IPINARADA ni Kaison ang kanyang sasakyan sa isang underground parking lot ng isang twenty story condominium building. Mula sa parking lot, pumanhik siya sa elevator na naroon at umakyat papunta sa ika-fifteen floor ng gusali.
Nasa Room No. 305 ang condominium unit ng pinsan niyang si Kashton. Kaagad na pinindot ni Kaison ang doorbell at saka ito binuksan ng isang matangkad, at matipunong lalaki na nasa bente-syete ang edad. Nakasuot ito ng plain white T-shirt at naka-pajama na kulay sky blue at white stripes. Nakangiti pa ito nang makita si Kaison. Nakangisi pa ito nang makita siya at sobrang visible ng dimples nito sa magkabilang-pisngi.
“Oh! There you are! Akala ko hindi ka na darating. Pasok ka,” pagyaya pa nito sa kanya.
Nang makapasok si Kaison sa maliit na condominium unit ng binata, kaagad niyang ibinigay sa pinsan ang dala niyang chichirya at beer. Hinubad niya ang jacket na suot at dumaretso siya sa kama ni Kashton upang makahiga. “I will be kung wala ang magaling kong tatay,” Kaison said.
Isang studio-type ang condominium unit ni Kashton, preferably nasa fifteen square meter ang laki ng space nito. Sobrang liit dahil si Kashton lang naman ang nakatira. The condo unit highlights deep colors and warm lighting. The unit creates a cozy home and has enough space for the owner's belongings. Napakaganda at napakalinis ng condo unit ni Kashton. Hindi masyadong makalat at hindi masyadong marami ang gamit. Lahat ng gamit nito ay naka-organized, even the small cabinet na lagayan ng damit ng binata.
“Oo nga pala. Bantay-sarado ka pala ni Tito Henry,” biro niyang sagot kay Kaison habang binubuksan niya ang malaking chichirya at nilalagay ito sa isang malaking glass bowl.
Tumayo si Kaison sa pagkakahiga. “Ewan ko ba riyan kay daddy. Hindi ba niya alam na twenty-two years old na ako? O, baka naman nakalimutan niya lang. Hindi ako babae para bantayan niya palagi. At saka, wala siyang karapatan na mag-desisyon kung ano ang gusto ko sa buhay.”
“Here, catch!”
Hinagis ni Kashton ang beer na hawak nito kay Kaison. Sa kasamaang palad, hindi ito naisambot ng binata. Nahulog ito sa sahig at gumulong sa ilalim ng upuan. Pinulot naman ito ni Kaison.
“Maybe your father is protecting you.”
“Protecting me? Saan naman? As I said, hindi na ako bata para protektahan niya. Hindi habang buhay ay hawak niya ang buhay ko.”
Binuksan ni Kaison ang hawak niyang beer at lumagok doon. Lumapit naman sa kanya si Kashton na dala-dala ang malaking glass bowl, at inilagay ito sa isang parihabang lamesa na parang mini bar ang porma. Kaharap nila ang malaking salamin na nadikit mismo sa malawak na pader.
“Hindi sa may kinakampihan ako sa inyong dalawa ng papa mo, pero para sa akin, ginagawa lang naman niya kung ano ang nararapat para sa iyo. Lalo na’t ikaw ang magiging tagapagmana ng kumpanya at ari-arian niya balang araw. Hindi madaling trabaho iyon.”
Napatigil sa pag-inom si Kaison. Napalunok siya. Doon niya na-realize na may point ang sinabi ng kanyang pinsan. Balang araw ay magiging tagapagmana at tagapamalakad siya ng kumpanya ng kanyang ama. Nag-iisang anak siya ni Henry. Natural, siya talaga ang magmamana lahat ng ari-arian ng kanyang mga magulang.
Magandang pakinggan nga iyon. But for Kaison? Nope. Wala siyang interest sa pagpapatakbo ng business ng kanyang ama. Ayaw niya ito. Gusto niya talagang maging isang professional photographer. Ayaw niyang maging isang businessman.
“But I don’t want it. Ayoko magpatakbo ng kumpanya. Wala akong talent sa business.”
Umiling si Kashton at uminom ng beer. “Wala akong magagawa para sa iyo, Kaison. Siguro itinadhana ka talaga para maging isang anak ng isang business tycoon ng bansa. Napakaswerte mo. Magpasalamat ka dahil hindi ka naging katulad ng aking ama noon na itinakwil siya ng ama nito dahil maagang nag-asawa.”
Napakagat na lamang ng labi si Kaison. Ayaw niyang magbitaw ng salita tungkol sa ama ni Kashton---ang kanyang Tito Jerome na nakatatandang kapatid ng kanyang ama na si Henry.
Sa pagkakaalam ni Kaison, itinakwil ang kanyang Tito Jerome ng kanyang lolo dahil maaga itong nag-asawa. Kuwento ni Kashton sa kanya, lalo na ng kanyang ina na si Elma, ang kanyang Tito Jerome dapat ang magpapalakad ng business nito. Pero dahil sa nag-asawa ito ng maaga, at nabigong ipatakbo ang business, galit na galit na inalisan ito ng mana ng kanyang lolo.
Umalis si Jerome kasama ang asawa nito na si Queenie. Ni wala na rin itong koneksyon sa kanyang lolo hanggang sa mamatay ito. Dahil doon, si Henry, ang nakababata sa magkapatid, ang siyang inatasan ng lolo niya na magsisilbing magpapalakad ng kumpanya kapag namatay na ito. Noong panahong iyon, kasing-edad niya lang ang ama. Napakabata pa nito para maging isang presidente ng kumpanya. Napakatalino ng kanyang ama. Napakawais sa trabaho. Kaya mabilis na naiahon nito ang pagkalugi ng kumpanya makalipas ang tatlong taon matapos mawala sa poder si Jerome.
“Kumusta na nga pala sina Tita Jerome at Tita Queenie?” tanong na lamang ni Kaison sa kanyang pinsan.
“Okay lang naman sila. Nasa bahay sila ngayon. Papa will be turning into fifty-five this coming March. Si mama naman, eh, malakas pa sa edad na fifty-one. Nakakapagtrabaho pa rin naman sila hanggang ngayon. Si Pauline naman, ‘yong kapatid kong babae, magka-college na next school year. Ako ang magpapaaral.”
Paulit-ulit na tumango si Kaison. Matagal na rin niyang hindi nakikita ang kanyang Tito Jerome matapos niyang grumaduate sa kolehiyo one year ago. Ilang beses na niya itong patagong binibisita dahil kapag nalaman ng ama na nakikipagkita siya rito, at lalo na kay Kashton, alam niyang hindi lang sermon ang matitikman niya sa ama.
Nakasanayan na rin ni Kaison na maging pribado ang pagkikita niya sa pamilya ni Kashton. Ganito rin ang ginagawa ng kanyang ina na si Elma noong nabubuhay pa ito. Sinasama siya ng ina sa bahay ng kanyang Tito Jerome upang makilala niya ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama, lalo na ang anak nito na si Kashton na noo'y naging sobrang close silang dalawa kahit limang taon ang agwat nila sa edad.
“I hope I can come,” malungkot na tugon ni Kaison.
“Sure you can. Welcome ka sa bahay,” sagot naman sa kanya ni Kashton.
Mapait na ngumiti si Kaison sa pinsan. “Sana. Pero mukhang ’di na yata ako makakahabol sa birthday party ni Tito Jerome.”
“Bakit mo naman nasabi iyan? May taning na ba ang buhay mo?” biro pang sagot ni Kashton sa kanya na mahinang ikinatawa naman ni Kaison.
“Hindi ‘no," natatawa niyang sabi. “Sinabihan kasi ako kanina ni daddy na mag-aaral daw ako ng master’s degree sa ibang bansa. Doon rin niya ako ite-train kung paano hawakan ang isang business. Hindi ko lang alam kung kailan ako aalis. I guess . . . this month or next.”
Ngumiwi si Kashton. Kalaunan ay pilit itong ngumiti para kay Kaison. “Wala tayong magagawa. That’s your Dad’s choice.”
“Ayokong umalis, Kashton. Ayokong sumunod sa gusto niya. Gusto kong umalis sa poder niya dahil nasusuka na ako sa pinaggagagawa niya sa akin.”
Uminom muna ng beer si Kashton bago ito nagsalita. “Oh, so, gagayahin mo ang ginawa ng daddy ko noon? Aalis ka? Saan ka naman pupunta?”
“I don’t know. Kahit saan. Basta malaya lang ako sa kanya. Okay na ako.”
“Naku, Kaison! If you are planning to do that, huwag mo na lang ituloy. Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Alam naman natin kung gaano karaming connections ang daddy mo para hanapin ka. Hindi nga natin alam na baka may nakakita sa iyo na pumunta ka rito. Baka ako na naman ang pagalitan ni Tito Henry niyan. Kaya kung ako sa iyo, huwag mong gawin ang iniisip mo. Huwag kang umalis.”
Nagpalabas ng hangin si Kaison. Alam niyang mali ang kanyang naisip na plano para lang makatakas sa kamay na bakal ng kanyang ama. Wala naman talaga siyang plano na umalis. Bigla na lang niya iyon nasabi kay Kashton dahil nadala lang siya sa galit sa ama.
Pero bakit pakiramdam niya ay parang may nag-uudyok sa kanya na gawin ang nasabing paraan para makatakas? Bakit parang tama ang ideya na iyon?
Magagawa ba niya talaga na umalis sa poder ng ama? ‘Yon ang hindi niya alam.
“Ah, siya nga pala, pagsaluhan natin ‘yong ulam na binigay sa akin ni Demi kanina.”
“Busog pa ako,” walang-ganang sagot ni Kaison sa pinsan habang lumalagok na muli ng beer.
“Bahala ka,” nasabi na lamang ni Kashton. Tumayo ito sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. Kinuha ang isang tupperware at ipinatong sa lamesa.
Pinabayaan na lamang ni Kaison na kumain ang pinsan. Nagpatuloy siya sa pag-inom ng beer.
“Siya nga pala, maiba tayo ng usapan, bakit ayaw mong ligawan iyang si Demi? ‘Di ba may gusto ka sa babaeng iyon?” tanong ni Kaison.
“Alam mo namang torpe ako pagdating sa babae, Kai. At saka, natatakot akong ma-busted. But I will confess my feelings to her. Not now . . . but soon.”
“Dapat lang. Kasi ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa nag-aasawa,” panunukso pa ni Kaison. Sinamahan pa niya ito ng malakas na pagtawa.
“Nagsalita ang walang girlfriend! Eh, ikaw? Kailan ka makakahanap ng babae na magiging nobya mo?”
Napairap si Kaison. “Huwag mong ibalik sa akin ang usapan. Alam mo rin naman na hindi ako interesado sa mga babae. Hindi ako katulad mo, babaero!” rebat niya sa pinsan.
Natawa si Kashton sa sinabi nito. Natutuwa siya sa pang-aasar na ginagawa niya sa pinsan. “Naku! Sa edad mong iyan, ni minsan ay parang wala kang niligawan na babae. Matagal na tayong magkakilala, Kaison. Ni isa ay wala akong naaalala na may ipinakilala ka sa akin.”
“I’ve told you, I”m not interested with any girls.”
“But you need to try. Hindi habang buhay ay magiging single ka na lang. You should try it. Sinasabi ko sa iyo. Masarap magmahal.”
“Really?” nakangising tugon ni Kaison.
Tumango naman si Kashton. “Oo naman. I’ve been dating so many girls in your age. Makikita at malalaman mo talaga kung ano ang ugali ng mga babae. Mayroon naman akong natitipuhan pero may iba rin na hindi. May pagka-choosy kasi ako minsan. May mga preferences talaga ako pagdating sa mga babae. At lahat ng preferences na iyon ay na kay Demi lahat. I loved her. Sobrang perfect niya para sa akin. Hindi ko lang talaga masabi ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.” Parang nasusuka naman si Kaison sa naririnig niyang pagme-melodrama ng pinsan tungkol sa buhay pag-ibig nito. Hinayaan na lamang niya ang lalaki.
“Ang masakit nga lang na part ay ‘yong break-up. Marami kang matututunan kapag umibig ka,” pagtatapos nito.
Napapailing naman si Kaison. Nawawalan talaga siya ng gana na makipag-usap dito kapag ganitong klaseng topic na ang pinag-uusapan nilang dalawa. He let him talked something about girls, na kahit ano’ng gawin niya ay wala talaga siyang interesado na magmahal ng isang babae. Not even once. Though, he is not gay. Natural lang yata kay Kaison na magkaroon ng bato na puso pagdating sa pag-ibig, at pagdating din sa mga babae. Balang-araw ay maiintindihan din niya ang lahat.
