MATAPOS MANANGHALIAN HINATID na ni Noah at Josie si Ethan sa kaniyang paaralan. Lumipas ang ilang araw. Nanatili si Josie na nasa loob lamang ng bahay. Si Noah ang sumalo sa lahat ng gawaing bahay. Lumiban ito sa trabaho ng isang buwan. Araw-araw pa rin nitong inaalam ang ganap sa kaniyang opisina. Naglagay si Noah ng surveillance camera sa loob ng departamento kung saan nagaganap ang programming ng laro. Ayaw na ni Noah maulit pa ang pananabotahe sa kaniya noon. Makalipas ang isang linggo. Dumating na sina Norberto at Emma sa bahay ni Noah sa Washington. Nakita mismo ni Josie na magkasundo na nga ang mag-ama. “Kumusta ang biyahe ninyo, Papa,” ani Noah. “Maayos naman, anak.” “Josie, kumusta ka na? Anak, dalaginding ka pa lamang noon huli kitang nakita,” anas ni Norberto matapos ay mahi

