Kabanata 15 Sinimangutan kunwari ni Jay si Stilyan nang hapitin pa siya nito palapit. For goodness' sake they're in a queen size bed pero halos kalahati lang ang naookupa nila dahil sa kakayakap sa kanya ng binata. "Mr. Arsenov, you really have to leave my room." Paalala niya rito. Tumaas ang kilay ni Steel at mapang-asar na pinadausdos ang palad sa kanyang braso. "Why would I? This is my house. I could stay wherever I want." Jay groaned. Isang oras na yata silang nagtatalo dahil ayaw talagang lumabas ni Steel ng silid. "Alam mo kung hindi ka takot na mahuli ni Mrs. Lankova, ako oo. Ayaw kong masangkot sa eskandalo." Inirapan niya ito. Nagsalubong ang mga kilay ni Steel ngunit umangat ang sulok ng kanyang labi. "Oh so you really worry about her? Sabi ko na nga ba." Tila gusto nitong m

