Anak Ng Callboy Chapter 26 "Dude nagkaroon na naman ng ramble sa pagitan ng ilang miyembro ng gang natin at ang mga miyembro ng Black Tiger," seryosong sabi ni Zenon. Kakatapos lang kinausap ni Zenon, ang isang miyembro ng gang nila. Binalita sa kanya ang nangyari. Masyado na malala ang away sa pagitan ng Blue Flynns Gang at Black Tiger Gang. Lima sa mga miyembro nila ang labis na nasaktan. "Hindi ba titigil ang mga put*ngina na mga 'yan?" galit na sigaw ni Gunner. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa kanyang dalawang kaibigan na sila Zenon at Pierce. Napatayo na lang si Gunner sa kanyang kinauupuan. Nandito sila sa isang bakanteng kuwarto sa West Building sa West View University. Tumatambay sila ngayon dito dahil hinihintay nila ang susunod na klase nila. Napapailing na lang

