Kabanata 16 Kung kaya lang magteleport ni Jay patungo ng Quezon City, ginawa na niya para sa Daddy niya. Ang balita tungkol sa atake nito ay halos magpahagulgol sa kanya sa matinding takot para sa ama. She wanted to see him as soon as possible, and thanks to Steel, she was able to travel from Sagada faster than usual. Nagchopper siya kasama si Steel mula sa hacienda nito patungo ng airport sa Baguio kung saan naghihintay naman ang private plane ng mga Ducani. Keeno was generous enough to let them use it so they wouldn't have to travel by land. Tinanggap ni Jay ang lahat ng offer ng mga ito marating lang kaagad ang ama. "Thanks for the ride, bro." Huling ani ni Steel kay Keeno nang pababa na sila ng eroplano. Si Jay ay tinignan ang panganay na Ducani saka ito matipid na nginitian. She c

