Kabanata 5
Ano kaya yun? Gustong makipag-usap pero maghanda raw muna ako? Ay ewan. Tumunog lang ang cellphone niya ayaw na akong kausapin. Maktol niya.
Hindi pa rin siya naniniwalang may iba pang myembro ng Kueva brotherhood ang magkakainteres sa kanya. Alam kaya nila ang totoo tungkol sa kanya? Hindi ba sila aware sa eskandalong halos ikamatay niya na noon?
Malamang hindi. Ang mommy pa ba niya? Handa iyong maglustay ng pera mapangalagaan lang ang pangalang dala nila.
Stilyan didn't tell her who's the other member he was referring to. Nang ihatid siya nito sa guest house sa paanan ng bundok, hindi na siya nito kinibo pa dahil abala na ito sa kausap sa cellphone. Medyo nadismaya pa nga siya dahil hindi pa siya diniretso roon sa bahay mismo ni Stilyan at bakit kailangan pa niyang magpalipas ng gabi sa paanan ng bundok kasama ang dalawang taga-silbi habang ang mga kasama niya ay siguradong pinagpi-pyestahan na anuman ang ihahain ni Stilyan sa kanilang hapag.
Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Tapos na siyang magshower at maghapunan kaya nagdesisyon na lang siyang pumunta ng silid na pinagamit sa kanya. Simple ang bahay sa paanan ng bundok. Konkreto naman ito ngunit ang karamihan sa gamit ay may tatak ng iba't-ibang probinsya sa Pilipinas. Mula sa mga nakasabit na malalaking pamaypay sa pader ng sala, sa mga kahoy na kagamitan sa kusina, hanggang sa mga mwebles at mga pigurang inukit mula sa kahoy, halatang nahumaling nang husto si Stilyan sa kanyang bansa.
Kung tutuusin ay sa tatas pa lang nitong magtagalog ay mababakas na iyon. Halos wala na nga itong accent kung makipag-usap sa kanya sa lenggwaheng kinamulatan niya at bilib siya sa lalake dahil doon. Iyon nga lang, isang malaking palaisipan pa rin kung bakit ito napadpad sa Pilipinas gayong ang huling kita nila ay sa Bulgaria. Lasing siya. May nangyari sa kanila, pero hindi siya nito napaamin ng pangalan niya.
She knew Stilyan's name. He showed her his license before to earn her trust but she ended up pulling her own underwear down to give him herself.
Great. Those steamy memories were lingering inside her again! Nadadama tuloy niya ang pagpintig ng perlas niya. Nakakahiya! Para tuloy siyang nahahayok sa haplos nito. Who could blame her anyway? Stilyan was her first and her only. Nakakatawa pero iyon ang totoo.
Pilit niyang winaksi ang kahalayaang naiisip bago pa man sumabog ang obaryo niya. She knew picturing out Stilyan in that dark room, with erotic expression sketched in his handsome face, while their bodies were becoming one, was nothing but danger. Danger to her mind, heart, and soul. Sapat na iyong naiahon siya nito noon sa madilim na bahagi ng buhay niya. Ang kapal na lang yata ng mukha niya kung gagawin niya ulit ang ginawa niya noon. Hindi na siya bata para maghubad ng panty nang basta na lang. May iba na siyang dapat isaalang-alang ngayon at hindi niya iyon pwedeng kalimutan.
Bumuga na lang siya ng hangin saka nilikot ang phone para tignan kung nagreply ba si Saki sa chismis niya tungkol kay Keeno pero wala. Isa yata iyong himala na dapat niyang ipag-alala.
She checked the time. Past ten na pala. Ganoon ba siya katagal nagmuni-muni kanina at hindi niya namalayan? Hindi na siya pwedeng tumawag sa bahay nila para kumustahin ang papa niya at si Saharah dahil siguradong kung ano-ano na naman ang maririnig niya sa mama niya.
Nagpasya na lang siyang pumunta sa Google at tinipa ang pangalan ni Stilyan.
She typed Stilyan Arsenov. Pero puro paintings lang ni S. Arsenov ang pinapakitang results. Most of it were abstracts of dark shades and hues. Mahilig din si Steel sa mga paintings na sa dilim lang pwedeng makita. He was one of the most recognized dark painting artists and she knew he deserved it. Nakakamangha ang mga gawa nito kahit hindi niya naiintindihan ang mensahe. Sabi nila ay ganoon naman talaga. The artist will reveal the message through the artwork, but will let you decipher it. Kaya lang madalas ay hindi naman nasasagot ang tanong sa bawat bakit ng mga tumitingin sa mga larawan. Misteryoso talaga ang mga artist sa kahit anumang larangan.
She sighed when she really didn't find any result about Stilyan's background. Magagamit din sana niya iyon para sa interview kaya lang ang lahat ng details about the artist, S. Arsenov ay pawang umiikot sa larangan ng sining at sa tagong buhay nito sa Pilipinas. Many even claimed S. Arsenov was a girl. Ang delicate daw kasi ng mga brush strokes niya.
