Anak Ng Callboy Chapter 11 "Kuya X, bat hanggang ngayon ay wala pa si tatay?" takang tanong ni Lexus. Nandito sila ngayon sa harap ng simbahan sa Bayan ng Isidro. Naghihintay sila ngayon na matapos ang mga nagsisimba para maibenta na nila ang mga sampaguitang tintinda nila ng Kuya X, niya. "Hindi ko nga rin alam. Ito na ang pinakamatagal na nawala siya. Ang ibig kong sabihin ay dalawang linggo na ito hindi umuuwi sa bahay." sabi ni Raddix. Dalawang linggo na hindi umuuwi ang ama nila Raddix. Hindi naman niya ito matawagan dahil wala itong cellphone. Sa pagkakaalam niya ay ibinenta nito ang cellphone kay Mang Thomas. Noong nakaraan buwan ay kinausap siya ni Mang Thomas, nang minsan na bumili siya ng pandesal sa tindahan nito. Sinabi nga sa kanya ni Mang Thomas, na pinagbili ng ama ni

