"Isa! Rachell Asteria Santos! kapag hindi ka pa bumaba dyan talagang magagalit na ako sayo!" Banta pa nito. Tila hindi natuwa sa biro ko. Nag hahabang ngusong humakbang na ako sa bawat gilid ng puno kung saan may pwede ako apakan pababa " Heto na nga po e bababa na." Ipinakita ko dito ang reaction ng mukha ko at ang tunog ng boses ko sa tuwing nagtatampo ako. " Di mo ako madadaan sa ganyan." Saad nito. Ang lalim ng tunog na boses nito at tila hindi ito nakukuha sa pagpapaawa effect ko sa halip tinaasan lamang ako nito ng kilay pahiwatig na hindi ko ito maloloko sa pagpapaawa effect ko. " Ano bayan!" reklamo ko dito ng makita ko ang reaction nito. "Para ka talagang si papa kulang nalang palitan mo na si papa sa pwesto niya e. Mas malalala ka pa nga ata kesa kay papa kung mag bantay, par

