Anak Ng Callboy Chapter 32 "May napapansin ka ba sa boyfriend mo lately?" usisang tanong ni Faizah. Ngayon araw na ito ay magkasama sila Faizah at Ariadne sa Rald's Box Café sa bayan ng Prado. Naisipan nilang pumunta sa nasabing coffee shop. Dumadayo talaga sila sa bayan ng Prado para magkape at kumain ng masasarap na cakes and pastry ng Rald's Box Café. "Yeah! Masyado itong mainitin ang ulo. Madalas kaming mag-away ngayon sa h-hindi ko malaman na dahilan. Minsan kapag nagtatalik kami masyado siyang brutal," kunot noo sagot ni Ariadne. Maraming napapansin si Ariadne sa kanyang kasintahan na si Gunner Chua. Sa nakalipas na isang buwan ay parang ibang-iba ang ugali ni Gunner. May mga pagkakataon na ayaw siya nitonh kausapin. Minsan naman ay abala ito sa cellphone nito. Hindi maalis

