Chapter Four

2656 Words
NAPAG-ISIPAN ni Kaison na maghintay muna ng ilang minuto sa hospital. Dahil basang-basa siya ng ulan, bumalik siya kanina sa parking lot at tumungo sa kinapupuwesto ng kanyang sasakyan upang magbihis ng kasuotan. Good thing dahil nakapagdala siya ng mga damit ngayon sa kanyang travelling bag. Hinihintay niya kasi ang resulta ng pregnancy test na ni-request niya kay Kashton para sa babaeng dinala niya sa hospital kamakailan lang. Habang naghihintay, kasalukuyang nasa kuwarto pa rin siya na kung saan doon dinala ang babaeng kanina pa walang malay. Napakahimbing ng tulog nito habang pinagmamasdan ito ni Kaison. Hindi maalis-alis ng lalaki ang kanyang mga mata sa maamong mukha ng dalaga. Tila ba ay napako ang mga ito roon. May guilt feeling siyang naramdaman. Naalala niya kasi kung paano niya ito sigawan sa gitna ng kalsada. Hindi kasi siya ganoong tipo ng tao na maninigaw na lang sa kapwa niya tao. Nadala lang talaga siya sa kanyang inis dahil muntikan na niya itong mabangga. “Sorry naman kung nasigawan kita. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi. Bakit ba tumatawid ka na lang bigla? Ma-suwerte ka at hindi kita tuluyang nabangga kanina. Napakalaking sagabal ka talaga sa plano ko, alam mo ba iyon? Nang dahil sa iyo, hindi na tuloy ako makalalayas sa kamay ng ama ko,” wala sa sariling pagmo-monologue ni Kaison habang tutok siya sa babaeng nakahiga sa kama. Napailing siya dahil sa kanyang sinabi. “Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit naninisi pa ako? Ang tanga mo talaga, Kaison,” saad niya. Mula sa kanyang kinauupuan ay napadako siya sa side table. Nakapatong doon ang malaki, kulay itim at lumang wallet ng dalaga. Kanina, no’ng nagbibihis siya sa loob ng sasakyan, napagdiskitahan niya ang dala-dala nitong maleta. Kinuha niya ito sa likuran ng kanyang sasakyan at binuksan. Kunot-noo siya nang makita ang laman niyon. Halos puro damit ito ng babae. Hindi na niya nagawa pang kalkalin iyon dahil baka kung ano pa ang makita niyang gamit sa dalaga. Ngunit, napagtuunan niya ng pansin ang malaking wallet sa malaking pocket ng maleta. Kinuha niya ito at naisip na baka may impormasyon siyang makikita roon kung sino ang babaeng kanyang dinala rito sa hospital. Sa ngayon, kinuha muli ni Kaison ang malaking wallet na kanina pa nakapatong sa side table. Pinagmasdan pa niya ang kabuuan nito hanggang sa dahan-dahan niyang binuksan ang zipper ng wallet. Pagbukas ay tumambad sa kanya ang samu’t saring resibo ng mga grocery items at kung ano-ano pang mga resibo. May nakita siya bente pesos doon at napabuntong-hininga bago niya muling binalingan ang dalaga. Nakaramdam siya ng awa. Namumuo sa kanyang isipan ang ideya na marahil ay naglayas din ang babaeng ito, katulad niya. Isama na lang ang mga damit na nakita niya sa loob ng maleta nito. Hindi maipagkakaila na naglayas nga ang babae. At ano naman ang rason kung bakit ito naglayas? “Naku naman! Hindi ko alam na naglayas ka rin pala. Pareho pala tayo. Coincidence na nagkita ulit tayo. Minsan na rin kasi kitang nakita roon sa convenience store kagabi. Nako-curious lang talaga ako kung sino ka at bakit lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana,” muling pagmo-monologue ni Kaison. Mabilis niyang itinuon ang sarili sa wallet na hawak, naghanap doon kung may ID ba siyang makikita para malaman niya ang pangalan nito. Pagbukas niya sa kabilang zipper, may nakita siyang isang ID. Hinablot niya ito sa lagayan at tiningnan ang pangalan. Ngunit huli na niyang makita ito dahil napalingon siya sa kanyang likuran dahil may boses na tumawag sa kanya. “Kaison.” “Kash.” Naibalik ni Kaison ang ID sa loob ng wallet at muli niya itong ipinatong sa side table. