Anak Ng Callboy Chapter 51 "Dude mukhang hindi maganda ang araw mo ngayon?" ngiting tanong ni Zenon. Nagkatinginan pa sila ng kanyan kaibigan na si Pierce. Alam ni Zenon na hindi maganda ang araw ngayon ng kanyang kaibigan na si Gunner. Hindi lang ngayon kundi kagabi pa. Nagulat nga silang dalawa ni Pierce na inimbitahan sila nito na dumalo sa family dinner. Kung saan pinagdiwang nila kagabi ang kaarawan ng pinsan ni Gunner na si Calum. Napaatras na lang siya dahil biglang napatingin si Gunner sa kanya ng masama. "Wala akong panahon na makipagbiruan sa'yo Zenon," seryosong sabi ni Gunner. Ibinalik niya ang tingin niya sa puno ng akasya. Nandito sila ngayon sa parking lot ng West View University. Tapos na ang mga klase nila at naisipan niyang tumambay na muna rito. Ayaw pa niyang um

