Anak Ng Callboy Chapter 42 "Dude anong nangyari dyan sa wrist mo?" takang tanong ni Pierce. "Don't tell us 'yan ang bago mong style?" ngising tanong ni Zenon. Nakita nila Zenon at Pierce na nakabenda ang dalawang wrist ng kanilang kaibigan na si Gunner. Dalawang araw itong hindi nagpakita sa kanila. Dalawang araw din itong hindi pumasok. Hindi nila alam kung may iba pa ba itong problema bukod sa gang war na kinasasangkutan ng gang nila? "Wag nga kayong maraming tanong! Ano pala balita sa gang war na iyan? Hindi ba talaga titigil 'yang si Jagger, na iyan?" inis na sabi ni Gunner. Nandito silang tatlo sa classroom kung saan hinihintay na lang nila ang susunod na huling klase nila na literature. Inaasahan na ni Gunner na masesermunan na naman siya ng kanilang professor na si Mr. Ha

