Anak Ng Callboy Chapter 33 "Raddix puwede ka ba namin maimbitahan sa birthday ni Miguel mamaya?" ngiting sabi ni Draven. "Hmm… Hindi ko alam kung puwede ako mamaya? Inuman ba 'yan?" usisa ni Raddix. Sa mga nakaraang araw ay masyadong naging abala si Raddix sa kanyang trabaho sa fast food chain at sa pagiging callboy niya. Paspasan ang kanyang dalawang trabaho. Magdadalawang buwan na noong may mangyaring hindi maganda sa kanyang ama at pati na rin sa kanyang kinakapatid na si Lexus. Pagkatapos ng isang buwan at kalahati ay nakalabas na sila ng hospital. Medyo okey na ang kalagayan ng kanyang ama. Nawala na ang mga sugat at pasa nito sa mukha at katawan nito. Pumayat nga lang ito. Si Lexus ang nagbabantay sa kanilang ama ngayon. Nakakakain na ito ng maayos hindi tulad noon na konting

