Anak Ng Callboy Chapter 52 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Seryosos ka ba Gunner?" pagtatakang tanong ni Ariadne. "Buti nag-aya ka na pumunta sa Atlas Bar sa Bayan ng Prado?" usisa ni Zenon. "Mukhang okey na yata kayo ng pinsan mo si Calum?" ngising tanong ni Pierce. "Kung ayaw niyo sumama ay wag kayo sumama," seryosong sabi ni Gunner. Pati si Gunner ay nagulat siya sa sinabi niya sa kanyang pinsan na si Calum. Bigla na lang lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon. Wala siyang pakialam sa kaarawan ni Calum. Ang gusto lang niya ay makausap si Raddix. Nagugulat siya sa mga impormasyon na nalaman niya tungkol sa guwapong lalaking si Raddix. Hindi niya akalain na elementary lang pala ang tinapos nito. Hindi iyon nasabi ni Rainer sa kanya. Bukas na bukas

