Anak ng Callboy Chapter 10 "Oh! Raddix, kamusta naman dyan? Sino pala kasama mo kanina sa loob ng mamahaling kotse kanina." ngiting sabi ni Mang Thomas. "Ok naman Mang Thomas!" ngiting sabi ni Raddix. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating na siya sa kanto. Kung saan mag-aabang siya ng jeepney papunta sa convinient store. Doon na lang niya hihintayin si Sir Hector. Hindi na masyadong pinansin ni Raddix, si Mang Thomas, dahil alam niyang makikiusisa lang ito. Hindi na rin niya sinagot ang tanong nito sa kanya dahil siguradong ipagkakalat na naman nito ang nakita niya kanina. Malapit lang kasi ang tindahan ni Mang Thomas, sa kanto kung saan siya ngayon naghihintay ng jeep. Kilala si Mang Thomas, na chismoso sa Malawi Compound lahat yata ng mga kaganapan dito sa compou

