"Saan ka galing?" Tanong nito habang hindi pinuputol ang napaka lamig nitong titig sakin habang pababa ng hagdan. Malamig? Anong nangyari sa malambing nitong boses at pakikitungo na tila totoong mahal ako nito? Lahat ba yun ay hindi totoo? At Kailangan kong magising sa katotohanan na kahit kailan hindi nito magagawa sakin ang ganitong gestures dahil ang lahat ng meron kami ay matatapos din at may babaeng mahal ito na nag hihitay sa muli niyang pagiging binata oras na mawalan bisa ang kasal namin. " S-sa... dyan sa tabi tabi lang kumain ka na ba?" Pinilit kong maging normal ang tunog ng boses ko at kilos ko. Humahanap pa kasi ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang kalagayan ko. " Pwede ba Rachell wag mo akong pinagloloko." Madiing saad nito nang mahuli nito ang braso ko at hawakan n

