Anak ng Callboy Chapter 25 "Kuya X, buti dumating ka na," ngiting sabi ni Lexus. Kanina pa hinihintay ni Lexus ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kuya Raddix. Kakaalis lang ng Kuya Jamison niya. Nagpaalam ito na bibili nang pagkain nila. Nagulat na lang siya ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki. Hindi niya ito kilala pero binati siya nito. May dala itong maraming prutas na nakalagay sa basket. Tinignan lang ng lalaki ang kanyang ama na mahimbing na natutulog. Ilang sandali lang ay nagpaalam ito sa kanya. Sayang nga lang hindi niya naitanong ang pangalan nito. "Bakit? Takot ka na naman?" tuksong sabi ni Raddix. Kakauwi lang ni Raddix, galing sa trabaho niya sa fast foo chain. Hindi na muna siya pupunta sa huling kanto ng Malawi Compound para makapagpahinga si

