Kabanata 26 “Mon mamon yeh, fluffiew yeh...” “Kapatid, shatataps ka na, please. Kanina ka pa maingay. Atsaka monde mamon kaya ‘yon.” Yamot na suway muli ni Luccia sa kakambal nito. “E sa iyon ang twip ko. Bakit ba? Lywics ko ‘yon. Owiginal.” May paninindigang ganti ni Luccan. Mainam na lamang at naroon ang kambal ni Eleanor kung kaya’t naiibsan ang pag-aalala niya kay Calick kahit papaano. Malapit na sila sa ospital na pinagdalhan ni Tres kay Calick. Kasama nila ngayon si Hera na siyang nagmamaneho ng kotse. Eleanor was mentally praying for Calick’s safety. Umaasa siyang hindi gaanong malala ang tama nito. Bagama’t frantic ay sinikap pa rin niyang kumalma. Atsaka ibig niya ring malaman kung nasaan na si Harlan? Kung ano nang nangyari rito at gagawin niya ang lahat upang mabilan