Jay rakes her fingers on her hair before she tried to think for a moment. Bigla niyang naalala ang pangalan ni Stilyan sa license nito.
Her eyes widened. What if iyon...
Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Tinipa niya ang natatandaang pangalan ni Stilyan. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi Arsenov ang gamit nito noon. He showed that license twice to her. Una ay noong pinapakalma siya nito unang beses silang nagkita. Pangalawa ay noong ayain siya nitong magkita ulit sila. Wala na siyang tama noong pangalawang beses niya itong nakita kaya sigurado siya.
Stilyan Lankova
She pressed the search button, at nang bumulaga sa kanya ang isang article at ang larawan na naka-attach doon, halos hindi na kumurap ang mga mata niya.
KUNG pwede lang na literal na malaglag ang panga, kanina pa kumalas ang sa bungo niya ang kay Jay. Para ba naman siyang nasa panaginip nang makita na ang bahay—mali. Ang mansyon ni Stilyan ay nasa isa sa pinakamataas na bahagi ng Sagada! Kinailangan pa nilang sumakay ng cable car patungo roon mula sa guest house na akala mo ay mags-ski lang sila.
Kung hinangaan na niya ang lokasyon, mas ngumanga siya sa mismong mansyon. It was made with thick glass and wood frames, creating a floating like vibe for the mansion when it's foggy. Tatlong palapag ito ngunit maliit na ang nasa tuktok. Sa palibot ng glass mansion ay iba't-ibang uri ng halamang hindi pa nakita ni Jay noon. May malalaki, may maliliit, may mga bulaklak na halatang exotic. Parang pinaghalo ang jungle at futuristic theme sa kabuuang architecture ng outer design.
Hindi niya na maalis ang ngiti sa labi habang hinahaplos ng kanyang palad ang glass handle ng paakyat sa main door. Parang basag-basag ang loob no'n at may mga nakahalong pinturang naging disenyo.
"That's fiber glass. I had it customized in Romania." Ani Stilyan sa malamyos na tinig nang mapansing napukaw ng handle ang kanyang atensyon.
Nabaling ang tingin niya rito habang nakangiti pa rin. "This is fascinating. I can't wait to see the interior."
Bahagyang ngumisi si Steel saka nagpatiunang naglakad. "Wait 'til you see the master's bedroom."
Pakiramdam ni Jay ay biglang uminit ang kanyang katawan sa sinabi ng binata. Lumunok siya at sandaling tumigil sa paghakbang habang pinagmamasdan ang likod nito. Jesus Christ he's still sexy even when he's facing the opposite direction! His broad shoulders seemed inviting. Parang ang sarap sumandal doon. Ang mga hita, parang alagang-alaga sa ehersisyo. Tapos ang pang upo... Manyak, Jay! Manyak!
Nilunok niya ang namumuong kahalayan nang kahit paano ay matauhan bago siya tumikhim. "M—Master's bedroom?"
Huminto si Steel sa harap ng higanteng double door na may nakaukit na S at A na pinagdugtong. He looked at her over his shoulder with brows furrowing. "Yeah. You're gonna check the whole house for the article, right?"
"Oh," namula ang kanyang mukha at nahihiya niyang nakamot ang gilid ng kanyang ulo habang ngingiti-ngiti. "S—syempre naman. P—Para sa article."
Ngumisi si Stilyan sa kanya habang may kislap sa mga mata. Kislap na pamilyar na pamiyar kay Jay. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya na ito ngayon. Ang tagal ng panahon na mula noong huli niyang napagmasdan ang lalake sa Bulgaria at hindi na siya umasa pang magku-krus pang muli ang landas nila. Isa pa, wala siyang naging lakas ng loob na hanapin ito gamit ang internet kasi ano ba ang namagitan sa kanila? That was just s*x. Guwapong lalake si Stilyan, at sa nalaman niya kagabi, alam niyang tama ang naging desisyon niya na hindi ito gambalain noong mga nagdaang taon.
Bahagyang kumunot ang noo ni Stilyan nang mapansin ang pagkatulala sa kanya ni Jay. Napawi ang kurba sa labi nito at bumalik siya sa direksyon ni Jay para hawakan ito sa braso sa masuyong paraan.
Pakiramdam ni Jay ay kinuryente siya nang maramdaman ang paghaplos ng kamay ni Stilyan sa kanyang brasong natatakpan lang ng long sleeve niya.
"I—Is something wrong?" Nagtatakang tanong ni Stilyan sa kanya.
Jay flashed a weak ghost of a smile, her eyes flickered with anticipation but her heart was shouting, begging for her to ask him.
"M—Mr. Lankova?" She gulped as his eyes narrowed when he heard what she called him but she didn't hesitate. "W—What happened on May 7, four and a half years ago?"
Kitang-kita niya ang pagdilim ng ekspresyon ni Stilyan, at nang nagtagis ang bangang nito habang matalim na nakatitig sa kanya, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga.