Kabanata 7
Humihikab na si Jay nang tumunog ang kanyang phone at rumehistro sa screen ang pangalan
ng kanyang kaibigang si Saki. Naroon pa sila nina Britney sa sala ng bahay ni Stilyan ngunit ang binata ay umalis kaninang tanghali para puntahan ang isang mahalagang meeting.
Dinampot niya ang phone mula sa glass table na tila may mga na-trap na paru-paro. Iba't-iba ang kulay, hugis, at laki, pero napakagandang pagmasdan sa loob ng salamin.
Hindi lang iyon ang may ganoong disenyo. Kahit pa sa sala, dining, at kitchen pa lang sila hinayaang manguha ng mga litrato, masasabi na ni Jay na may obsession si Stilyan sa glass, paint, at paru-paro.
The receiving area has a set of pearl white grande' sofa with gold linings. Ang mga unan ay ginto ang kulay habang ang pader ay salamin. May fireplace doon, pero ang kakaiba roon ay gawa sa salamin ang dapat ay bricks—at nagmukhang malaking aquarium with sifferent types and colors of fishes. Bilib na nga siya sa likot ng utak ni Stilyan nang malamang ito ang may idea nito.
The staircases were, of course, made of glass but they assured it was supported with strong metal. Hindi tulad ng sa mesa na paru-paro, ang nakahalo sa glass ng hagdan ay mga tinuyong dahon.
Kung ididetalye niya ang lahat ay baka maubusan siya ng hininga dahil hindi sasapat ang hangin sa katawan niya para ikwento ang lahat.
She was like inside a glass castle. A very homey and artistic glass castle. Parang seventy percent yata ng nakikita niya sa bahay na iyon ay glass kaya kating-kati na siyang matanong si Stilyan kung bakit salamin ang napili nitong materyales.
Lumabas siya sa veranda area at agad humaplos sa kanyang mukha ang malamig na hangin. Foggy na ang labas ngayong nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya naman para silang nakalutang sa ulap.
"Hello, Saki?" Malumanay niyang tanong habang pinagmamasdan ang maulap na paligid. Hindi na talaga niya makita ang mga nasa ibaba.
"Girl, totoo nakita mo si Keeno?!" Naghuhuramentadong tanong ni Saki. Halos mailayo tuloy niya ang phone sa tainga.
Naiiling siyang ngumisi. "Oo." Mayabang niyang sagot bago niyapos sa sarili ang isang braso. "At ang gwapo-gwapo niya. Totoo nga ang sinabi mong mawawalan ng hininga ang sinomang makakakita sa isang Ducani. At alam mo ba? Ang bango ni Keeno!" Pagkikwento niya rito habang pigil ang tawa. Oo, totoo naman ang mga sinabi niya. Exaggerated version nga lang para asarin si Saki.
Nagtititili si Saki sa kabilang linya kaya hindi na niya napigilan ang matawa. Ang kaibigan talaga niya, nawawala sa sarili kapag nakakarinig ng tungkol sa mga Ducani.
"Hoy, Jay! Akin ang mga Ducani. Wala akong pakialam kung bawal ang poligamy dito sa Pilipinas pero akin lang ang mga asawa ko! Iyo 'yang pintor!" Pagbabanta ni Saki na kinainit niya ng pisngi.
Si Stilyan ang tinutukoy nito. Ano ba 'yan? Hindi pa nga niya naikwento kay Saki na hinalikan na naman siya nito kanina sa fountain, heto na siya at namumula nang parang teenager na ninakawan ng first kiss. Isa pa, hindi niya pa nasasabing si S. Arsenov ay ang lalaking nakilala niya noon sa Bulgaria! Bibwelo muna siya. Kilala niya si Saki. Siguradong hindi na hihinto ang bibig nito sa oras na malaman kung sino ang may-ari ng bahay na fini-feature niya.
"A—Ano ka ba, Saki. H—Hindi ko gusto si Mr. Arsenov." Depensa niya.
"Weh?" She can imagine Saki's face right now. Wrinkled nose, furrowed brows, narrowed eyes. "Hindi mo siya type? Pangit ba?"
Pangit? Por Dios Por Santo! Ni kili-kilo yata ng lalaking iyon ay pwedeng sambahin! Ipinagkait yata rito ang salitang pangit!
"He's okay." She lied. Lumunok siya para pigilang isipin na naman ang guwapong pagmumukha ni Stilyan. "Hindi ko lang siguro siya type." Bravo. Sinungaling award goes to Jelyne Salmiaro.
"Type mo nga." Humalakhak si Saki. "Sige na. Isuot mo yung two piece mo mamaya tapos bumalandra ka sa harap niya para matapos na ang usapan."
Mahina siyang natawa sa kalokohan ng kaibigan. "Alam mo ba kung gaano kalamig dito? Tapos gusto mong magsuot ako ng gano'n?"
"Asus. Syempre siya na ang bahalang magpainit sayo, gaga!"
Umiling-iling na lamang siya. "Sige na. Babalik na ako sa loob baka kailangan na ako ng team doon."
Mapang-asar na tumawa si Saki. "Goodbye, Jay! I-kiss mo na lang ako kay Mr. Arsenov."
Natatawa ngunit pinamuulahan ng ngiting pinatay ni Jay ang tawag. Ibinulsa niya ang phone niya sa makapal nigang jacket saka siya tumalikod para bumalik sa loob ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang bultong sumakop sa isang bahagi ng salaming pinto.
Stilyan's expression was dark, almost feral. Mariin ang pagkakaigting ng panga nito habang may kislap ng inis sa berde nitong mga mata na matalim na nakatitig sa kanya.
Napalunok siya nang madama ang kakaibang awra ng lalaki. He was like a wildfire dressed in blue polo shirt and denim jeans. Sa kabila ng simpleng kasuotan, naroon ang kakaibang init na kayang ibigay ng binata sa kanyang sistema.
"M–Mr. A—"
"Looks like you haven't learn yet." He cut her off, his pools turned one shade darker, more prominent and dominating.
Namutla si Jay at kaagad na iniwas ang tingin nang mapagtanto ang ibig sabihin ng lalaki. "Stilyan..." Halos ibulong na niya iyon.
Hindi na kumibo pa si Steel kaya mas lalong pinanlamigan ng mga palad si Jay. May nasabi ba siyang hindi maganda? Or may problema lang sa mood ang lalaki at biglang ganito na ito umasta? Mali. Ito nga pala ang natural approach nito. Assuming lang siyang magiging mas mabait ito matapos siyang halikan kanina.
Gaga ka kasi. Pahalik ka naman kasi ng pahalik! Sermon niya sa sarilj bago bumuga ng hangin at sinimulang maglakad patungo sa pinto. "Babalik na po ako sa loob—"
"Shoot me the questions."
Napahinto siya at napatingala kay Steel na nasa tapat na niya. Madilim pa rin ang ekspresyon nito ngunit ang mga mata ay namumungay na tila may nais itong sabihin.
He licked his lower lip. Napababa tuloy doon ang tingin ni Jay. Mamula-mula ang mga ito at alam niyang napakalambot ng mga ito.
"You said you need to ask me some questions. Trial questions, right?" Ani Stilyan.
"Huh?" Napabalik siya sa reyalidad at mainit ang mga pisnging winaksi ang pagnanasa sa mga labi ng lalaki bago niya tinignan ang mga mata nito. "Ah, oo."
Mahina lang na tumango si Steel kahit pa parang nagtataka sa kinilos niya. Nang hawakan siya ng binata sa braso para dalhin pabalik sa pader ng veranda, halos tumalon palabas ang puso niya.
Damn jacket! Gusto niyang madama ang mainit na palad ng binata pero alam niyang hindi tama iyong naiisip niya. Nawawalan talaga siya ng delikadesa sa katawan kapag nasa malapit si Stilyan. Sinasabi na nga ba niyang ikasisira talaga ng prinsipyo niya ang lalaking ito.
Stilyan leaned on the glass railing while staring at her intently. Hindi niya maiwasang mapatitig pabalik. Para talagang black hole ang pares ng mga mata nito. Hinihigop siya nang hinihigop hanggang sa wala na siyang magawa pa.
"What's the first question?" Kaswal lamang na tanong ni Stilyan.
Tumikhim si Jelyne upang suwayin ang sarili sa mga naiisip tungkol kay Stilyan. "T—This house is so beautiful. Ang lawak. Mag-isa mo lang bang tumitira rito?"
"I have maids and S—"
"You know what I mean, Stilyan." Putol niya nang makita ang pangsasakasmo nito. Sumimangot pa siya rito pero tinignan lang ni Steel ang mga labi niya saka ito nakangising umiling.
"Damn, Jay. Tigilan mo ang pag-pout mo kung hindi baka mapudpod ko kaagad ang mga labi mo." He chuckled softly.
Namula ang magkabilang pisngi ni Jay at nahampas niya ang balikat ng binata. "Stilyan!"
Nagpigil ng tawa si Steel saka tumagilid upang mas maiharap ang katawan sa kanya. Ang braso nito ay nanatiling nakasandal sa railing pero ang mga mata nito ay talagang balak yata siyang tunawin.
"This house isn't made for a bachelor, Jelyne." His eyes glittered with emotions she wasn't sure he's willing to confess.
Lumunok siya at pilit hinanap ang lakas ng loob upang manatiling nakatayo sa kabila ng kakaibang epekto sa kanya ng titig ni Steel. "Kung ganoon, totoo ang balitang kaya mo iniwan ang showbiz ay para mag-asawa?" Kumirot ang dibdib niya sa hindi matukoy na dahilan.
Tumango si Steel. Mas tumindi ang kirot na gumapang sa puso niya. "Yes. I left showbiz because I want to settle down, and this house was built to shelter my own family."
Napakuyom siya ng kamao. Kung ganoon anong ibig sabihin ng paghalik nito sa kanya? Was he trying to cheat on his wife? Hindi pinangarap ni Jay ang manira ng pamilya.
"T—Talaga?" Her eyes flickered with regret. "Kung ganoon ay nasaan ang pamilya mo? Did they leave you? Did you cheat on your wife kaya wala sila rito?" Hindi na niya nakontrol ang sariling bibig.
Nagsalubong ang mga kilay ni Stilyan. Doon lang napagtanto ni Jay kung ano ang mga nasabi sa lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang bibig sa hiya. "I'm sorry. Hindi ko da—"
"My girl and my child will be home soon. Iniwan? Oo. Iniwan nila ako pero hindi dahil nagloko ako. I never cheated on the mother of my child pero pasensyahan din kami kung handa akong mantarantado ng ibang tao maiuwi ko lang sila rito." May gumuhit na inis sa mga mata ni Stilyan nang umigting ang panga nito.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Jay. Bakit parang may laman ang sagot ng binata? At kung ganoon, hinihintay lang pala nitong umuwi ang mag-ina sa kanya? Ang tanga rin niyang nagpahalik siya rito gayong kasal na pala ito sa iba. Kung sabagay, sa gwapo ba naman nito, imposibleng hindi ito makahanap ng mapapangasawa.
Humugot ng malalim na hininga si Jay saka pilit na ngumiti kahit hindi iyon umaabot sa mga mata niya. "Ang swerte naman pala ng asawa niyo kung gano'n."
Kumislap ang paghanga sa mga mata ni Stilyan nang marinig ang sinabi niya. Kusa na ring umangat ang sulok ng labi nito nang tila naalala ang babaeng mahal nito. Sumakit tuloy ang dibdib ni Jay kahit na hindi naman dapat.
"Well, I'm way luckier. That woman is for keeps. Imagine enduring a lot without complaining even once..." Lumawak pa ang kurba sa labi ni Steel habang bakas sa berde nitong mga mata ang labis na paghanga sa babaeng tinutukoy nito.
Lalo lang sumikip ang dibdib ni Jay. Gusto na tuloy niyang kutusan ang sarili dahil wala naman siyang karapatang makaramdam ng selos. s*x lang ang namagitan sa kanila. Hindi sila nagkaroon ng relasyon kaya hindi siya dapat umarteng akala mo ay nilapastangan siya nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at malamig na tinitigan ang binatang nakangiti pa rin. "Kaya dapat Sir hindi niyo na ako ulit halikan para hindi masira ang pamilya niyo. Ayaw ko hong iba ang isipin ng asawa niyo kapag nagkataong nakarating sa kanya ang ginawa niyo."
Tumaas ang kilay ni Steel at ang kaninang matamis na ngiti sa labi nito ay unti-unting naging makahulugang ngisi. "So you think I am cheating with my girl, Miss Salmiaro?"
Nayamot ang kanyang mukha. Talagang mahilig mamilosopo ang isang ito. "Tingin ko ho ay oo."
Steel pursed his lips together, trying to suppress hos chuckle. Magsasalita pa sana ito kung hindi lang tumunog ang phone nito. Pinanood niya si Steel na dukutin ang phone nito sa bulsa saka sinagot ang tawag at bahagyang lumayo sa kanya.
"Steel?" She heard a woman's voice before they had enough distance to keep her from hearing the rest of the conversation.
"Eve." Tugon ni Steel sa malumanay na tinig. Dumiretso ang lalaki sa dulong bahagi ng veranda.
She gets it alright. Hindi siya tanga kaya naman mabigat ang mga paa niyang tinungo ang pinto upang umalis na roon pero bago siya nakalayo, malinaw niya pang narinig ang sinabi ni Steel sa kausap.
"Thank you, Eve. I can't wait to see my child soon. Yes. I understand. Don't worry, this time hindi ko na sila papakawalan..."
Napasimangot si Jay at napamaktol sa isip na parang bata.
Hmp! Gago! Subukan mo pa akong halikan ipapakain ko sayo 'yang litanya mo!
A/N: Chapter dedicated to LalanahDonenah! ❤️
Thank you sa mga nagvote at comment sa story kong ito! Sana ay nagugustuhan niyo ang kabaliwan ko.