Rachell POV "You're one month pregnant congratulations!" Masayang anunsyo ng doctor na tumingin sa akin. Marami pa ito sinabi pero hindi ko na ito napagtuunan ng pansin dahil sa halo halong nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na aaaring mangyari ito at nararamdaman ko naman na ang mga sintomas ng pagiging buntis pero hindi ko pa din naiwasan di mabigla sa nalaman ko. Totoong masaya ako sa biyayang ipinag kaloob sa akin ng taas. Blessing ito e. Ang iniisip ko ay ang magiging reaction ni Kevin. Magiging masaya kaya siya? Magsisigaw o hihimatayin ba siya sa saya? o kabaliktaran ang mangyayari? "Anong sabi?" Bungad tanong sa akin ni Franz ng makalabas na ako ng opisina ng doctor na tumingin sa akin. "B-buntis ako." Bulong ko ngunit tama lamang para marinig nito. "Buntis ka?" " Tal

