Chapter 6

1997 Words
Kabanata 6 Marahas na napabuntong hininga si Stilyan habang pinanonood ang grupo ng Kueva. Abala ang mga itong magset up ng kung ano-anong kakailanganin sa interview at sa shoots ngunit ang mga mata niya ay tanging sa isang tao lang nakatutok. Tahimik niyang pinagmasdan si Jay habang nakasandal siya sa kanyang piano. Nasa receiving area ang grupo ng Kueva Magazine at paminsan-minsan ay nahuhuli niyang sumusulyap sa kanya ang babae pagkatapos ay iiwas din kaagad saka pamumulahan ng pisngi. Stilyan knew both of them weren't teens anymore. Sa pagkakaalam niya ay anim na taon ang tanda niya kay Jelyne, but he still finds himself slightly smiling whenever he sees her blushing. Cute. He thinks she's really cute when she's acting that way. Binasa niya ang kanyang ibabang labi. Nang muli siyang tapunan ng tingin ni Jay ay kaagad tumaas ang isa niyang kilay, hinahamon ang babaeng labanan ang titig niya ngunit tatlong segundo lamang ang itinagal nito. Lihim tuloy siyang napangisi. Go ahead, Jelyne. I am a ruthless opponent and you've chosen the wrong game. Naalala na naman niya ang tanong ni Jay sa kanya kahapon. Kung tutuusin ay alam naman niyang itatanong at itatanong din nito iyon kung sakali mang naaalala pa nito ang tunay niyang pangalan at gumawa ito ng paraan para makilala siya. He just expected her to ask it earlier than expected. He meant literally years ago. Pero ano? Walang paramdam na ginawa ang babae at siya pa ang kinailangang kumilos para lang magtagpo na ulit ang landas nila. He sighed then moved towards the piano chair. Dinama ng kanyang mga daliri ang mga nota, hanggang sa humugot na siya ng malalim na hininga bago isinara ang mga mata kasabay ng pagtipa niya para sa isang magandang kanta. "Can you tell me how you did it? How you caught my heart in just a minute?" He started singing and suddenly, everyone froze and automatically gazed over his direction. Para bang biglang naagaw ng lambing ng kanyang tinig ang atensyon ng bawat isa, at nang imulat niya ang mga mata, he met the most dazzling pair of caramel eyes, staring intently at him with amusement. Parang hindi nito inasahan ang ganda ng kanyang tinig at husay niya sa pagtugtog. She should have known if she already knew who he really was before he became S. Arsenov—the painter. Stilyan Lankova is a well-known singer-composer in Bulgaria. Marami ang nagtangkang hanapin siya matapos niyang maglaho sa harap ng camera at entablado dahil sa isang dahilang sila lang ng mga pinakamatalik na kaibigan at si Sancho ang nakakaalam. With the help of the brotherhood, nanatili siyang anino ng naglahong singer na si Stilyan "Steel" Lankova. The paintings of S. Arsenov were born, but his real identity became confidential. Kaya nga ilang beses pa siyang tinanong ng mga kaibigang myembro ng Kueva Brotherhood kung sigurado na ba siyang handa na siyang maipakilala sa mundo bilang myembro. He knew being exposed in the magazine will cause him a lot of trouble, but it's now or never. His plans need to be executed and it is a risk worth taking. She's worth taking... "I know you know how much I love your smile, your kiss your touch, baby you drove me mad." His jaw clenched and pain suddenly registered in Jay's eyes when he sang the last line in a low, almost in an ashamed tone. "But why did you go when I already drunk in love?" Their gazes locked, and Stilyan felt a sting inside his chest when he saw how Jay pressed her lips hardly together to hide her emotions. Naputol lamang ang titig nila sa isa't-isa nang biglang nagsipakpakan ang mga myembro ng Kueva Magazine maliban kay Jay. "Ang galing palang kumanta ni Sir Arsenov. Anong kanta po yan?" Tanong ni Britney na may malaking ngiti sa mga labi. "Drunk in love." Matipid na ngumiti si Steel bago sumimple ng irap kay Jay. "I wrote it after someone decided to leave me hanging." Nanlaki ang mga mata ni Roldan. "Kayo ang sumulat, sir? Ang galing niyo naman. Ang lalim pa ng meaning ng kanta parang hugot na