Anak Ng Callboy Cahpter 56 "Kamusta?" ngising tanong ni Jagger. Kanina pa pinagmamasdan ni Jagger ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Nakaakap ito sa kanyang matipunong katawan na para bang mag-asawa silang dalawa ni Raddix. Pagkatapos nilang magtalik ni Raddix ay nakatulog ito sa sobrang pagod. Sinabi nito sa kanya kanina na inaantok pa ito kaya 'di namalayan ng guwapong callboy na nakatulog ito. Pinunasan niya ito ng mamasa-masang face towel ang buong katawan nito. Pati na rin ang guwapong mukha nito ay pinunasan niya. Pagkatapos niyang nilinis si Raddix ay tumabi siya sa tabi nito at natulog siyang yakap-yakap niya ang guwapong callboy. "Nakatulog pala ako?" tanong ni Raddix. Pungas-pungas na tumingin ang guwapong callboy kay Jagger. Nakangisi itong nakatingin sa kanya

