Anak Ng Callboy Chapter 17 1.2 "Sir Ano po kailangan ninyo?" ngiting tanong ni Raddix. Hindi na hinintay pa ni Raddix, na sumagot ang chinitong lalaking nasa loob ng kotse. Mabilis ang lakad niya papunta sa passenger seat at nagpapasalamat siya dahil hindi ito naka-lock. Agad niyang binuksan iyon at isang malawak na ngiti ang nasa guwapong mukha niya habang nakaupo siya sa passenger seat. Tinignan niya ang chinitong lalaking nasa driver seat na nakakunot noo nakatingin sa kanya. "Sino nagsabing pumasok ka sa loob ng kotse ko?" kunot noo tanong ni Gunner. Nagulat si Gunner, dahil bigla na lang pumasok sa loob ng kotse niya ang binatang lalaki. Lalo siyang napakunot noo dahil ang lawak-lawak ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung

