Kabanata 17 Panay ang sulyap ni Jay kina Saharah at Steel. Inalok kasi ni Steel na dalhin ang bata sa malapit na fastfood at dahil nasa meeting daw ang mommy ni Jay, malayang napayagan ng daddy niya ang bata para sumama sa kanila. Saharah's yaya was supposed to stay with Mr. Salmiaro, pero dumating ang mga kumpare nito kaya naman sinama na lamang nina Jay ito. Steel called his friend and borrowed a car. Iyon ang ginamit nila paalis ng ospital. Nagtaka pa si Jay nang magdrive thru lamang sila sa fastfood na iyon saka diniretso ni Steel ang sasakyan sa isang park malapit din sa ospital. There's this enthusiasm in Steel's eyes from the moment he saw Saharah. Hindi tuloy mapakali si Jay. Alam kaya ng lalake ang totoo? She wanted to know, pero hindi pwedeng basta niya ito tanungin dahil paa