MAGAALAS-DOSE na ng tanghali nang magising si Kaison kinabukasan. Ginising siya ni Manang Luz upang makakain na sa baba. Gabi na rin kasi siyang umuwi sa bahay kagabi. Hindi naman siya sobrang nalasing nang makauwi. Mabuti na lang at hindi siya naabutan ng ama dahil nang umuwi siya ay wala rin ito sa bahay. Hindi pa nakakauwi.
“Kai, hinahanap ka ng papa mo sa baba. Magla-lunch daw kayo. Hindi ka pa nakakapag-break fast kaninang umaga dahil ang himbing-himbing ng tulog mo,” sabi ni Manang Luz sa kanya.
“Mamaya na po,” inaantok pang sagot ni Kaison kay Manang Luz. Nananatiling nakahiga siya sa kama. Nakadapa siya at nakapikit ang dalawang mata. Hinayaan niya ang sariling matulog na naka-half naked kagabi dahil kumportable siyang matulog ng ganoon.
“Gumising ka na dahil alas-dose na ng tanghali. Hinahanap ka ng papa mo ngayon. May sasabihin siya sa iyo.”
Walang nagawa ang binata. Inaantok na bumangon si Kaison at nagsimulang manghimuta. Nakita naman niya sa isang dapit si Manang Luz na nililigpit ang kanyang mga maruruming damit sa isang basket.
Wala na rin siyang nagawa kundi umalis sa kama at dumaretso sa CR. Naghilamos muna siya ng mukha. Hindi na rin niya nagawa pang magsuklay at nagsuot na lamang siya ng plain white na T-shirt bago lumabas ng silid.
Nang makababa at makarating sa malawak na likod ng bahay, nadatnan naman niya ang kanyang ama na si Henry. Nagbabasa ito ng diyaryo habang nakade-kuwatro ang upo nito sa isang upuan na gawa sa bakal. Mukhang kakatapos lang nito kumain ng almusal dahil umiinom na lamang ito ng juice habang nagbabasa.
Lumapit siya sa ama at nakita naman siya nito. Ibinaba at itinupi nito ang diyaryong hawak. “Where have you been last night? Sabi sa akin ni Manang Luz ay umalis ka raw? Are you hanging out with your friends again?” seryosong tanong ni Henry sa anak.
Umupo muna si Kaison sa isa pang upuan na gawa sa bakal. Dali-daling inasikaso siya ng mga kasambahay na naroon upang ipaghanda siya ng makakakaing almusal.
“Yes. Uminom lang kami ng mga batch mates ko,” pagsisinungaling ni Kaison. Ayaw niyang aminin sa ama na nakipagkita na naman siya kay Kashton at baka magalit ito.
“I’ve told you not to go out at night. Intindihin mo ‘yong mga pinapaasikaso ko sa iyong mga papeles. Makatutulong iyon sa iyo para may ideya ka kung paano patakbuhin ang kumpanya natin.”
Nababagot na napangiwi na lamang siya habang kumakain ng almusal. Wala man lang salita ang lumabas sa kaniyang bibig habang kumakain sa maliit na lamesa na gawa sa mamahaling salamin.
“Siya nga pala, alam mo naman siguro na mag-aaral ka ulit ng master's degree sa ibang bansa, ‘di ba? Nasabi ko na sa iyo iyon kahapon,” muling salita ng kanyang ama. Nananatiling nakikinig lang si Kaison dito. Maya-maya, may inabot itong isang puting sobre. “Open it.”
“What’s this?”
Kinuha ni Kaison ang sobre at nagtatakang binuksan ito. Nang mabuksan, may nakita siyang isang papel na nakatupi roon. Kinuha niya ito at binuksan.
“Get ready your passport, because tomorrow, you will be going to Japan.”
“What?!” napasinghap siya sa ama. Muli pa niyang tiningnan ang flight ticket na hawak niya. “Bukas talaga!?”
“Yes. Ora-mismo. Don’t worry dahil may nai-reserved na akong condo unit para sa iyo roon. Wala ka ng poproblemahin pa sa gagastusin. Ang gagawin mo lang ay mag-aral ka. Hindi ‘yong inaaksaya mo ang buhay mo rito sa Pilipinas. How many times that I’ve told you that you will be the next president of our company? At dahil d’yan, dapat alam mo kung paano magpalakad ng isang malaking business. Is that clear!?”
