Anak Ng Callboy Chapter 17 2.2 "Oo kanina pa. Narinig ko lahat." ngising sabi ni Draven. Hindi sinasadya ni Draven, na marinig niya ang usapan nila Sir Hector at ang gagong si Raddix. Lumitaw na rin ang tunay na ugali ni Raddix. Tulad niya ay mukha rin itong pera. Narinig niyang kailangan daw nito ng pera para sa gastusin sa hospital. Napapailing na lang siyang nakatingin ngayon kay Raddix. "Ano Raddix? Kailangan mo ng pera? Ibinebenta mo pa ang katawan mo kay Sir Hector?" pangungutya ni Draven. Nakangisi nakatingin si Draven, kay Raddix, na seryosong nakatingin sa kanya. Napatingin din siya kay Sir Hector, na umiiling na nakatingin sa kanya. Para bang sinasabi nito sa kanya na wag na siyang magsalita? "Raddix, tara na sa opisina ko." ngiting sabi ni Hector. Ayaw na patulan ni

