Kabanata 25 Lost Memories “PAPA, hindi ko po magagawa ang sumama sa inyo. Hindi ko maaaring iwan dito ang asawa ko. Papa, maawa kayo sa akin at sa magiging apo ninyo. Pakiusap, Papa. Hayaan n’yo na kaming sumaya.” Eleanor's face was glistening with fresh tears while she kept on begging her father Fiel Norris to take her back to Calick. Sapilitan siyang isinama ng kanyang Ama at gustuhin man niyang manglaban ay mas pinili na lamang ni Eleanor ang huwag gumawa ng ano mang ikapapahamak ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Kabuwanan na niya iyon ngunit mukhang hindi isinasaalang-alang ng kanyang Ama ang kondisyon niya. “Napakasuwail mong anak, Eleanor. Wala kang utang na loob. Kaisa-isang bagay na hinihiling ko saiyo ay hindi mo pa magawang ibigay.” Fiel Norris gritted his teeth.

