Saka siya pumasok sa loob pagkuwan.
Binuhay niya ang makina nito at mabilis na pinaadar papalayo sa lugar na iyon.
Mga sampung minuto ang nakalilipas nang makarating siya sa isang convenience store. Pumasok siya sa loob at kumuha ng isang basket. Kaagad siyang dumaretso sa mga nakahilerang refrigerator upang kumuha ng beer-in-can.
Dinagdagan pa niya iyon ng mga malalaking chichirya para pangpulutan nila mamaya ni Kashton.
Nang matapos niyang ilagay sa basket ang lahat ng kanyang pinamili, dumaretso na siya sa counter upang makapagbayad sa cashier.
Hindi pa siya nakalalapit sa counter nang mapansin ni Kaison ang isang babae na nakatayo roon, kausap ang isang babaeng cashier.
Hindi na rin siya nag-atubiling lumapit doon at isa-isang nilalagay sa counter ang mga pinamili niyang beer at chichirya. Inasikaso naman siya ng isa pang babaeng cashier.
Nang matapos ilagay ni Kaison ang kanyang mga pinamili, napatingin siya sa katabing babae. Nakatabing ang mahaba nitong buhok sa mukha kaya hindi makita ni Kaison ang kabuuang mukha nito. Hanggang balikat niya lang ang tangkad ng babae.
The girl looked pale. Sobrang tamlay nito at mukhang kinulang sa energy habang nakatayo at nakikipag-usap sa isang cashier. Marahil ay kilala ng babae ang cashier kaya gano’n na lamang ito ka-komportableng nakikipag-usap doon. Bumili lang kasi ito ng bottled water. Wala ng iba.
“Okay ka lang ba talaga?” narinig ni Kaison na sabi ng cashier doon sa babae.
Tumango ito at parang paos ang boses na nagsalita. “I’m okay. Kailangan ko lang siguro magpahinga dahil nitong nakaraang araw, eh, nahihilo ako. Hindi ako maka-focus sa trabaho dahil sumasakit din ang ulo ko,” sabi ng babae.
“Wala naman siguro kayong problema ni Matheo, ’di ba?”
Umiling ang babae. “Wala naman.”
Hindi naman sinasadya ni Kaison na mapatingin ang mga mata niya sa kamay ng dalaga. May hawak-hawak itong isang manipis at transparent na plastic. May laman itong baby wipes, alcohol at isang maliit na kahon na hindi matukoy ni Kaison kung ano ang eksaktong tawag sa bagay na iyon.
Matapos makipag-usap ng babae sa cashier, nagpaalam na ito at kinuha ang bottled water na binili. Nilagay ito ng babae sa plastic na kanina pa nito dala-dala at saka umalis.
Papalabas na ito ng convenience store nang biglang mabutas ang plastic na hawak nito at nahulog sa sahig ang mga bagay na nakalagay sa loob ng plastic.
Mabilis pa sa kidlat na lumapit si Kaison sa babae upang tulungan ito sa pagpulot. Sabay sila ng babae na napaluhod sa sahig upang pulutin ang mga nahulog na bagay.
Patingin-tingin naman si Kaison sa babae habang pinulot niya ang baby wipes at ang maliit na kahon. Tiningnan ni Kaison ang mukha ng babae. He didn’t saw her full face again. Nakatungo lang ito at walang tinging ipinakita sa kanya.
Nagpatuloy sa pagpulot si Kaison. Hanggang sa mapatingin siya sa hawak niyang maliit na kahon. Doon niya nalaman kung ano ito. It’s a pregnancy test kit.
“A-Akin ‘yan,” mahinang sambit ng babae sa kanya nang makita siya nitong pinagmamasdan ang kahon ng pregnancy test kit. “Pati na rin ‘yang baby wipes.”
Ibinigay naman ni Kaison iyon sa babae. Bago pa man makuha iyon ng babae sa kanya, bigla itong natigilan at parang nasusuka ang anyo.
Tinakpan ng babae ang kanyang bibig at dali-daling lumabas ng convenience store. Naka-kunot naman ang noo ni Kaison habang tinitingnan niya ang babae na nagsusuka sa labas. May kung ano’ng ideya na namumuo sa kanyang isipan nang mga oras na iyon. Ideya na marahil ay buntis ito.
Tumingin siya sa cashier. “Pahingi ng plastic,” sabi niya rito. Binigyan naman siya ng cashier ng isang plastic at kaagad siyang lumabas ng convenience store.
Lumapit siya sa babae na patuloy pa ring nagsusuka sa isang poste. Hinintay niya lang ito hanggang sa matapos sa pagsusuka.
“Hey, are you alright?” tanong niya sa babae.
Napatingin sa kanya ito. Nakikita ni Kaison kung gaano ito nababahala sa nangyayari.
“O-Okay lang ako,” sabi ng babae sa kanya. Binigay naman ni Kaison ang dala niyang plastic. “Salamat,” sabi pa nito na parang hinablot pa nito ang plastic na hawak ni Kaison.
Hindi na muling nakausap pa ni Kaison ang babae dahil dali-dali itong nagpara ng tricycle at sumakay para makaalis na. Napapailing na lang si Kaison nang makapasok ulit siya sa convenience store. Inalis niya sa kanyang isipan ang babae, lalo na ang namumuong ideyang marahil ay buntis ito.