Nakaramdam ng galit si Kaison sa ama. Hindi niya napigilan ang sarili. Napatayo siya at matapang na kinaharap ang ama.
“How is this possible?! Bakit hindi mo man lang ako kinausap kung kailan ang alis ko? Nagde-decide ka para sa akin. Hindi naman siguro tama iyon, Dad!”
“Hey! Don’t start! Pinag-usapan na natin ito na mag-aaral ka ulit sa ibang bansa para makakuha ka ng master's degree.”
“But I didn't agree with it. Wala akong sinasabi na pumapayag ako.”
“I don’t have to wait for your answer. Alam ko naman na ayaw mong pumunta sa ibang bansa para makapag-aral ulit. Alam ko na hahantong na naman ito para puwersahan ka.”
“No! I don’t! Kahit na ano’ng gawin mo ay ayoko! Hindi ako aalis!”
“Don’t be so stubborn, son! Wala ka ng magagawa pa!”
Natahimik si Kaison. Nananatili pa rin siyang nakatingin ng masama sa ama. Pagkatapos ay parang biglang may pumasok na ideya sa kanyang isipan.
No, Dad! You’re wrong! May magagawa pa rin ako, nasabi niya sa sarili.
“Ano?! Natahimik ka?! Sinasabi ko sa iyo, Kaison. Huwag mo akong kalabanin. Dahil baka hindi ako makapagtimpi na tanggalan ka ng mana sa oras na hindi ka sumunod sa gusto ko. Naiintindihan mo ba ako!?”
Hindi pa rin nagsasalita si Kaison. Masamang nakatitig lang siya sa ama. Gustong niyang kalabanin ito. Para naman maipakita niya na matapang s’ya. Ngayon na niya siguro mailalabas ang sama ng loob para sa ama.
Pero hindi niya magawa. Ang kanina pang ideya ang laging laman ng kanyang isipan ngayon kaya niya hindi magawang makipagtalo rito.
Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot sa tanong ni Henry. At saka niya ipinatong ang flight ticket sa lamesa na kanina pa niya hawak. Hindi na siya bumalik sa pagkakaupo, bagkus, umalis siya sa harapan ng ama upang makapanhik ulit sa loob ng bahay.
Dumaretso si Kaison sa kanyang kwarto. Mabilis pa sa isang minuto na kinuha niya ang malaking bag. Dali-dali niyang nilagay ang kanyang mga damit doon, lalo na ang mga importanteng bagay na mahalaga sa kanyang buhay: pera, ATM cards, ID's, at hindi mawawala ang isang DSLR camera na pagmamay-ari pa ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
Siguro tama ang nasabi niyang desisyon kay Kashton kagabi. Lalayas siya. Aalis siya sa poder ng kanyang ama. Kahit mawalan pa siya ng mana ay okay lang sa kanya. Ang gusto lang niya ay makawala sa kamay ng ama at mamuhay ng malaya. Ito ang ideya na kanina pa niya naiisip. Lalayas siya. Walang makakapigil sa kanya.
Matapos niyang magligpit ng mga dadalhin niyang gamit, kaagad niyang kinuha ang kanyang cell phone para i-text si Kashton.
“Kashton, I already decided. Aalis ako. Lalayas ako. Mamayang gabi.”
Kaya pagsapit ng gabi, habang wala ang ama niya sa bahay, maingat siyang umalis habang bitbit niya ang kanyang malaking bag.
Mabuti na lang at hindi siya nakita ni Manang Luz nang makababa siya sa hagdan. Patingin-tingin pa siya sa paligid at baka may makakita sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansing walang tao sa malaking sala.
Mabilis siyang lumabas ng bahay at dumaretso sa kanyang sasakyan. Kahit sobrang lakas ng ulan sa labas ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili na gawin ang gusto ng isip niya.
Maya-maya, natagpuan na lamang niya ang sarili na tinatahak ang madulas na kalsada.
Hanggang sa matigas na pinreno niya ang sasakyan nang biglang may nakita siyang isang babae na tumawid sa kalsada. Muntikan na niya itong mabangga.