Napapikit ako ng makarinig ingay mula sa labas ng Cr ng kwarto ko. "Rachell?" Rinig kong katok ni Kevin mula sa labas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko ito mapag buksan o masagot man lang dahil sa kalagayan ko ngayon. At kahit gusto ko man ito sagutin at pagbuksan ng pinto ay hindi ko talaga kaya gawin dahil walang tigil sa paghilab ang tyan ko na para bang pati bituka ko gusto niyang lumabas. " Blargh! Blargh." I threw up again. Hindi ko alam pero heto na naman yung pag susuka ko akala ko pa naman nakaligtas na ako kasi ilang araw o linggo na ata na di humilab ang tyan ko, ngayon na lang talaga ulit. " Blargh! Blargh." Grabe ramdam ko yung pagragasa ng mga butil ng luha sa mga mata at sa nakikita ko at tila pakiramdam ko naglilitawan na ang mga ugat ko sa noo sa labis na pagsusuka