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit kay Kashton. Hindi niya alam na unti-unti na pa lang idinidilat ng babae ang mga mata nito mula sa pagkakatulog. “You still here?” tanong ni Kashton sa kanya. Tumango naman siya bilang pagsagot. “’Yong result ng pregnancy test ang hinihintay ko. But I will be going home kapag malalaman ko na ang resulta.” Muli siyang binigyan ng pinsan ng kakaibang ekspresyon sa mukha. Tila ba ay nagtatanong ito sa kanya. “Importante ba itong result na ito para sa iyo, Kaison? Sigurado ka ba na hindi mo nabuntis ang babaeng iyan?” Habang nag-uusap ang dalawang binata, nakahigang napatingin naman ang babae sa kanila, nakikinig sa kanilang usapan. Hindi alintana nina Kaison at Kashton ito. Umiling si Kaison sa tanong ng pinsan. “Hindi. May gusto lang akong malaman tungkol sa kanya kaya ako nagpa-request na i-pregnancy test siya.” Kibit-balikat naman si Kashton at binuksan ang dala-dala nitong folder. “Well, kung iniisip mong buntis siya . . . yes. She is positive. She’s pregnant. Maybe two to three weeks na.” Patango-tango lang si Kaison at hindi na siya nagulat pa sa sinabi ni Kashton sa kanya. Malakas na kasi talaga ang kutob niya na buntis ito dahil noong una pa lang na nakita niya ito sa convenience store na nagsusuka, pinagdudahan na niya ang babae na buntis ito, dahil na rin siguro sa pamumutla at sa pagkilos nito. Ngayon, hindi na malaking issue para kay Kaison na malaman na buntis ang babae. Mas makabubuti pa na tulungan na lang niya ito bago siya umuwi sa bahay ng ama, at kaharapin ang kagustuhan nito sa kanya. Ganoon din naman. Wala rin siyang mapupuntahan kung maglalayas siya. “Kaison, baka naman may sikreto ka pang hindi sinasabi sa akin? You can tell me anything. Hindi mo ba talaga kilala ang babaeng iyan? Naninigurado lang ako. Alam mo naman ang ugali ng daddy mo, ’di ba? Paano kung malaman niya na nakabuntis ka pala? Baka magalit iyon sa iyo.” “Kash, hindi ko talaga siya kilala. Dinala ko lang siya rito sa hospital dahil bigla siyang nawalan ng malay no’ng malapit ko na siyang mabangga. Ni hindi ko nga rin alam ang pangalan niya. Promise! Hindi ko talaga siya kilala,” parang batang page-explain ni Kaison sa kanyang pinsan. Napailing na lang si Kashton sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat. “Anyway, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng Daddy mo. It’s already ten in the evening. Promise me na hindi mo na ulit ito gagawin. Ayokong may mangyari masama sa iyo. Kahit pinsan kita, para na rin kitang kapatid na lalaki.” Biglang napangisi si Kashton nang may maalala siya. “How I wish na magkaroon din ako ng kapatid na lalaki na katulad mo. But then, Pauline came. Kahit gusto ko ng lalaking kapatid, nagpapasalamat din ako na naging pinsan kita. Huwag mong isipin na wala kang pamilya. Nasabi ko lang iyon sa iyo kanina dahil gusto ko rin protektahan ang pamilya ko sa Daddy mo. Huwag mong isipin na nag-iisa ka, okay?” Napatango na lang si Kaison sa sinabi ni Kashton. Tinutukoy kasi nito ang nangyaring pag-uusap nilang dalawa kanina sa hallway. At nakukunsensya siya dahil alam naman niyang hindi gusto ni Kashton ang plano niyang paglalayas noon ay sumige pa rin siya. “Don’t worry, Kash. Wala iyon para sa akin. Saka madaling araw na umuuwi si Daddy kaya hindi ako mahuhuli niyon.” “Good thing.” “I think this is also the time that I will say goodbye to you, Kash. Tomorrow, I will be going to Japan, and accept my father’s will. Wala akong magagawa, e. Anak niya ako, and I will do what he says para maging mabuti akong anak sa kanya.” “Nothing to worry about. Magkikita pa rin naman tayo after two years, ’no. Saka uso na ang video call ngayon. Puwede ka naman sigurong maglaan ng oras para makipag-usap sa akin habang nasa Japan ka. With that, hindi naman malalaman ng Daddy mo iyan. But still, we need to be discreet, ’di ba?” Napangiti lang si Kaison, pinipilit niya sa kanyang sarili ang katotohanan na aalis na nga siya bukas papuntang Japan upang mag-aral ulit. Kahit labag talaga sa kanyang kalooban. Masakit iyon para kay Kaison. “We will.” Mahigpit na yakap ang ginawad ni Kaison sa pinsan. Gusto niyang umiyak sa yakap na iyon ngunit pinigilan niya ang nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mata. Matapos nilang magpaalam sa isa’t isa, naunang lumabas si Kashton ng kuwarto at iniwan siya ng lalaki roon. Muli niyang binalingan ang puwesto ng babae at napahinto siya sa paghakbang nang makitang nakamulat ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Nananatili pa rin itong nakahiga sa hospital bed. “Gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Kaison sa babae. Dahan-dahan itong bumangon sa pagkakahiga at nakaramdam ng hilo. Tinulungan naman ni Kaison ito. “O-Okay lang ako,” mahinang sambit nito na tila namamaos ang boses. “Mabuti naman. Kanina ka pa ba gising diyan? Kung kanina pa ay baka narinig mo ang sabi ng doctor na kausap ko kanina. That you are preg—” “Buntis ako, oo,” putol sa kanya ng babae at naiiyak na tumingin sa kanya. Mabilis na namasa ang dalawang mata nito at ilang saglit pa ay umiiyak na ito sa harapan ni Kaison. “Buntis ako. Hindi mo na kailangang sabihin ulit sa akin iyan,” muling sambit ng dalaga habang yapos-yapos niya ang dalawang tuhod. Muling nakaramdam ng awa si Kaison sa babae. May tumutulak sa kanya na yakapin ito upang pakalmahin sa paghagulhol. Pero inunahan na siya ng pagkailang kaya hindi na niya iyon ginawa. “Maybe . . . I can try to call your parents . . . or your husband para naman mabalitaan ko sila na nandito ka sa hospital.” “W-Wala . . . Wala akong magulang . . . Wala akong asawa . . . at wala rin akong pamilya,” umiiyak pa ring sagot ng babae sa kanya. Walang magulang? Walang asawa? Walang pamilya? Nakapagtataka naman, saad ng isip ni Kaison. Sino ba kasi ang babaeng ito? At bakit parang walang background man lang. Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan na lamang itong umiyak. Maya-maya ay tumatahan na ito. Humihingos na ito sa pagkakaiyak. Binigyan naman ni Kaison ang babae ng tubig para mahimasmasan. Nang wala ng hikbi siyang narinig sa babae ay dito na muling nagsalita siya. “Can we talk again?” ani Kaison sa mahinang boses. Walang response na ipinakita ang dalaga kay Kaison. Binalingan lang siya nito at muli na namang inalis ang tingin nito sa kanya, yakap-yakap pa rin ang dalawang tuhod. Umubo ng napagkalakas ang babae. Binigyan niya ulit ito ng tubig upang mahimasmasan. Sinisipon din ito. Marahil basang-basa ito ng ulan nang dalhin niya sa hospital. Mabuti na lang at nakasuot na ito ng hospital gown ngayon. “A-Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ni Kaison uli. Mahinahon niyang isinambit ito para naman hindi matakot ang babae sa kanya. “M-Mikaela.” “I’m Kaison, Mikaela. Nice to meet you.” Umaktong inilahad ni Kaison ang isa niyang kamay ngunit nailang na binawi niya ito dahil hindi man lang iyon tinanggap ni Mikaela. “S-Sorry for what happened lately. Hindi ko sinasadya ’yong pagsigaw ko sa iyo kanina. Balot lang talaga ako ng inis niyon. Saka hindi kita namalayan sa pagmamaneho ko kaya muntikan na kitang mabangga. Pasensya ka na.” Napangiti siya nang tumango si Mikaela. Akala niya hindi na siya nito kakausapin pa. Nang muling tumingin ang babae kay Kaison, parang lumundag yata ang puso ng binata nang magtama ang kanilang mga mata sa isa’t isa. She’s beautiful, saad niya. Ngayon lang nasabi ni Kaison ito sa buong buhay niya. Para kay Kaison, kakaibang kagandahang taglay ang mayroon si Mikaela na nakapagbighani sa kanya. First time niya kasing maka-appreciate ng kagandahan ng isang babae dahil maituturing na morena ito. Bagkus, nakita rin ni Kaison ang mga mata ni Mikaela. Puno iyon ng lungkot at pag-aalala. Parang bumaon iyon sa kanyang puso at nalungkot siya bigla. Kung ano man ang pinagdadaanan ng babaeng ito ay sana may magawa man lang siyang tulong para maging maayos ito. Ito ang gusto ni Kaison na mangyari. “Pardon me. C-Can you tell me more about yourself, Mikaela? Para naman matulungan kita at makabawi ako sa purwisyong ginawa ko sa iyo kanina. Don’t be shy to talk to me. Mabait akong tao.” Hinintay lang ni Kaison na magsalita ito. Ngunit, mukhang walang epekto ang paghihintay niya dahil hindi ito nagsalita. Para itong nagdadalawang-isip na sasagot sa sinabi niya. Tinitingnan lang siya nito mula ulo hanggang paa at chini-check yata kung mapagkakatiwalaan siyang tao. “I’m sorry. Hindi na ako magtatanon—” “Pinalayas ako ng Tita ko.” Nabalot sa gulat ang mukha ni Kaison sa pagsalita nito. Hindi niya iyon ini-expect. Pero dahil nagsalita na nga ito, pakiramdam ni Kaison ay nagtitiwala na si Mikaela sa kanya. Magandang simula yata ito na magkaroon siya ng bagong kaibigan. “W-Why?” maingat na tanong niya. “Sorry. Hindi na dapat ako nagtanong,” nasabi na lamang niya nang ma-realize na parang nagiging tsismoso na siya sa katanungang iyon. “Pinalayas ako ng Tita ko dahil nalaman niya na buntis ako.” Namumuo na naman ang luha nito sa mata. Mabuti na lang ay napigilan ito ng babae na huwag tumulo. May kung ano’ng bumara sa lalamunan ni Mikaela. Ngunit pinilit pa rin niya na magsalita. Sa oras na iyon, parang gusto niyang ilabas ang hinanakit niya sa buhay sa lalaking estrangherong kausap niya ngayon. Mukha naman kasing mabait ito sa kanya at magkakatiwalaan. At parang pamilyar ang mukha nito. Parang naalala niya na nagkita na sila ng lalaking ito noon. Hindi lang niya matandaan kung kailan at saan. “Napakasakim kasi ng Tita ko sa akin. Lagi niya akong binubuhatan ng kamay sa oras na nagagalit siya sa akin. Kaya nang malaman niya na buntis ako, kinaladkad niya ako papalabas ng bahay at pinalayas niya ako sa tirahan niya. Doon ko rin nalaman na hindi pala talaga niya ako tunay na pamangkin at purwisyo lang daw ako sa buhay niya.” Kitang-kita ni Kaison kung paano tinatatagan ni Mikaela ang kalooban nitong i-kuwento sa kanya ang nangyari. “Bakit? Nasaan ba ang tunay mong magulang?” “Patay na sila. . . ’yon ang sabi niya nang palayasin niya ako.” “Ah, I’m sorry. Promise! Hindi na talaga ako magsasalita.” Pagkatapos ay namutawi naman sa kanilang dalawa ang katahimikan. “NAGUGUTOM ka ba?” tanong ni Kaison kay Mikaela habang nananatili sila sa kanilang mga puwesto. Matapos ang ilang minutong katahimikan, pinutol ni Kaison iyon at sinubukan na magbukas ng panibagong pag-uusap. Nahihiyang tumango naman si Mikaela. Ang totoo niyan ay kanina pa siya walang kain magmula nang palayasin siya ng kanyang Tita Alma. Kanina pa siya nagpalaboy-laboy sa kalsada pagkatapos na mabigo siya sa pagmamakaawa kay Matheo—ang kanyang dating nobyo na siya ring kinikilala niyang ama ng batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Kung ano man ang nangyaring pag-uusap nila kanina sa pagitan ng lalaking kanyang minamahal ay kusang ililimot na niya iyon. Galit at poot ang nararamdaman niya kay Matheo kapag naaalala niya ang mga sinabi nito. “Nagpauto ka naman sa akin! Ginamit lang kita, Mikaela. Hindi talaga kita mahal. At itinatanggi ko iyang pagbubuntis mo! Hindi ako ang ama niyan!” Magmula niyon, kinamumuhian na niya ito. “Sige. Dito ka lang. Bibili lang ako ng pagkain mo,” paalam naman ni Kaison sa kanya. Hinayaan lang ni Mikaela na umalis ito sa kinauupuan. Pero hindi pa ito nakalalabas ng kuwarto ay nagulat silang dalawa nang malakas na bumukas ang pinto, at tumambad sa kanilang harapan ang hingal na hingal na doctor na si Kashton. Bakas sa mukha nito ang takot at pagmamadali. “Kaison, we need to go! Quick!” “Bakit?! Ano’ng nangyayari?” naguguluhan na tanong ni Kaison. At sa puntong iyon, nakarinig sila ng malakas na hiyawan sa labas na para bang may nangyayaring masama roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD