Anak Ng Callboy Chapter 43 "Bakla, kamusta ka na?" masayang sabi ni Amir. "Amir, naman! Kung makabakla ka naman wagas! Ang daming tao rito nakakahiya," inis na sabi ni Hayes. Pinanlakihan pa niya ng mga mata ang kanyang kaibigan na si Amir. Nakita pa ni Hayes na nagtawanan pa ang mga iba pa niyang kaibigan na sila Carlos at Nixon. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang tatlong kaibigan. Kararating lang niya galing siya sa West View University. Sa pagdadalawang isip niyang pumunta sa bayan ng Prado sa Rald's Box Café ay napagdesisyunan niyang pumunta na lang kaysa siya na naman mag-isa sa condo unit niya sa bayan ng Isidro. Umupo siya sa tabi sa tabi ni Nixon. "Kamusta naman ang butihing guro ng West View University?" ngiting tanong ni Nixon. Napatingin sa kanya si Hay