hugot kayo." Tumawa ito at nakipag-apir kay Glenn na malaki rin ang ngisi. "Parang broken hearted kayo nung isinulat niyo Sir ah? Grabe ba ang ginawa ng chiks niyo sa inyo?" Tanong ni Glenn. Bumuntong hininga si Steel saka niya sinuklay palikod ang kanyang buhok. Binasa niya ang kanyang labi gamit ang dila saka muling sumulyap kay Jay. "Let's just say she brought the worst of me." "Ohhhh!" Umalingawngaw ang kantyaw ni Glenn at Roldan. "Broken hearted nga si Sir." Ani Glenn at tumawa habang si Jay ay halos hindi na makatingin kay Stilyan. "Naka-move on ka na ba, Sir?" Halatang interesadong tanong ni Britney. Napalunok si Jay nang hindi agad sumagot si Stilyan. Nang iangat niya ang ulo para tignan ulit ang binata, ganoon na lang ang kabog ng kanyang puso nang makita ang titig nito sa kanya. He's staring at her—with uncertainty. Tila hindi ito sigurado sa gusto at dapat maramdaman. Tila may galit, panunumbat, pero nandoon ang pagtatanong at paghingi ng paliwanag. Pero bakit nga ba ganoon ito? What they shared was just s*x, hindi ba? Hindi nga ba, Jay? Anang isang bahagi ng isip niya. Napakagat labi tuloy siya at hindi na naalis ang tingin kay Stilyan na sa kanya rin nakatutok ang malungkot na mga mata. Stilyan breathed sharply before he flashed a ghost of a smile. "Why would I? Kailangan ba?" Tanong ito saka tumingin kay Britney. "Ay taray. Bakit Sir ayaw mo bang magmove on? Baka naman gusto na rin niyang magmove on ka." Ani Britney. Umigting ang panga ni Steel. Mayamaya ay nabaling na naman kay Jay ang tingin nito ngunit sa pagkakataong ito ay blangko na ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata nito. "Kailangan na ba?" Napaawang ang labi ni Jay sa biglaang tanong ni Steel. Nagwala ang dibdib niya at halos manlamig ang kanyang katawan ngunit mayamaya ay muling nagsalita si Stilyan. "Ano sa tingin mo, Ms. Salmiaro? Ikaw lang kasi ang babae rito, no offense meant, Brit." He motioned his hand as if emphasizing his point with Britney's gender before he folded his arms in front of his broad chest. "I wanna know what a woman would say." His nostrils flared, challenging her to speak her mind. Napalunok si Jay habang pinanlalamigan ng mga palad. Lahat sila ay nakatutok sa kanya na parang hinihintay siyang sumagot. Ilang beses niyang binuka ang kanyang bibig pero walang salitang lumalabas doon. She sighed heavily. Hinawi niya ang ilang hibla ng kanyang brown na buhok bago pinagmasdan si Stilyan na parang hinihiling na sagutin niya ang tanong nito. Whatever is up with him, she doesn't want to know anymore. "I—If I were her, b—baka sabihin ko sayong dapat na. I mean, n—nobody should be caged in emotions someone who gave can never mend. Hindi mo deserve na madama ang mga pangit na emosyon, at hindi niya deserve na magkaroon ng space sa buhay mo kung siya lang ang dahilan ng mga problemang dumating sayo." Nawala na siya sa sarili sa mga huling salitang binitiwan niya ngunit kita niya ang pagdilim ng ekspresyon ni Stilyan. May nasabi siyang hindi nito nagustuhan,sigurado siya roon pero hindi niya alam kung alin doon. Tama naman siya. Stilyan is way out of her league and he knew he deserves way better than what he's feeling. Tumukhim si Jay nang mabalot ng matinding katahimikan ang lahat dahil sa sinabi niya. Nilapag na lang niya ang notebook na kanyang hawak saka siya tumayo at iniwas ang tingin kay Steel. "Excuse me. I think I need to get some air." Mababa ang tinig niyang paalam bago lumabas patungo sa hardin kung saan mayroong fountain. Natutuwa siya dahil estatwa ni Atlas ang naroon, pero, iyong likod lang nito ang pumapasan sa mundo—at ang mga braso nito ay nakaalalay sa likod ng isang babae. Jay wasn't that familiar with Greek and Roman Myths, but she finds the sculpture fascinating. It was telling a story. A beautiful story she wish the artist itself could tell her. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang scupture at ang tubig na lumalabas doon bago niya nadama ang isang pamilyar na bulto sa kanyang tabi isang hakbang ang layo mula sa kanyang pwesto. Stilyan took out a coin from his pocket. He kissed it then tossed it towards the fountain. Nakuha tuloy niya ang atensyon ni Jay. "Is it a wishing fountain?" Mahinahong tanong ni Jay habang ang mga mata ay tutok pa rin sa scupture. "No." He laughed softly. "I justlve doing it, sending wish in every fountain I see." Mahina rin tuloy natawa si Jay saka siya bumuga ng hangin. "Ang ganda ng sculpture." Kumurba ang labi ni Steel habang titig na titig din siya sa fountain. "Thank you. It took my friend almost a year to do it. Ang arte ko raw kasi." Nanlaki ang mga mata ni Jay at napatingin siya kay Stilyan. "Your friend did that? Siya rin ba ang nagdesign?" Umiling si Steel saka sumulyap sa kanya. "No. The design was mine." "Ah," napatangu-tango si Jay bago niyakap ang sarili. Napakalamig talaga sa lugar na iyon. "Ang lalim yata ng meaning sa likod ng design." Mapaklang napangiti si Steel. "If only you have an idea, Jelyne." Nangunot ang nuo ni Jay dahil sa sinabi ni Steel, ngunit nang magtama muli ang kanilang mga mata, gumuhit sa kanyang mga mata ang lungkot. "You just quit." She uttered. "Iniwan mo ang kasikatan mo para magpakasal hindi ba?" Stilyan's expression darken, and his eyes flickered with agony that scarred her heart. Inisang hakbang niya ang kanilang distansya at nang haplusin ng dulo ng daliri nito ang kanyang nilalamig na pisngi, naramdaman na naman niya ang mga bagay na si Steel lang talaga ang nagawang makapagpadama sa kanya. Halu-halo. Naroon ang pagtalon ng puso niya kapag nasa paligid ito. Naroon ang pagkatuliro niya kapag tinititigan siya nito. Pero naroon din ang lungkot dahil sa mga bagay na hindi niya pwedeng sabihin nang basta rito. Hinaplos ni Steel ang pisngi niya gamit ang hinlalaki. "You didn't try to contact me." Mahina ang tinig ng binata pero naroon ang sumbat. Lumunok siya at iniwas ang tingin ngunit nanatiling humahaplos ang hinlalaki nito sa kanyang pisngi. "K—Kasi yun naman ang tamang gawin. What we had was just a casual hook up. We barely know each other anyway. Ni hindi ko nga alam na ganoon ka pala kasikat sa Bulgaria. Mabuti na lang din at hindi kita kinulit dahil baka maging issue pa ako sa career mo." Steel stiffened, and when Jar raised her gaze to meet his again, bahagya siyang nakadama ng takot sa nakitang madilim at tila galit na ekspresyon ng lalake. Nagtagis ang bagang nito at naningkit ang mga mata sa kanya ngunit nang hilahin siya nito palapit, halos mahigit ni Jay ang kanyang hininga nang humaplos ang mainit na hininga ni Steel sa kanyang mukha. Steel lowered his head. Nilapit nito ang mukha sa tainga niya habang ang mga kamay nito ay kinakabig ang katawan niya para lalo silang magdikit. "Just a casual s*x?" Tila nainsulto itong humalakhak sa tapat ng kanyang tainga bago nito inakyat ang isang kamay patungo sa likod ng kanyang ulo. Ganoon na lang ang pangangatog ng tuhod ni Jay nang walang anu-anong inangkin ng binata ang kanyang mga labi sa nakakalasing na paraan. He taunted her lips, chewed it, until she finally groaned and he found his way in her mouth. Naisara na lang niya ang kanyang mga mata nang walang patawad siyang nilunod ng binata sa isang nakakalasing na halik hanggang sa halos maubusan na sila ng hininga. Their eyes bore at each other as they panted after their sultry kiss, but in Stilyan's pools were nothing but his desire for more. More of her lips—and her body. Sumabunot muli ang kamay nito sa kanya at nang halos isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga labi, muling nagsalita ang binata dahilan para mangatog lalo ang mga tuhod niya. "Let me claim your lips and your body until you realize the difference of what we had with your definition of a casual sex." Hinalikan siya nitong muli saka sinipsip ang ibaba niyang labi. "For the record, you hurt my ego, and you're gonna pay for that." A/N: Chapter dedicated to Ressy6020!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD